22

945 27 0
                                    

Darling P.O.V

"Nakasakay ako sa sasakyan ko. Nakita ko nga ang kapatid mo na patawid sa daan. Walang gaanong tao sa lugar na iyon. May naunang sasakyan sa akin. Masyadong mabilis ang pangyayari. Nakita ko ang kapatid mo na nakahandusay sa daan. Bumababa pa ang nakabangga kitang kita ko ang mukha niya pero imbes na tulungan niya ang kapatid mo pumasok siya ulit sa sasakyan niya. Ang pagkakamali ko ay hindi ko tinulungan ang kapatid mo. Ang ginawa ko ay hinabol ko ang babae pero na bigo ako dahil biglang nanlabo ang mata ko kase naluha ako sa sinapit ng dalaga kaya imbes na salpukan ko ang truck na padating pinihit ko ang manibela hanggang sa tumama ako sa poste" mahabang kwento ko sa kaniya.

Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Dahil parang bumalik ang lahat.

"B-babae ang nakabangga sa kapatid ko?" nauutal na tanong niya.

"Oo. Sorry Nathan nakita ko siya noong isang araw sa mall. Wala man lang ako nagawa. Naunahan ako ng takot at hindi ko alam ang gagawin ko" nanginginig na sagot ko kaya hinawakan niya ako sa pisngi at hinarap ako.

"Don't say sorry. Napakabuti mo Darling. You tried your best to saved my sister. Sinubukan mong habulin ang nakabangga sa kanya. Hanggang sa pati buhay mo ay nadamay pa. I'm the one to say sorry. I'm sorry. Kase naging pabaya kami sa kanya" emosyonal na sagot niya.

"Everything happens for a reason. Sa ngayon kailangan natin siyang hanapin" tukoy ko doon sa babaeng nakita ko sa mall.

"Makakahanap rin tayo ng hustisya para sa kapatid ko. Magpahinga ka na bukas ay aalis tayo. May importante tayong pupuntahan" sagot niya at hinalikan ako sa noo. 

Ayokong maglihim sa kanya. Ayokong masira ang tiwala niya sa akin.

"You can stay here" sagot ko at hinawakan ang kamay niya.

"Gustong gusto ko kaso ay hindi pwede" sagot niya at ngumiti.

"Bakit naman hindi?" taas kilay kong tanong.

"Wala akong damit dito. Tska sa susunod na araw na lang. Kailangan mong magpahinga. Di bale bukas ng umaga ay pupuntahan kita" nakangiting sagot niya.

"Ok sige" ngiting sagot ko.

"Pano ba yan? I'll have to go. Good night Mrs Buenavista" malambing na saad nito sa mukha ko.

"Good night Mr Buenavista" ngiting sagot ko.

"I love you" saad niya sabay halik sa labi ko.

"I love you too. Ingat ka" sagot ko ng mahimasmasan ako.

Inayos niya pa ang pagkakakumot sa akin at lumabas na sa kwarto.

Ipinikit ko ang mga mata ko na may ngiti sa labi.

Nasa isang malawak na lugar ako. Maraming magagandang bulaklak at puno. Napakatahimik din ng lugar.

Ngunit may isang babaeng nakatalikod sa akin. Nakasuot siya ng puting bestida,mahaba ang kanyang buhok at balingkinita ang kanyang katawan.

Sa pagkakatayo nito gumagalaw ang kanyang balikat at maririnig ang kanyang mumunting pag hikbi.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya at nilapitan siya.

Wala parin siyang tigil sa pag iyak. Hanggang sa unti unti siyang humarap sa akin.

Nabigla pa ako. Maraming dugo sa kanyang mukha halos hindi ko siya mamukhaan. Ang harapan ng bestida niya ay pulang pula dahil sa dugo.

"Ate tulungan mo ako" nagmamakaawang saad niya.

Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko.

Umiiyak na siya ng dugo sa kanyang pagluha.

"Tulungan mo ako"  hinawakan niya ako sa kamay at kinalibutan ako.

"Wahhhhhhhhhhh!" hingal na hingal na sigaw ko.

Panaginip lang ang lahat. Panaginip lang.

"Darling are you ok? Binabangungot ka" sagot ni Nathan at napayakap ako sa kanya.

Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

"Nanaginip ako ng masama. May isang babae na humihingi ng tulong" natatakot na sagot ko.

"Shhh. Tahan na. Its just a dream maligo ka na at hihintayin kita sa baba. Ipaghahanda na rin kita ng makakain" sagot nito at hinalikan ako sa noo.

"No! You stay here please. Hintayin mo na ako" pagmamakaawa ko at tumayo na sa pagkakaupo.

"Ok. I'll stay" sagot niya at umupo siya uli sa kama.

Pumasok ako sa banyo para maligo. Ilang minuto lang at lumabas na ako. Hindi parin mawala sa isip ko ang panaginip ko. Inaamin ko na natakot talaga ako.

"Wag kang matakot nandito lang ako" bungad sa akin ni Nathan habang nag aayos.

"Thank you" sagot ko at tumayo na.

Bumaba kami para kumain ng agahan.

Pinaalam ko din kina Mom at Dad na dito siya matutulog mamaya.

Sumakay na kami sa sasakyan.

"Kalimutan mo muna yang mga iniisip mo" sagot niya habang nasa daan ang mga mata niya.

"Sorry" sagot ko at hinawakan niya ang kamay ko.

Hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon. Sa loob ng sasakyan ni Nathan may dala siyang bulaklak at teddy bear.

Pumasok kami sa isang memorial.

"Ipapakilala kita sa isa sa mga babaeng pinakamamahal ko" ngiti nito at naglakad kami sa isang kalakihang bahay.

Inilapag niya doon ang dala niyang bulaklak at teddy bear. Doon may naka ukit na pangalan Niana Buenavista.

"Meet my beloved Sister Niana Buenavista" pakilala niya habang nakatutok ang paningin sa mga dala niya.

Nakita ko naman ang mga larawan niya sa loob at maging sa lapida niya. Siya ang babaeng nasa panaginip ko. Siya ang babaemg humihingi ng tulong.

"Niana honey,its been a long days since I visited you here. This girl.beside me is your Ate Jade,she's my wife. Ang ganda niya no? Sayang at hindi mo siya nakilala. Mabait ang Ate Jade mo she is taking care of me. Sana dumating ang araw na mabigyan ng hustisya ang pagkawala mo. Walang araw na hindi ka namin inaalala. Masaya ka na siguro ngayon bantayan mo kami nila Mom at Dad pati na dn ng Ate Jade mo. Mahal na mahal ka namin bunso. You will be in our hearts forever" emosyonal na kausap niya sa kapatid niya.

"She is the girl in my dream" usal ko ng hindi siya umimik.

"You can talk to her" sagot niya at hinawakan ako sa kamay.

"Hi Niana ako nga pala ang Ate Jade mo. Hindi man kita nakilala kaagad pero pangako ko sayo. Iingatan ko ang Kuya mo. Base sa kwento niya ay sobrang mahal na mahal mo siya. Hayaan mong ingatan ko siya at mahalin siya gaya ng pagmamahal mo. Tutulungan kita. Hahanapin namin ng kuya mo ang may gawa nito sayo. Hindi kami titigil hanggat hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay mo" sagot ko at inakbayan ako ni Nathan.

"Pano ba yan bunso? Mauna na kami. Papasyalan ka na lang namin uli" paalam ni Nathan.

"Bye Niana" paalam ko rin at lumabas na.

Inaamin ko na nawala ang takot ko ngayon. Siguro dahil sinabi kong tutulungan ko siya.

Ngayon ay hindi ako titigil hanggat hindi namin nahahanap ang taong may gawa nito sa kanya. Sa murang edad niya ay hindi niya naipagpatuloy ang ganda ng buhay.

Accidentally Get MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon