CHAPTER 11

5.8K 139 16
                                    

CHAPTER 11

Tanghaling tapat nang lumabas ng bahay si Maya upang hanapin si Emilia. Tumakas siya kay Dave nang umalis ito kasama si Fred. Si Maya na diniretso ang palengke upang hanapin ang mga kaibigan din ni Emilia para mapagtanungan ito tungkol sa kanyang tinitirahan.

"Ale! Alam mo ba kung nasaan si Emilia?"

"Naku Maya! Tinatakasan kami niyan pagkatapos utangan! Ewan ko ba at nagkaganyan 'yang kaibigan mo! Itong anak ko na niloko rin niya sa paninda. Kundi lang siya buntis at kinakaawaan ng mga nagtitinda rito, baka tuluyan na namin siyang pinasuplong sa pulisya."

"Ale, huwag naman po. Eh nagdadalang tao po si Emilia. Bakit naman po siya tinakwil ng ganoon lang?"

"Naku! Eh paano maldita pa! Siya na nga itong parang pulubi, siya pa ang mapagmataas sa amin! Kaya hindi swerte sa buhay tulad mo! Tingnan mo at swerte ka kay tisoy! Ikumusta mo kami kay Dang Pipay! Ang tagal na niyang hindi nagpapakita!"

Hindi naman nakakibo si Maya at ngiti na lang ang naging reaksyon. Kumuway na lamang si Maya bilang senyales ng pagpapaalam.  Inabot din sa kanya ang kapirasong papel kung saan nakasulat ang kumpletong tinitirahan ni Emilia.

Patuloy na hinanap ni Maya ang bahay ni Emilia hanggang sa mapadpad siya sa isang dikit-dikit na tirahan. Magulo at pawang walang tamang paglilinis ang mga naninirahan sa lugar na ito.

"Ito na kaya ang bahay niya?" Bulong niya at kumatok ng tatlong beses sa pintuan.

"Emilia!" Bulalas ni Maya at niyakap ang kaibigan.

"Bitiwan mo nga ako!" Pabalang na sinabi ni Emilia at basta na lang tinulak si Maya 

"Emilia? Bakit ka nagagalit sa akin?"

"Nagagalit? Ano? Pumunta ka rito para ipagmalaki na nakahanap ka ng mayaman at iaangat ang buhay mo sa kahirapan? Ipagmamalaki mo sa akin na okay ka na? Samantalang ako iniwan at binuntis lang!"

To read the full chapters pls follow these instructions.

Download the app G O O D NOVEL
Create acct and search Heavenknows.FLO

Cigarettes After SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon