Chapter 31

255 41 23
                                    

"Sasabay ka ba?"

I nodded to answer Alise' question. Tumatambay na naman siya dito sa lab namin. She's inviting me to have lunch with Taine. Hindi na rin kami masyadong nagkikita kaya pumayag na ako. Sabay naman ang schedule naming tatlo.

"Kumusta pala si Ismael?" she suddenly asked.

Napatigil ako sa ginagawa at mabilis siyang tiningnan ng masama. She crossed her arms trying to make a shield.

"Woah, parang noong nakaraang araw lang confident ka pa na di mo kailangang mag move on." She teased me.

"Nagbago na ang isip ko. He's a jerk." I hissed.

"A jerk that you love. Okay, accepted," she murmured.

"Alise!" pagsusuway ko sa kanya.

She chuckled and tapped my shoulder. Umiling-uling pa siya na para bang hindi siya sure kung paniniwalaan niya ako.

"Kay Dr. Santiago ka nalang! Tagasundo na, surgeon pa!" tumawa ulit siya ng malakas.

Napatingin din si Erika sa direksyon namin. Maaaring nagtataka kung bakit mukhang baliw ang kausap ko.

"Pwede ba, tigilan mo 'ko." I mentally rolled my eyes and continue what I'm doing.

Inayos ko ang X-ray result ng mga pasyenteng nagpa-scan kanina. Hindi ko na rin pinansin si Alise na hanggang ngayon ay tumatawa pa rin.

"Pero alam mo, may balita na may gusto daw yung junior niya sa kanya."

Mabilis akong napalingon kay Alise. She smirked when she noticed me raising my brow.

"Oh, affected? Gusto mo sa 'yo lang? Tapos di mo naman binibigyan ng chance," pagsusungit pa niya.

"Di ah, at tsaka di rin naman siya nagtatanong, Alise," I innocently told her.

"Ay, gaga! Di na 'yon kailangang sabihin. Ipinararamdam lang 'yan!" mabilis niyang sagot.

"Ewan." I shrugged and finished what I'm doing.

Nang mag lunch time na ay umalis na kami at bumaba sa cafeteria. Nauna na si Taine doon dahil sa second floor lang naman siya galing. Pagkapasok ay nakita agad namin siya kasama ang kuya niya.

Mabilis akong hinila ni Alise at pinaupo sa tabi ni Eikel. Itinulak pa ako ng walang hiya. Nakangisi pa siyang umupo sa tabi ni Taine.

"Bagay sila diba?" bulong ni Alise kay Taine pero rinig pa rin namin.

Taine chuckled. "Ayaw pa kasing manligaw ni kuya eh," pagpaparinig pa niya.

Naubo ng kaunti si Eikel. Ako naman ay napalingon sa kanya. I suddenly asked myself. If he will asked me to go out, will I agree?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang pumasok din ng cafeteria sina Ismael kasama ulit ang kaibigan niya. Seryoso lang silang nag-uusap habang papasok. Some Doctors were gossiping about them. I rolled my eyes and looked somewhere else.

"Nandito na si ex," Alise said while grinning.

Tiningnan ko siya ng masama. Hindi naman siya natinag mas natawa pa nga siya sa akin. Buti na lang at di rin nagtanong si Eikel at Taine. Well, probably Taine knew about this. Wala lang siyang imik.

Tumayo na si Eikel para kumuha ng pagkain namin. I volunteered to go with him dahil hindi niya naman madadala lahat ng iyon. Mabilis naman akong pinaalis ni Alise kaya inirapan ko siya.

"Kaya ko naman eh," Eikel told me nang nag-o-order na kami.

"Hindi mo kaya. Ang dami kaya." Sabay turo ko sa mga ulam at kanin.

Unseen Passion (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon