CHAPTER 2

12.4K 173 6
                                    

CHAPTER 2

    “Oh, anak? Akala ko bang kasama mo si Emilia?” tanong ng kanyang ina.

    Nagkakamot ng ulo si Maya at tumabi sa kanyang ina. “Eh, hindi na ma. Dito na lang muna ako at magtitinda muli ng gulay.”

    “Sige at sumakay ka na sa pedicab. Mukhang maniningil na ng upa ang may-ari. Baka palayasin na tayo kung ‘di pa rin tayo makakabayad,” giit ng kanyang ina at sumunod naman si Maya.

    Tirik ang araw at diretso lang sa paglalako ng paninda si Maya hanggang sa hindi niya namalayan na ang banyaga na kanyang hinatiran ng gamit ay nakatitig sa kanya habang umiinom ng buko.

    “Oh my gosh! You again!” Sigaw ni Maya at mabilis na dinuro ang lalaki pagkatapos ay pinadyak ng mabilis ang pedal.

    “Wait! Wait! Hey Miss!” 

    “No! I don’t like! Mahirap kang kausap!” Bulalas ni Maya ngunit nahabol pa rin siya ng binata. Hinablot nito ang kanyang pedicab at tinapakan ang gulong.

    “Hey, you go! Ma-fa-flat ang gulong ko!”

    “Why do you hate me so much? I am here to apologize and to say thank you for delivering my things,” pagpapaliwanag nito. Si Maya na tulala lang at nakatitig naman sa namumulang pisngi ng binata. Akala mo’y kamatis na napakapula. “I brought you some chocolates,” dagdag nito at inabot kay Maya.

    “T-thank you, mabait ka naman pala. Nga pala, umalis ka na at kailangan ko ng magbenta.”

    “What?” mapang-asar na tanong ni Dave kahit naiintindihan naman niya ang sinabi ng dalaga.

    “I need to go. Thanks for this!”

    “What’s your name?”

    “I am Maya, how about you?”

    “Dave Gray.”

    “Oh, I’ll go ahead. Thank you!”

    “Wait, how much is this? I’d like to buy it.”

    Tila nagliwanag ang mundo ni Maya nang dumukot sa pitaka si Dave ng pera.

    “Depends sa kilo. What vegetable do you like?”

    “All.”

    “Seryoso ka? I mean, serious you?” alinlangan niyang sinabi.

    “Yeah, I need this food. So tell me, how much?”

    “This is worth one thousand. Including the tuyo and itlog na maalat.”

    “Okay, here. Help me pack these foods."

    Agad naman sumunod si Maya kaya heto at bumaba siya ng pedicab, tinulungan na rin ang banyaga. 

    Agaw atensyon ang nangyari, nakatingin ang mga naiinggit na mga mata kay Maya. Lalo na’t hindi naman makakaila na kahit napakasimpleng dalaga ni Maya, marami rin nagkakagusto sa kanya dahil sa galing niya sa pagtitinda.

Cigarettes After SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon