Kabanata 9

35 8 0
                                    

Umaga ng bagong taon ay nasa bahay agad ang mga kaibigan ko. Ang usapan namin ay movie marathon at overnight pero hindi ko alam kung bakit alas onse palang ng umaga ay nandito na sila Claire at makikinig ang boses sa buong bahay namin.

"Hello, tita. Goodmorning po, Happy new year" rinig kong sigaw ni Claire mula sa baba.

Katatapos ko lang maligo at nag-aayos ako ng buhok, tanghali na akong nagising dahil sa celebration kaninang madaling araw. Pagkatapos naming kumain ay nag-usap pa kami ni Atticus sa cellphone dahil hindi sya naniniwalang sinasagot ko na sya.

"Oh, ang aga nyo ata. Nasan sina Kleah?" tanong ni Mama sa mga kaibigan ko na nakita kong prenteng nakaupo sa mga sofa at nanunuod ng tv.

"Mamaya pa daw po, kagigising lang ni Kleah, si Jean po ay papunta na" sagot ni Claire at tumingin sa akin na kababa lang ng hagdan.

"Ay ayan na pala ang ating dalaga, so ano kamusta buhay may jowa?" Sabi ni Claire kaya napatingin sakanya si mama.

"Ang ingay mo"

"Hindi mo ba dadalhin yan dito, Adriana?" singit ni mama sa usapan.

"Ay naku, hindi mo pa pala pinapakilala, may pasagot-sagot ka pa ng saktong alas dose" nakisali na rin si Sam sakanya dahil dito.

Kwinento pa nila kay Mama kung paano kami nagsimula ni Atticus. Mga chismosa.

"May pa sungit sungit pa syang nalalaman tas ilang buwan lang nag-a-i love you na, iba kamandag ni Boss Atticus" nakisali si Mama sa pang-aasar bakit daw hindi ko pinapakilala.

"Ay naku Claire, kung alam mo lang, lagi syang natutulala dati kapag pinupuntahan sya ni Atticus sa room"

Umalis ako habang nagkukwentuhan sila, di naman nila ako kailangan dun, lalo na ng dumating si Jean.

"Hello, good morning" bati ni Atticus pagkasagot ko ng tawag nya.

"Hello, kagigising mo lang?"

"Kanina pa, tumulong lang ako sa baba kasi may hinatid na mga harvest."

"Andito sina Claire, pati ibang friends ko"

"So no text and call for today?"

"Yes, I'm sorry" malungkot kong sagot.

"It's okay love, mabubusy din naman ako sa paghaharvest, enjoy and have fun, love." sabi nya at tinapos na namin ang tawag ng dumating na ang iba ko pang kaibigan.

Ilang araw na ang nakalipas simula ng sumapit ang bagong taon. Malapit ng matapos ang aming semestral break. Makikipag-sapalaran na naman kami sa bagong semester.

From Atticus:

Nandito na ako.

Pagkabasa ko sa text nya ay lumabas na ako ng bahay, sinalubong nya naman ako ng yakap aqt halik sa noo.

Unang araw ng enrollment namin ngayon, hindi pa dapat kami mag-eenroll ngayon pero baka magkahiwalay kami ni Sam ng block kaya pinili namin ang unang araw.

Ngayon palang ulit kami magkikita simula nung labas namin bago mag new year at saglit lang ang pag-uusap namin nun.

"I miss you" sabi niya pagkapasok namin ng sasakyan nya.

"I miss you too, don't worry, school days na magkikita na ulit tayo almost everyday" hindi rin kasi kami makapagkita dahil hindi naman sya dito sa Isla Reta nakatira, nagdodorm lang sya kapag may pasok.

"Busy na tayo this sem, pero we'll make time, okay?" so clingy naman Atticus.

"Magkahiwalay tayo ng way, sa kabilang building kayo" naglalakad na kami ngayon sa loob ng university, nakikita ko ang mga mata ng ilan na napapalingon saamin o sakanya lang, head turner talaga e. Hindi nya naman ito pinapansin.

As The Waves Dance (Waves Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon