first ♡ eleven

14 1 5
                                    

"Good morning, Yuri!" bati ni Yuto, nang lumabas na ako ng gate at dala dala 'yung bike ko.

Nangiti ako, at saka sinara na 'yung gate matapos na ipahawak saglit kay Yuto 'yung handle ng bike. May dala naman akong maliit na backpack para sa phone and wallet ko, eh, kaya ayos na 'to.

"Good morning, Yuto. Ganda yata ng gising mo?" sabi ko, and then he chuckled.

"Ganda ng bungad, eh," sabi niya, kaya natawa naman ako.

"Mahiyain ka naman sana diba, Yuto? Kaya wala kang jowa, eh," sabi ko naman sa kanya, at natawa siyang kaunti bago napailing.

"Hindi ko naman kailangan nun. Ano, tara na? May map ako sa phone, wanna see? Or you wanna lead the way?" he asked, so napangiti naman ako.

"Sundan na natin 'yang nasa phone mo. Surprise me," sabi ko, and he smiled before nodding.

Cute talaga netong si Yuto, eh. Bakit kasi hindi nalang siya 'yung naging crush ko, 'no? Minsan walang hiya hiya ko pang nahaharot 'to. HAHAHAHA. But seriously. Urong talaga ako kay Jeno pagdating sa ganyan ganyan.

"If you say so," sabi naman niya, shrugging so I chuckled.

♡♡♡

Nang bandang mag-aalas dose na, tumigil kami ni Yuto sa may McDonald's at bumili ng makakain. I tried to pay for myself pero sabi niya ay treat nalang raw niya sa akin since matagal tagal rin kaming hindi nakapagkita. Huling hang out yata namin, nagbabakasyon palang ako dito, eh.

"May boyfriend ka na siguro, 'no? Ikaw, ah, kwento naman," sabi ni Yuto, habang nakaupo na kami sa may table at kumakain.

Halos nasamid naman ako sa sinabi niya, kaya tinignan ko siya na parang nawiwirduhan. He raised his brows at me so I sighed.

"Wala, gaga. Takot yata mga lalaki sa akin-"

"Wait, you've got a little something on your lips-"

Nang aalisin dapat ni Yuto ang kung ano man 'yun, sabay kaming nagulat nang biglang lumitaw si Jeno at Jaemin.

"UY! ANDITO RIN PALA IKAW, YURI? HAHAHAHA, WHAT A CONFIDENCE!" Sabi ni Jeno, at natawa naman ako sa sinabi niya kahit na medyo nawirduhan ako kasi nasa kabilang part ng city naman sana kami ni Yuto.

"Coincidence, Jeno," sabi ni Jaemin, at napakamot naman ng ulo si Jeno.

"Sorry na, kinabahan," halos pabulong na sabi ni Jeno, kaya napakunot ang noo ko.

Ano naman kayang trip ng dalawang 'to?

"So, Yuri. And...?" sabi ni Jaemin, smiling widely.

"Yuto," sagot ko, and hinawakan naman ni Jeno si Jaemin na akala mo e pinipigilan niya.

"Yuri and Yuto... pwede ba kami sumama sa ride niyo? Nakabike rin kami," sabi ni Jaemin, and I dropped my jaw.

Tinignan ko naman si Yuto, pero nakangiti lang siya kina Jaemin. Jusko. Kanino kaya ideya 'to? Bakit sila nakarating dito? 'Yung ngiti ni Jaemin mukhang naghahamon, at si Jeno naman parang gusto nalang sapukin si Jaemin. Alam kaya ni  Haruhi lakad ng dalawang 'to?

"Oo naman,"

Shet. Nakakaramdam talaga akong kung ano! Bahala na nga!

♡♡♡

"Next time ulit, Yuri! Namiss kita, haha," sabi ni Yuto, nang madaan na kaming apat nina Jeno sa bahay namin ni Haruhi.

"Hala, hahaha! Oo, basta chat mo lang ako. Nahiya ka pa, miss rin kita, kupal," sabi ko, and he chuckled while scratching the back of his head.

"Sige, una na ako, ah? Ingat lagi. Jaemin, Jeno, una na 'ko," sabi ni Yuto, and tumango lang 'yung dalawa.

Nang makaalis na si Yuto, agad naman akong hinarap nina Jaemin at Jeno.

"Ano mo si Yuto?"

"G-Gago!"

"Jaemin!"

"What? Seloso si Jeno."

"Jaemin."

"HAHAHAHAHA!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

first ♡ lee jenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon