TW:WDI-Basketball Match

5 1 0
                                    

Troy's POV

Isang linggo na ang nakakaraan mula nang nalaman namin na may scopolamine palang nasasangkot sa pagpatay sa locker room ng girls. Mula noong araw na namatay si Cass ay wala nang sumunod pang nabibiktima ang blazing heart sa lugar na yun.

Ayon sa mga tao sa gym, wala na daw kaseng nagtatangkang pumasok doon ng mag-isa, o wala nang pumapasok doon pagsapit ng alas sais ng hapon. Mas pinaaga na kase nila ang curfew sa locker para wala nang ginagabi.

Naisip ko rin, baka dahil wala nang nabibiktima ang blazing heart dahil baka wala nang may masasamang ugali sa cheer dance na pumapasok sa locker. I mean, diba nga may attitude din itong sina Cass at Sandy? Eh mukha namang mababait ang mga naiwan sa cheer dance.

Lunes, lunch break, pinili kong kumain nang mag-isa sa canteen.

Habang kumakain, may lalaking bigla na lang umupo sa harapan ko nang walang paalam saka ito kumain na parang wala lang. Sisigawan ko na sana sya pero nakita kong si Nathan pala ito kaya hinayaan ko na lang.

"Alam mo ba ang mga salitang 'pwede bang makiupo?'?" tanong ko sa kanya.

"Hindi." tipid nyang sagot habang kumakain.

"Alam mo man lang ba ang mga salitang 'pakikiramdam' at 'hiya'?" tanong ko ulit.

"Hindi rin." sagot nya na hindi pa rin humaharap sa akin.

Nabwisit naman ako pero pinigilan ko na ang sarili kong magsalita ng masama. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa kinakain at nagpanggap na wala wala akong kasama sa table.

Patapos na kaming kumain nang may isang nakakabwisit na nilalang na naman ang sumulpot.

"Hi babies!!!" sino pa ba ang may high pitch na boses sa university? At sino pa ba ang nagtatawag sa amin ng baby?

"Ano na naman ba, Rambo?" tanong ni Nathan na parang nang-aasar.

"Whatever, baby!" tili na naman ni Rambo kay Nathan na walang pakialam sa mga nakakarinig sa kanya dito sa canteen.

"Ano bang kailangan mo?" tanong ko.

"Game one ngayon ng Blue Angels at Red Pythons. Iimbitahan ko sana kayong manood." nakangising sabi ni Rambo.

"Ano yun? Basketball? Wala kaming time dyan! Tsaka wala din naman kaming kilala doon." sagot ko.

"Bona! Ipapakilala ko sa inyo si Romano! Yung idadagdag nyo sa watchlist nyo?" sabi ni Rambo.

"Sige. Tara." pagpayag na lang namin saka na kami lumarga.

Sa gym, nakaka-OP lang dahil maliban sa wala akong interes manood ng basketball, napakaingay pa nitong baklang katabi ko. Kanina pa tili nang tili! Yung isang kasama ko naman, as if namang makakausap ko? Mas tahimik pa yata sya sa hangin eh.

"GO BABY SEAN!!! GALINGAN MO!!! I LOVE YOU!!! WAAAHHH!!!" pagtitili ni Rambo nang mahawakan ng isang lalaking naka-blue jersey ang bola.

Dahil sa lakas ng boses ni Rambo, nakuha nya ang atensiyon ng lalaki kaya humarap sya sabay kindat kay Rambo. Dahil doon ay halos mapaos na si Rambo kakatili.

At dahil nga nasa amin na ang atensiyon ni Sean, may isang lalaking nakapula ang biglang umagaw sa bolang dini-dribble nya.

Tatakbo na sana sya kaso agad din itong naabutan ni Sean. Hinarap nito ang lalaking nakapula saka ito hinarangan.

"Patay na." bulong ni Rambo kaya napatingin kami sa kanya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya

"Sya si Romano! Gaya ng sabi ko, ayaw nyang natititigan!" takot na sagot ni Rambo.

The Watchlist: Who Done ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon