[YEAR 2005]
Troy's POV
Ako nga pala si Troy. Galing ako sa probinsya ng Ilocos Norte. Pero pinili kong mag-aral dito sa Valencia University dahil bali-balitang galing dito ang ilan sa mga magagaling at sikat na propesyonal gaya ng pulis, abogado, doktor at iba pa.
Criminology nga pala ang kinuha kong kurso. Pinili ko ito dahil masyadong magulo sa pinanggalingan kong probinsya. Napakadaming gulo at krimen. Madami din namang magagaling na pulis sa amin pero may nagsasabi sa loob ko na kailangang may magawa din ako sa probinsya ko, na ako ang makakapagbigay ng solusyon sa mga problema doon.
"Ok, class, dismiss." sabi nung huling professor namin kaya nag-ayos na kami ng gamit.
"Before I forgot. Mr. Troy Bonaobra. Bago ka umuwi, dumaan ka muna sa Student Services Office. May mahalaga daw silang sasabihin sayo." sabi ni Miss Suarez na Philosophy professor namin at guidance councilor din at the same time.
"Bakit daw po?" tanong ko.
"I don't know. Daan ka na lang doon mamaya." sabi ni Miss at lumabas na. Ano naman kaya ang kailangan nila sa akin?
Ilang minuto lang nang makarating ako sa office. May sumalubong sa akin at nagtanong. Nagpakilala ako na ipinatawag ako kaya dinala ako sa isang room.
Bago ako pumasok ay binasa ko muna ang nakalagay sa may pintuan. Who Done It Club. Ano naman kaya ang meron dito? Alam kong may mga club ang Valencia University pero never heard about this club.
Pumasok na ako at punuan na ang mga upuan at may isa na lang na upuang hindi pa okupado. Naupo naman ako sa tabi ng isang lalaking walang kibo. Hindi naman sya tulala at makikita mong aware pa sya sa paligid. Poker face kumbaga. Weird!
Di ko na sya pinansin at itinuon ko na ang atensiyon ko sa harap. Nandun nakita ko si Miss Suarez na professor ko kanina na kausap ang isang lalaking kaedaran ko lang siguro na sa tingin ko ay ang president ng Student Services.
Nag-uusap lang sila ng kung ano dahil hindi ko marinig mula dito. Habang nakatingin ako sa kanila ay biglang humarap sa akin si Miss at ningitian ako. Ngumiti din naman ako pabalik at saka umiwas na ng tingin. Baka sabihin nya na sinusubukan kong makinig.
Pagbaling ko sa tabi ko, nagulat ako nang nakatingin na sa akin yung lalaking weirdo. Kahit naka-poker face, nakakatakot pa rin ang tingin nya dahil parang binabasa nya ako hanggang sa kaluluwa ko.
"H-hi! Ako si Troy!" pagbati ko pero tumango lang sya at umiwas na ng tingin. Napaka-weird talaga!
"Good evening guys! Evening na ang sasabihin ko dahil pagabi na, hehehe!" maski kami ay natawa sa pagbati sa amin ni Miss Suarez. Napakaganda kase ni Miss. Nasa 30's na sya pero mukhang nasa early 20's pa lang kaya madaming natutuwa at nagkakagusto sa kanya.
Maliban kase sa pagiging magaling na Philosophy Professor, napakagaling din nya sa pagiging guidance councilor. Hands on sya sa lahat at nagagawa nya ang trabaho nya ng sabay, gracefully!
"Ako nga pala si Janus Aguinaldo. Ako ang president ng Student Services at nandito tayong lahat ngayon para sa isang announcement. Nangangailangan kase tayo ngayon ng bagong junior investigators dahil graduate na ang mga dating JIs. Kaya kinunsulta ko ang ating guidance councilor na kumuha ng ilan sa kanyang magagaling na estudyante para dumaan sa exams para maging susunod na investigators." sabi naman ng aming president kaya nagpalakpakan ang lahat habang nakatingin kay Miss.
Nakaka-touch nga naman kase. So isa ako sa mgs nagagalingan si Miss na estudyante nya?
"Hayan ah! Alam nyo na. Kaya hindi ko sinabi sa inyo agad ang dahilan kanina kaya kayo ipinatawag para surprise! Wag nyo akong ipapahiya sa ating Student Services president! Malaki ang tiwala ko sa inyo!" sabi ni Miss
"Yes Miss!" sabay-sabay naming sigaw maliban sa lalaking katabi ko na nakatingin lang kay Miss.
"Oh, sige. Mauna na muna ako sa inyo. May trabaho pa ako sa guidance office. Good luck, guys!" pagpapaalam ni Miss saka lumabas na.
"Gaya nga ng sabi ko, nangangailangan kami ng mga bagong junior investigators. Dalawa o tatlo lang ang kukunin namin pero kung makapasa kayong lahat dito ngayon, edi better! Mas maraming investigators, mas madaling ma-solve ang case ng ating university." sabi ni Janus.
"Eh paano kung lahat na lang kaya kami ay kunin nyo na lang? Tutal kami na ang pinili ni Miss Suarez na magagaling na estudyante!" sabi ng isang lalaki naming kasama sa room.
"Uh-uh! That's a big no! Ano pang sense nitong examination kung ganyan din naman? At kailangang may examination para masala namin kung sino ang karapat-dapat na maging junior investigators." sabi ni Janus habang nagkakalkal sa bag nya.
"Speaking of examination, heto ang forms na kailangan nyong i-fill up. Sa likod nito ay nakasulat ang confidential case ng Valencia University noong 1987. Iilang pulis o otoridad lamang ang nakadiskubre dito. Kaya naman ito ang case na ipapasagot ko sa inyo ngayon. You should read it between the lines and be careful on understanding each and every scene." paliwanag ni Janus habang ipinapasa sa amin isa-isa ang pirasong papel.
"That's it. You can now start." sabi nya nang natapos ang distribution saka bumalik sa harap at naupo sa isang upuan.
Sinimulan ko nang i-fill up ang unang part kung saan itinanong lang naman ang mga bagay tungkol sa akin. Personal data kumbaga.
Next page naman ay ang mini interview questionnaire. Nakunot naman ang noo ko sa third and last page. Parang napakaikli naman ata nitong 1987 case na ito? Sobrang summarized ang ginawa nila.
In year 1987, the second year of killings, a crime once again happened in Valencia University.
Second morning of classes, bloody corpse of a student, named Melody Agoncillo is found locked in her own locker.
The authorities were left without any clue, but pointed out some suspects. Her teacher, the janitor based in the area, the guard, and the president of the university.
Every suspect stated their side..
The teacher said that this girl is her student. But that time, she said that she is computing her students' grades.
The janitor said that she usually see this girl in the area. She admitted that the crime scene is her assigned area, but it is not her time of duty when the incident happened. She also said that no one is assigned in the crime scene at the time of the crime.
The guard said that she knows the girl but not personally. He only said that she is always mad at him and she always bully him and embarass him in front of other students. He said that he is assigned in the area, but heard no strange sound and saw no strange scenes.
The president said that he is busy on his paper works and busy accommodating his new students in his university.
Who is the mastermind in this case?
Natawa naman ako mentally sa nabasa. Jusko! Napaka-basic! Bakit hindi nila agad nasolve, eh common sense lang ang kailangan!
Obviously, yung guard ang pumatay sa biktima! Sa kanilang lahat ay sya ang pinaka-nakakaduda ang sagot.
Sa area nga sya naka-assign kaya imposibleng wala syang nakita o narinig. Malamang sya ang killer.
Isinulat ko naman ang sagot ko with matching explanation pa.
Nang natapos ko nang magsulat, napalingon ako sa katabi ko at nakita ko syang nakangisi habang nakatingin sa papel ko.
"Kung mangongopya ka, wag mo nang tawanan!" bulong ko sa kanya.
Imbes na sumagot ay pasimple nyang iniharap sa akin ang papel nya. Binasa ko naman ang sagot nya at nagulat sa nakita.
Her teacher is the suspect. No teacher is computing grades on first day of class.
Yan lang ang nakasulat sa papel nya. Bahagya naman akong napaisip sa sagot nya. Oo nga naman, walang nagcocompute ng grade sa unang araw. Pero malay mo naman, nagpaexam or seatwork sya sa kanyang mga estudyante unang araw pa lang. Baka yun ang cinompute nya?
Hindi ko na lang sya pinansin at pinanindigan ko na ang sagot ko. Tumayo na ako at ipinasa na ang papel ko. Bumalik ako sa upuan ko para kunin ang gamit ko. Nandun pa rin ang lalaki na nakangisi pa rin sa akin. Inirapan ko na lang sya saka na ako lumabas ng room.
BINABASA MO ANG
The Watchlist: Who Done It
Mystery / ThrillerValencia University is one of the biggest universities in the country. Its beautiful image will be ruined when series of crimes happened. Troy and Nathan, different students, will meet in a university club named Who Done It Club where chosen student...