CHAPTER 4
Pagtapak ng madaling araw, payapang natutulog si Maya sa kama ni Dave. Habang ang binatang banyaga ay nakahiga lamang sa sahig. Tila naghihintay ito sa isang bituin na bumagsak sa kanya. Nakalaylay na ang katawan ni Maya sa gilid ng kama kaya heto at hindi alam ni Dave kung paano sasaluhin si Maya.
“I should be a gentleman. Paano if she will fall? Masakit sa sahig?” Kinamot ni Dave ang ulo hanggang sa makita niyang bumiling si Maya at unti-unting nahuhulog papunta sa kanya.
“Hmm,” ungol ni Maya at hinatak ang t-shirt ni Dave pagkatapos pinunasan ang basang bibig.
Natunganga si Dave dahil ginamit pampunas ng laway ang kanyang damit.
“Are are gross,” bulong niya at inayos ang puwesto ni Maya sa tabi niya. Hinimas niya ang buhok nito at muling humalik sa labi ng dalaga.
“Anong ginagawa ko? Nagnanakaw ng halik sa tulog?”
**
DAGUNDONG na parang kidlat ang boses ng ina ni Maya nang umuwi ito kasama si Dave.
“Maya! Diyos ko at bakit ka pumatol sa cano? Naging GRO ka na rin ba ha?!”
“Mama, huwag kang maingay. Magaling mag tagalog ‘yan!”
“Wala akong pakialam! Hindi kita tinuruan na ibenta ang katawan para mamingwit ng tisoy!”
“Ma’am, excuse. May I talk for a while?” sabat ni Dave.
“Don’t speak English to me if you can speak Tagalog!” Bulalas ng ina ni Maya.
“Uy Mama, marunong ka rin pala,” malokong sinabi ni Maya kaya kinurot siya ng kanyang ina.
“Hindot kang bata ka.”
“Ma’am, I respect your daughter. I met her yesterday not as a GRO but an ordinary lady. Pasensya na po kung ganoon ang tingin niyo sa aming mga banyaga. But I am not here just to make her pregnant. I am here to have a serious relationship with your daughter. Malinis po ang aking loob at konsensya kay Maya.”
“Really? Eh kahapon mo nga lang nakilala. Hijo, ibahin mo kami sa ibang pamilya rito na halos ibenta na ang anak para lamang makaahon sa hirap.”
“No, Ma’am. Hindi iyon ang iniisip ko. Ilang beses na po akong pabalik-balik sa Pilipinas. Kaya heto’t natutuhan ko ang inyong salita at alam kong si Maya na ang dahilan to stay in your country.”
Nagkatinginan ang mag-ina at para bang may paru-paro na lumilipad sa sikmura ni Maya. Pasimple siyang gumilid at ngumiti.
“Anong nginingiti-ngiti mo r’yan?” singhal ng kanyang ina.
“Aray ma, hindi naman ako ngumiti.”
“I will court your daughter formally.”
“Formal? Eh hindi mo nga inuwi kagabi!”
“M, kasi nga po may Pulis. Nagkagulo na naman sa sea side kasi nga may mga banyaga at ilang pinay ang nagtutulak. Kamuntik lang po kaming madamay. Kaya pinatuloy niya ako,” saad ni Maya.
“Wala kang ginawang masama sa anak ko ha?!” Pananakot ng kanyang ina kay Dave habang hawak ang hanger.
Itinaas ni Dave ang dalawang kamay at umatras. “Wala po, I behaved and I will wait for her.”
BINABASA MO ANG
Cigarettes After Sex
RomanceIsang babae na pilit pinag-aagawan ng magkapatid. Buong akala ng kanilang magulang na isang disente at nakapag-aral ang babaeng kinababaliwan ng kanilang anak. Ngunit isa itong bayarang babae na pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan sa White Coast S...