"Bakit nanaman hindi ka pumasok kahapon, Yuri?" Sabi ni Jeno sa akin, habang sabay sabay kaming apat nina Jaemin at Haruhi na naglalakad papasok.
Nasa harapan namin 'yung dalawa, kaya ay naiwan kami ni Jeno sa likod nila. Kanina pa tanong ng tanong si Jeno sa akin, kinakamusta rin ako kung ayos lang raw ba ako o kung may sakit raw ba ako. Hindi niya alam, kaya ako umabsent dahil tinatamad lang ako.
"Oy, sumagot ka naman. Bakit ka umabsent?" Tanong niya ulit, kaya ay nginitian ko siya saka umiling.
"Tinamad lang ako, bugok. Tahimik na, please. Nanunuod ako ng pagtataksil sa harapan ko," sabi ko, gesturing to my cousin and Jaemin.
Eh, kasi eh! Aagawin niya sakin si Haruhi. Joke.
"HAHAHAHA. Ayan nanaman tayo, eh. Eventually, magkakaboyfriend ka rin naman. Kung mangyari 'yun, wag mo akong pagpapalit, ah? Close pa rin tayo," sabi niya, kaya naman ay natigil ako.
Anong pagpapalit? Anong magkaboyfriend?!
"H-Hoy, Lee Jeno! Anong magkakaboyfriend ako? Saka anong ipagpapalit kita? Close ba tayo?" Pang-iiba ko sa tingin niyang intindi ko, kaya ay natawa naman siya.
"Harsh neto. Tayo na nga lang magkasama, kasi wala tayong jowa, oh? Wag mo akong iiwan pag nagkaboyfriend ka na. Aawayin ko boyfriend mo, loko," sabi niya, and I chuckled.
I shook my head, tapos ay nag-isip isip.
I silently wished na siya 'yun. Kahit na gaano ko siya awayin o ano, hindi ko naman madedeny sa sarili ko na gusto ko siya. Mga gusgusing bata pa kami, crush ko na siya. Hindi nga lang halata dahil todo bara ako sa kanya lalo na nung mga bata pa kami.
Also, wala naman sa plano ko na umamin sa kanya. I mean, why would I? Kitang halos lalaki rin naman ang ituring sa akin ni Jeno, eh.
"Demonyo. Di ako magboboyfriend," sabi ko nalang, and he laughed.
"Bakit, magggirlfriend ka ba?" Pang-aasar niya, kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.
"Eh, ikaw? Di ka magggirlfriend? Naku, kung aamin ka na sakin na bakla ka, tatanggapin kitang buong buo, Jeno. Wag ka nang mahiya. Pahihiramin pa kita ng mga heels at damit ko-"
"Oy! Siraulo! Hindi!"
"HAHAHAHAHA!"
♡♡♡
I clenched my fists, nang tumayo sa harapan ko si Nana Miyuuki. She was smiling sickly sweet at me na akala mo ay ambait bait niya pero halata naman na nagpepeke lang. Anong gusto nito?
"Anong gusto mo?" Tanong ko agad sa kanya, and then she giggled.
"Ako? I just want you to avoid Jeno and Jaemin. Kayo ng pinsan mong maharot. Not too much to ask, right?" Sabi niya, and I chuckled sarcastically saka napatingin sa ibang direksyon.
I crossed my arms across my chest, at saka tinaasan siya ng kilay.
"What makes you think I'll do that? Hindi mo ako utusan, besides, kaibigan ko si Jeno at Jaemin. Hindi ako linta na tulad mo. You just want to suck off of them," sagot ko naman, and then she dramatically gasped.
"Oh, my God. That was harsh. I'm-" sabi niya, at saka nag-iyak-iyakan making me roll my eyes.
Nakakainis.
Tumayo nalang ako, at saka naglakad na palabas sa classroom namin. Subject naman sana namin bago maglunch, kaya lang ay absent raw si Sir Yixing dahil may inaasikaso sa China.
Paglabas na paglabas ko, lumitaw naman si Jeno kaya nginitian niya ako but I just rolled my eyes. Nababadtrip talaga ako.
"Ang sungit naman!" Sabi niya, tapos ay sinabayan ako sa paglalakad.
"Dun ka nga. Naiinis ako kay Miyuuki," sabi ko, and then he chuckled.
"Inano ka?" Tanong niya, and I rolled my eyes bago siya harapin.
"Pinaiiwas ako sa inyo ni Jaemin. Akala mo naman jowa niyo siya. Ansarap na iuntog nun minsan, eh. Nag-iyak-iyakan nanaman." Sabi ko, and he raised his brows before chuckling.
"Ayaw mo akong iwasan? Yieee, Yuri, ikaw ah? Baka mamaya may lihim kang pagmamahal sakin-"
"Alam mo ikaw, Jeno, shut up. Nakakabanas!" Sabi ko, and tumawa naman siya.
Nakakainis. Masyado siyang tamang hinala. Argh!
Pag talaga 'yang Miyuuki na 'yan, umisa pa, baka paiyakin ko pa siya hanggang umiyak siya ng dugo. Nakakainis. Iwas iwas pang nalalaman. Akala mo naman.
BINABASA MO ANG
first ♡ lee jeno
Fanfic[ nshitty series ] "no matter what happens, you'll always be my first," in which he was her first love, but he never noticed until it was too late. cover by @venleyy