Kabanata 2

63 12 3
                                    

"Kilala mo na ba yung nag-text sayo?" Bungad ni Sam pagkaupo nya sa harapan ko. Nandito kami sa library, vacant namin ng dalawang oras at tinatawag yun na library hours, so technically hindi pa rin kami bakante sa mga oras na yun.

"Hindi, wala akong oras" maikling sagot ko.

"Sabi ko naman kasi sayo, si Atticus yan" inirapan ko lang sya. Nung isang araw pa nila pinipilit ni Claire na si Atticus yun, yung message daw ay para dun sa nangyaring sayaw namin, na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin dito.

Basta chismis, magtatagal yan.

Sabi ng isa sa mga kasama namin nung Friday night, may humingi daw ng number ko, hindi nya naman daw nakilala kasi madilim daw dun sa may couch. Kung si Atticus yun, imposibleng hindi nya makilala.

Limang araw na mula nung mangyari ang kahiya-hiyang ganap sa pagitan namin ni Atticus, at tatlong araw na itong laman ng mga usap dito sa loob ng unibersidad.

"Malabong hindi sya makilala ni Belle kung sya yun"

"Eh diba sabi nga e madilim, tyaka malay mo pinahingi nya sa kaibigan nya diba?" Singit ni Kleah. Inirapan ko lang sila at tumayo para kumuha ng libro, bahala sila.

Umupo ako sa may gilid para magbasa ng tahimik, sa likod na parte ako ng library nakahanap ng libro, tapos na ako sa pinapagawang activity kaya maghahanap ako ng libro na pwedeng mapaglibangan.

"Hey" nilingon ko ang pinanggalingan ng boses mula sa kabilang dulo. Badtrip, bat nandito to?

Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa pagbabasa.

"Ba't di ka nagrereply?" Tanong nya na ikinagulat ko, so sya nga yun. Hindi ko sya pinansin, naglagay lang ako ng earphone sa magkabilang tainga at namili ng kanta, hininaan ko lang dahil hindi ako masyadong nakakapag-concentrate kapag may naririnig akong kanta, mabilis kasi akong madistract.

"Sabi sa building namin, active texter ka daw, bat hindi mo ako nirereplyan?" Rinig kong sabi nito, gosh bat ba ang ingay nya? Sabi nila hindi 'to kumakausap, anong nangyari?

"Ang ingay mo"

"Alam mo bang, ikaw lang ang kinakausap ko dito? Ang daming babae dyan na naghahangad na makausap ko, sayo lang ako nagkukusa"

"Di ako interesado, sa kanila mo nalang bigay attention mo" okay, one half. Syempre kailangan ko yung attention nya para hindi ako matalo sa pustahan namin nila Claire, one year free shopping din yun.

Bago pa sya makapagsalita ay tumunog na ang cellphone ko, nakita kong tumatawag si Sam.

"Huy A, kakain kami, sasama ka ba?" Bungad nito na nahimigan ko ng pang-aasar.

"Saglit, intayin nyo ko" sagot ko at pinagpagan ang paldang suot ko.

"Sure ka? Pwede namang balikan ka nalang namin after, baka kasi nag-eenjoy ka pa dyan? Nakita ko umakyat dyan si Atticus e, gawin mo na ang plano" humalakhak pa ito pagkatapos.

"Hindi, intayin nyo ko." Sabi ko at mabilis ng lumakad papunta sa pwesto namin kanina. Naabutan ko silang nakatingin sa akin ng may ngiti sa mga labi. Malisyosa.

Nang makalapit ako sa kanila ay tyaka palang ako nakahinga ng maayos, pakiramdam ko kapag nasa malapit sya ay nawawala ako sa tamang paghinga because I am always nervous everytime he is around. Katulad ngayon, pagtaas ko ng tingin sa mga kasama ko ay nasa likod ko ang tingin nila. Bago pa man ako makalingon at may bumulong na sa akin.

"Please, reply." Sabi nito at panandaliang nahigit ang aking paghinga, tahip tahip na kaba ang aking naramdaman, hinaplos nya pa ang balikat ko bago tuluyang umalis. Dun palang ako muling nakahinga ng maayos.

As The Waves Dance (Waves Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon