One

69 5 0
                                    

Santiago City, Isabela
March 2008

"Isa, dalawa, tatlo apat, lima..." Itinigil ni Tita Myrna ang pagbibilang saglit at inilagay ang hintuturo na kanyang ginagamit sa pagbibilang ng pera sa kanyang dila at pagkatapos ay ipinagpatuloy ang pagbibilang ng papel na salapi. "Anim, pito!"

       Dinig ang mga ugong ng sasakyan na dumadaan dahil nasa tabing daan nakatayo ang lumang bungalow style na aming tahanan.

       Kami ay kasalukuyang naka-upo sa aming beranda na napapalibutan ng mga kulay berdeng halaman sa lumang bahay na minana ni Tita Myrna sa kanyang mga magulang, kila lolo at lola na matagal nang namayapa.

       Iniwan ko munang nakasawsaw ang aking paintbrush sa lalagyan ng cup noodles na may laman na tubig. Naghalo na ang kulay berdeng pinta sa tubig na kanina'y malinaw lamang.

       Maluwang siyang ngumiti sa aking direksyon. Hindi ko rin napigilang ngumiti. Minsan lang kumita ng malaki ang negosyo ni Tita Myrna.

       "Papatok naman pala ang malunggay pandesal!" masiglang saad ni Tita Myrna.

       Si Tita Myrna ay dating trabahador ng isang panaderya. Isa siyang magaling na panadera at sa loob ng maraming taon kanya nang na-master ang sining ng paggawa ng tinapay.

       Nang malugi ang kaniyang dating pinagtatrabahuan, kaniya itong binili mula sa mga perang naipon niya sa loob ng mga taong pagtatrabaho sa panaderyang 'yon. Magandang ideya rin daw ito sapagkat ito na ay may kinalaman sa nakasanayang gawin mula pa noon dahil ito ang kanyang naging trabaho sa loob ng matagal na panahon.

       Isang lakas ng loob ang itinaya ni Tita Myrna upang magbukas ng kanyang negosyo. Hindi niya lubos alam kung ano man ang kakahinatnan ng kanyang bagong tayong negosyo ngunit madalas nga niyang sabihin na walang mangyayari kung hindi mo tatapangan ng 'yong loob. Ngayon, ang kahihinatnan ng kaniyang negosyo ay maayos—sapat na sa pang tustos ng mga gastusin araw-araw. 

       "Mababayaran na natin ang utang ko kay Manang Linda, Yves," aniya sabay tukoy sa isang tanyag na nagpapautang sa palengke rito sa aming bayan.

       "Hindi niyo naman na kailangang umutang, Tita," sabi ko sabay dukot ng aking paint brush at itinuloy ang pagpipinta sa aking landscape painting.

       Ito ay isang pinta na kung saan ang mga puno't halaman at ang malawak na palayin ay mayroong matingkad na kulay dulot ng araw na pumapaibabaw sa mga ito. Mga grupo ng magsasaka na nakabilad sa init ng araw at dalawang kalabaw na parehong may nakapatong sa likod na kaibigang kulay puti. May parte ng lupa na bakante at damo lamang na berde at pino ang makikita.

       Isang larawang pareho naming pangarap ni Tita. Isang lupa na mataba at napapaligiran lamang ng kalikasan.

       Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi ginalaw ni Tita Myrna ni isang beses ang mga perang ipinapadala ng kaniyang mga kapatid mula sa abroad. Lahat ng mga ito ay direkta niyang ibinibigay sa akin at tuwing tinatanggihan ko 'yon, lagi niyang sinasabi na nakareserba na raw 'yon para sa aking pangkolehiyo.

       Ngunit para lamang makabawi sa kaniya bilang ang isa lamang sa mga taong nag-alaga sa akin buong buhay ko, umuuwi ako mula sa aking paaralan na may dalang pinamalengke tatlong beses sa isang linggo. Ilang beses na nga ako sinita ni Tita Myrna pero napagod na yata siya kasisita dahil hanggang simula first year high school ako hanggang ngayong grauduating high school student na ako ay patuloy pa rin ang aktibidad kong 'yon.

       "May pang-aral ka na para sa kolehiyo mo, Yves! Ano bang kukunin mo, hija?"

       Kumuha ako ng ibang uri na brush. Ngayon ay may malapad naman ito kumpara sa brush na aking ginamit kanina.

By the City's TranquilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon