Lumipas ang linggo na pilit itinago ng dalaga ang kaniyang pagdadalang tao kay Vice pati narin kay Yael, hanggat wala pa siyang kasiiguraduhan kung sino nga ba ang tunay na ama ng kaniyang magiging anak, pilit mang itago ngunit nagkakaroon parin siya ng morning sick at paglilihi, Hindi na rin itinuloy ni Karylle ang pagmo-model sa bench at sinabing pagkaraan na lamang ng taon niya muling ipagpapatuloy ang offer.
Nagpunta na rin si Karylle ngunit palihim sa ospital upang ipatingin at masigurong maayos ang bata atsaka pina-ultra sound ito. Sa ganitong sitwasyon ni Karylle wala siyang ibang nasasandalan kung hindi si Anne lamang na siyang nagiisang nakakaalam sa kaniyang katago-tagong lihim. ngunit itinago man niya naging masaya naman ang kanilang pagsasama kahit palihim man ito, hindi man sila madalas na nagkakasama di parin lumalagpas ang araw na di manlang nagpaparamdam para sa isa't-isa.
Alas onse na ng tanghali at tamad na bumangon si Karylle sa kaniyang higaan bigla siyang napahawak sa kaniyang bibig ng makaramdam na halos bumaliktad ang sikmura sa kaniyang tiyan atsaka patakbong pumunta sa banyo upang sumuka.
*Kwerkkk* Halos manghina si Karylle matapos niyang sumuka napatingin siya sa salamin at doon ay nakita niya ang kaniyang mukha na gulo-gulo ang buhok, Sinuklayan niya ang kaniyang buhok sa pamamagitan ng kaniyang kamay atsaka itinali ito into bun.
Agad siyang bumababa sa kusina at doon ay nadatnan niyang nagluluto si Lottie ng kanilang pananghalian habang nagba-blush on habang pinapalambot ang nilulutong adobong patatas. Napangiwi si Karylle ng maamoy ang niluluto ni Lottie "Gewd merneng meem Ayy wait" She said bago tignan ang relo niyang G-Shock-ira "Ged efternen pele hihihi, Keen ne meem" Umirap lang si Karylle ng tinignan ang nakahain sa hapagkainan.
Agad na hinain ni Lottie ang ulam kay Karylle at magiliw na nginitian ang dalaga ngunit si Karylle ata ay wala sa mood upang makipagngitian lang atsaka crossed arms na tinitignan ang pagkain. "What Kind of food is this? Ang baho!!" Pataray na sabi ni Karylle atsaka inilayo ang pagkain at tumayo upang tumingin ng makakain sa ref, Kahit na presentable naman ang pagkain nagtatakang inamoy ni Lottie ang pagkain "Mebenge nemen meem, Beke keleng keleng se tetbreshh yeah na!" Tinignan lang ni Karylle si Lottie ng masama atsaka inirapan at kumuha ng onion garlic at giniling pati na rin ang garlic sauce at isama mo pa ang suka.
O.o ------> Lottie
^_________^ Kung gaano kasungit si Karylle kanina ay siya namang bilis ng pagbabago ng mood niya at tila walang nangyari kanina at masayang ginigisa yung mga pinagkukuha niya sa ref, Pagkatapos nito ay agad nya itong nilagay sa lamesa habang binbalatan ang pipino. "Ang sharapp, Gusto mo?" Alok ni Karylle kay lottie habang ginagawang chichirya yung pipino, Halos mandiri si Lottie habang nilalagyan pa ni Karylle yung pipino ng Garlic sauce. "Eng lekes ne neng teme ne meem" Bulong na lang ni Lottie sa kaniyang sarili habang ipinagpapatuloy ang paglalagay ng blush on sa kaniyang putok na putok na cheek bone.
"Meym Kelme leng ene? Di ke pe nyen tetekbehen" Napatigil si Karylle sa kaniyang pagkain at sinamaan bigla ng tingin si Lottie at umirap saka masayang kumain ulit ng kaniyang pagkain.
--
Sa kabilang banda naman ay abalang naghahanda ang Team Vice para sa isang maliit na selebrasyon para kay Aaron, lilipad na kasi siya ng bansa upang magpakasal sa kaniyang boylet na hilaw na kano o sa madaling salita ay anak araw na naging costumer nila sa Native Salon, Dahil nga hindi naman payag ang simbahan ang same sex marriage, Nagpasya ang dalawa na sa america na lamang magpakasal at dahil kulang ang budget ng Team Vice o sabihin nalang nating nagkukuripot ay nagkaroon nalang sila ng Pa-Despidida party para kay Russ na mga malalapit lang na kaibigan ang naimbitahan.