Kabanata 3

57 12 0
                                    

I arrived home safely, wala akong balak gawin yung sinabi ko kanina kay Atticus, sinabi ko lang yun para pumayag sya na mag-commute ako pauwi. Kaya, bakit ko gagawin yung sinabi ko kanina? In the first place, wala dapat syang pakialam sa buhay ko. This is mine, walang ibang magsasabi ng dapat kong gawin kung hindi ako lang, no one can dictate me, I have my own.

"Oh ang aga mo ata?" Bungad ni mama pagsilip ko sa dining, five thirty palang kasi, usually nakakarating ako dito sa bahay ay six in the afternoon onwards, swertehan lang talaga sa sakayan.

"Maaga po kami dinismiss e tyaka nakasakay din po agad ako" humalik ako sa pisnge nya at nagpaalam na para pumunta sa aking kwarto.

I took a bath and did some of my homeworks. Saktong katatapos ko lang gumawa ng sa ikalawang subject ay tinawag na ako ni Mama para sa kumain.

"Kamusta school mo, nak?" tanong ni Mama habang kumakain, kami lang dalawa ang nasa hapag, may trabaho pa si Tita Sally kaya dadalawa lang kami ni Mama, may mga kasambahay kami at trabahador na naghaharvest sa aming tubuhan at niyugan, ito ang pinagkukunan namin ng hanapbuhay simula ng nawala si Papa ay si mama at si Kuya na ang nagpapalakad nito, yun nga lang hindi hands on si kuya kasi nag-aaral sya ng agricultural engineering sa Ateneo de Davao at dun sya tumutuloy, lingguhan lang kung umuwi.

"Okay lang ma, hindi pa naman masyadong madaming ginagawa"

"Okay yan, wag kang magpapakastress masyado ha, lagi mong tandaan na health is wealth, mas unahin mo ang kalusugan mo kaysa sa lahat ng bagay, dyan naman sa pag-aaral nyo ay basta makatapos lang kayo hindi naman ako naghahangad ngas higit pa" sabi nya na nakapagpagaan ng loob ko, yung mga simpleng paalala lang tungkol sa mga magulang natin ay nakakawala na ng pagod.

"Opo, ma. Alam ko naman po yun" pagkasabi ko nun ay kumain nalang kami ng tahimik.

I volunteered to wash the dishes, ayaw ko namang iasa pa ito sa mga kasambahay namin, maghapon na silang nagtatrabaho kaya kung makakatulong naman sa mga simpleng gawain ay ginagawa ko na to lessen their works.

Umakyat na ako pagkatapos, naabutan kong tumutunog ang cellphone ko at nakita ang maraming missed calls mula sa unregistered number, pero alam ko naman kung sino 'to. Sinagot ko ito ng muling tumunog.

"Finally, akala ko kung ano ng nangyari sa'yo" tumindig ang balahibo ko pagkarinig ko palang sa nag-aalala nyang boses, hindi makapaniwalang naramdaman ko na naman ang familiar na kaba tuwing nasa malapit sya, kahit pala sa tawag mararamdaman ko 'to.

"Hello" salita nya ng hindi ako sumagot.

"Oh?" umupo ako sa aking kama habang hinihintay ang sagot nya.

"Bakit ka tumawag?" Pahabol ko nang matagalan sya bago magsalita

"Hindi ka nagtext"

"Ay sorry nakalimutan ko"

"Or maybe you are not true to your words" masungit na sagot nito.

"Oh alam mo pala e, wala naman akong utang na paliwanag sayo, bye" agad kong pinatay ang tawag at humilata sa aking kama.

Ramdam ko pa rin ang kaba mula sa tawag ni Atticus kaya itinuon ko sa ibang bagay ang isip ko, nagbukas ang ng social media. Nagnotif ang bagong followers ko sa instagram at nakita ko ang pangalan nya dun.

SLAtticus started following you.

Hanggang social media ba naman, guguluhin nya ang buhay ko? Hays.

I took a photo of my ceiling and posted it on my ig story with the caption 'what to do?'

I'm so bored, wala ako sa mood magdrawing, nadi-distract lang ako at maiisip na naman ang nangyari sa buong araw na ito, paulit-ulit na sya sa utak ko and I know this is so wrong, hindi pwedeng malason ng lalaking yun ang utak ko.

As The Waves Dance (Waves Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon