Chapter 4

8 0 0
                                    

Such Doctor Things

Chapter 4

And here we are, nasa Case Summit ulit ako sa Hospital na ito. And guess what, Department of Internal Medicine ang pepresent ng mga cases nila ngayon. Which mean katabi ko sa Panel si Dr. Walter. Kaya, spell awkward.

~~~

As I was listening to my juniors' case presentation, bigla akong napatingin sa katabi kong panelist din. Instead of Drawing my attention to my juniors, my focus is on Casey. 

We dreamed of dominating Internal Medicine when we're in Med School. Kasi doon talaga kami nagkaroon ng interest.

*flashback*

"Baby, ano specialize mo after natin mag PLE?" Tanong ko kay Casey.

"I want to take Internal Medicine, Ter. Ikaw ba?" Tanong niya pabalik sa akin.

"I also want to take Internal Medicine din." Tuwang tuwa kong sabi sa kaniya. Ngumiti naman ng pagkatamis-tamis tong isa.

"Weh? Gaya-gaya ka ah? Sige Mag-internal medicine tayo after board exam. Let's dominate every Medical Ward dito sa Pilipinas." Natatawang ani ni Casey. Tumango naman ako at niyakap ang taong nagbibigay sa akin ng pagmamahal.

Nilasap namin ang yakap ng isa't-isa.

*end of flashback*

"Dr. Walter? Hello po? You still there?" Tanong sa akin ni Casey ng nagpabalik-ulirat sa akin. "What do you want to say to your juniors who presented today? Anything you want to add?" Dugtong na tanong ni Casey sa akin.

"Wala naman na po, Dr. Jones, I think nabigay naman nila yung mga key infos tungkol sa case na sinabi nila.

"Wala ba talaga o wala ka lang sa sarili?" Bulong na sabi ni Casey sa kaniyang sarili.

"I think your consultant won't add any additional information about your case. So I think let's conclude this case. Next one, please." Sabi ni Casey

Sa buong panahon ng Case Presentation ay hindi ako nakinig sa nagsasalita. Instead, nakafocus lang attention ko kay Casey. Sobrang na-starstrucked ako ngayon. I won't imagine na papasok siya sa Laboratory Medicine. In fact nung nasa med school kami, hirap na hirap siya sa Pathology kasi sobrang daming inaaral.

Hindi ko namamalayan na natapos na ang Case Presentation.

"Dr. Casey. at Dr. Walter." Tawag sa amin ng aming Director. "Meron nga palang Summit on Infectious Diseases next week sa Florida. You wil be spending 3 days doon. Dahil dyan, I'll give you an entire week of off-duty hanggang sa pag-alis nyo. Sapat na siguro yung 5 days to prepare?"

"I think yes po." Sabi naman ni Casey.

"Hoy Casey! Hindi bakasyon pupuntahan nyo ha? I want you to take this opportunity to broaden your knowledge in Infectious Disease." Saway ng Director.

"Yes naman po doc. Kilala mo naman akong hindi gaano nagbabakasyon, nasa bahay lang ako pag off duty ko noh." Sabi ni Casey.

"Mainam kung ganon. Sige maiwan ko na kayo T'was a good case presentation. Maganda pagkakapresent ng mga case studies ngayon." Sabi ni Director saka umalis.

"Dr. Jones!" Tawag ko ng mapansin kong paalis na siya.

"Yes po doc?" Tanong niya sa akin. Bakit bigla ako natameme?

"Saan punta mo?" Nakakahiya tanong mo Walter.

"Uhm... sa office ko. If ever may iffollow-up ka na results, tawag ka lang sa pathologist's office. Andun ako, follow up ko mga resulta sa IM." Sabi niya sabay alis.

At ako ay naiwang nakatulala hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

~~~

As I go back to my office. Nagflashback sa akin yung pagtawag sa akin. I miss that voice. I miss his kiss. I miss everything about him. And I miss him. Ang rupok ko pakinggan. Makabalik na nga sa trabaho.

"Doc, meron pong frozen section." Biglang pasok ng isang doktor mula sa OB.

I guess wala na ata akong oras para magreminisce. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagstart na akong gawin ang frozen section.

~~~

As I prepare to go home, may biglang tumawag sa telephone ng office ko. Knowing na IM Department ang tumawag.

"Pathologist's office. Good afternoon." Sagot ko sa call.

"Is this Dr. Casey? Si Dr. Walter ito. Pwede ko ba mafollow up yung result ng patient namin with Pap smear?" Ani Dr. Walter sa kabilang linya.

"Hintayin mo nalang. Kaka-validate ko lang ng result nun." Sabi ko sa kabilang linya.

"Sige sige maraming salamat." Sabi niya at binaba ko na yung linya.

Nakakapagod tong araw na ito. Buti nalang off ko na bukas, I deserve a sleep. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Such Doctor Things (Slow Update)Where stories live. Discover now