Troy's POV
Kinabukasan, umagang-umaga, as in napakaaga, kakapasok ko pa lang ng gate ng university nang ang galit na si Rambo na agad ang nabungaran ko.
"Buti naman at maaga ka ngayon!" bulyaw nya agad.
"Ano na naman ba, Rambo?" sigaw ko pabalik.
"Wag ko akong ma-Rambo Rambo! Halika! Sumama ka sa akin!" sigaw nya saka ako piningot at hinila kung saan.
"Aray ko! Nasasaktan ako! Teka lang, bitawan mo, masakit! Saan mo ba ako dadalhin?" sigaw ko sa kanya.
"Wag kang maingay! Sumunod ka na lang!" reklamo nya.
"Paanong hindi ako mag-iingay? Ang sakit kayang mahila sa tainga! Tapos ginamit mo pa ang tainga ko para kaladkarin ako! Sa iyo ko kaya gawin yan?" sigaw ko sa kanya.
"Yan ang hinding hindi mo magagawa at hinding hindi ko hahayaang gawin mo sa akin! Ako na ang presidente ngayon kaya wala kang magagawa kundi sundin ang utos ko!" sabi ni Rambo.
"Susundin ko naman kung iuutos mong sumama ako sayo! Hindi yung ganitong hihilain mo ako sa tainga!" sigaw ko.
"Ah, sumasagot ka pa!" sabi nya at may hinigpitan ang hawak sa tainga ko at mas binilisan ang paglakad kaya mas sumakit tuloy ang tainga ko. Gustuhin ko mang alisin ang kamay nya sa tainga ko, hindi ko magawa dahil mas masakit kapag mas pinipilit kong alisin ang kamay nya.
Sakto namang nasa harap na kami ng office ni Miss Suarez kaya hinila nya ako papasok doon at patulak akong binitawan sa tainga kaya muntik akong sumubsob sa mesa ni Miss. Buti na lang nakahawak pa ako sa mesa nya.
"Ano yan, Ram?" medyo mataas na tanong ni Miss Suarez.
"Ewan ko ba dyan kay Rambo, Miss! Kakapasok ko pa lang ng gate, hinila na nya ako agad sa tainga! Imagine, Miss? Mula gate hanggang dito, kinaladkad ako ni Rambo sa tainga! Ni hindi ko nga alam kung anong dahilan nya!" pagsusumbong ko kay Miss.
"Ano ba naman kase ang meron, Ram?" halata na ang pagkairita sa boses ni Miss.
"First of all, wag mo akong tatawaging Rambo!" sagot ni Rambo.
"Dahil yun ang pangalan mo! Rambo Tan!" sigaw ko.
"Quiet!" doon ay natahimik na ako dahil sa sigaw ni Miss. Ito yata ang unang beses ko syang nakitang nagalit at sumigaw. "Anong nangyari?" tanong ulit ni Miss kay Rambo.
"Naiinis po kase ako sa kanila nung isang kasama nyang si Nathan eh! Hanggang ngayon wala pa ring usad ang kaso nila! Ano, papogi lang?" sigaw ni Rambo.
Sakto namang pumasok ng office si Nathan na walang kamalay-malay sa nangyayari.
"Buti naman at nakarating ka! Isa ka pang bwisit!" sigaw ni Rambo saka sinampal si Nathan diretso sa mukha.
"Para saan yun?" Halatang gulat ding tanong ni Nathan.
"Para yan sa ilang missed call ko na hindi mo sinasagot at ilang messages na hindi mo nirereplyan!" sigaw ni Rambo.
"Rambo, kalma!" sigaw ulit ni Miss. "So ano ngayon? Anong gusto mong mangyari?" tanong ni Miss kay Rambo.
"I want them to leave the table! I want them to leave my team! I want to fire them as junior inBITCHtigators. I mean, inbestigators!" matapang na sagot ni Rambo.
"What? So paano ang case namin?" tanong ni Nathan.
"Case namin your face! Ni wala pa nga kayong nagagawa sa kaso eh! Nasolve nyo na ba, ha?" tanong ni Rambo na parang naghahamon.
"Oo! Malapit na! May lead na nga kami!" ako na ang sumagot sa tanong ni Rambo
"Lead? Baka naman it will lead you to nowhere? Mygawd! Oo, ilang araw ko pa lang kayong nakakasama pero sorry not sorry to say, napakabobo nyo! Mga inutil! Ni wala nga kayong aksyon! Hanggang tamang usap lang sa mga tingin nyong suspect! Tapos ano? Wala na!" sigaw ni Rambo na parang nang-iinsulto.
BINABASA MO ANG
The Watchlist: Who Done It
Gizem / GerilimValencia University is one of the biggest universities in the country. Its beautiful image will be ruined when series of crimes happened. Troy and Nathan, different students, will meet in a university club named Who Done It Club where chosen student...