28

897 25 0
                                    

Darling P.O.V

Hinatid siya ni Tito sa altar at doon nagmano si Brandon at niyakap si Tito.

Naiyak na din si Brandon at kinuha ang kamay ni Melo at hinarap sa altar.

Nagsimula na ang seremonyas ng kasal. Tumayo kaming dalawa ni Nathan at isinagawa ang proseso. Matapos ay bumaba na kami at naupo ng magkatabi.

"Doon ka diba?" sita ko sa kanya.

"I can't. Parang anytime ay mahihimatay ako" baliw na sagot niya. Hinawakan niya ako sa kamay at pinanood namin ang seremonyas.

"Nakakaiyak naman" sambit ko at naluluha parin.

"Parang ikaw naman ang ikinakasal Wifey" sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Tsk!" asik ko at winaksi ang kamay niya.

"Grabe! Namis kita ng sobra. Lalo na yang pagsusungit mo sa akin" sagot niya.

Naalala ko na naman ang sitwasyon ko. Should I say it now?

Bukas ko na sasabihin. We should witness first my best friend's wedding.

"Wifey kung magkakababy tayo ilan ang gusto mo?" nakakalokang tanong niya.

Bigla pang kumabog ang dibdib ko. 

"Ikaw ilan ba? Tska sigurado ka na ba sa akin?" ngising tanong ko.

"Of course! Sure na ako sa iyo. If there will be chance gusto ko sampu ang anak natin" saka siya ngumiti ng nakakaloko.

"Ano ako? Aso?!" maktol ko kaya naman natawa siya at umakbay sa akin.

"Hindi naman isahan ah. Pagkapanganak mo tas ilang araw lang pwede na siguro" mababaliw na yata ako sa mga pinagsasabi nito.

"Manyak! Mahilig ka talaga!" saka ko siya binatukan.

"Of course asawa naman kita" asik niya pa at hinawakan ang batok niya.

"Alam mo doon ka na lang kaya! Di ko na narinig ang vow nila! I hate you!" maktol ko at tinuon ang pansin ko sa harapan.

"Sige di na kita aasarin" sagot niya at kinuha ang kamay ko at hinwakan iyon.

Di ko narinig ang mga vows nila. Kainis kase ang lalaking to. Kung ano anong pinagsasabi niya.

"You may now kiss the bride" sambit ng pari kay Brandon.

Nag ingay ang buong paligid. Nakita ko si mommy na namumula ang mata niya pati na si Tita Camille.

Yumuko ng bahagya si Brandon at inabot ang labi ni Melo. Doon na naghiyawan ay lahat.

Sumayaw sayaw pa si Melo. Bigla naman siyang kinagra ni Brandon. At naglakad palabas at doon sila hinahagisan ng mga petals.

Alam kong masayang masaya ang best friend ko. Sumunod kami sa kanila na magkahawak kamay parin ni Nathan.

"Gusto mo buhatin kita tulad ng ginawa ni Brandon?" nakangising tanong niya at pinalo ko siya.

"Kala pa nila inaagaw natin yung moment nila" natatawang sagot ko.

"Ayaw mo ba nun?" tanong niya.

"Wag kang panira ng moment no?" saka ko siya inirapan.

"Sungit" sagot niya at niyakap ako sa baywang.

Sa pinakahall ang seremonyas ng kasal habang sa garden naman nakaset ang mga tables at chairs para sa kainan at merong stage para sa bagong kasal.

Sa isang long table ay magkasama ang pamilya namin ni Nathan.

"Ang mga anak natin kailan kaya ikakasal ulit?" tanong ni Mom na nasa amin ang paningin.

Accidentally Get MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon