Troy's POV
Imbes na ipunta sa clinic o sa hospital si Russell, mas pinili naming dalhin na lang sya sa boarding house ni Nathan.
Pagkahatid sa kwarto nya, dumiretso naman kami ni Nathan sa kusina nya at doon natulala.
Tama ba ang ginawa namin?
Yan ang tanong na kanina ko pa gustong itanong sa kanya. Tama nga bang pinakawalan namin ang isang isda kapalit ng isang pamingwit?
"Alam ko iniisip mo. Hetong ice cream, pantanggal ng stress kahit papano." sabi ni Nathan sabay abot sa akin ng isang bowl ng ice cream.
"Sa nangyari kanina. Isipin mo na lang na mas itinuro pa sa atin ni coach ang tamang daan para masolve na natin ang case." dagdag pa ni Nathan.
"Juancho Magdaleno." biglang sabi ni Nathan saka tumakbo paakyat sa kwarto nya.
Ilang saglit pa ay bumalik sya sa kusina dala ang kanyang laptop saka naupo ulit sa harap ko.
"Juancho Magdaleno or also known as 'human library' and 'professor of professors', is a 65 year-old scientist currently working in Valencia University." pagbasa ni Nathan sa laptop sabay tingin sa akin.
"When he reached the age of 60, he chose to stay in Valencia University as university scientist.
Not any professors and even the VU president can talk to Magdaleno, unless you have an appointment." napabuntong hininga na lang si Nathan sa binasa.
"Kailangan natin ng pangmalakasang pagplaplano dyan. Hindi pala basta-basta yang next target natin." sabi ko na lang sa kanya.
"Wag na muna siguro nating isipin yan sa ngayon. Pagod pa tayo at isa pa, masyadong malala ang nangyari sa atin kanina." sabi ni Nathan kaya ako naman ngayon ang napabuntong hininga.
- - - - -
Kinabukasan, maghapon kaming hindi nagkausap ni Nathan. Balik normal ang dati pagkatapos ng nagyari sa amin nila coach. Mas pinili kase muna namin na maging normal na estudyante gaya ng dati.
"Dahil malapit na ang finals, ang magiging final requirement nyo sa akin ay magconduct ng research." sabi ni Miss Suarez sa amin kaya sari-saring reklamo ang namayani sa buong room.
"Don't worry guys. Hindi ko naman kayo masyadong pahihirapan dahil una, by pairs naman ito. Pangalawa, hindi ko na kayo palalabasin ng Valencia University. Ang mga taong ireresearch nyo kase ay kahit sinong professor dito sa loob mismo ng university." napahinga naman ang lahat ng maluwag.
"Pero siyempre, may konting twist ang Miss Suarez nyo. Hindi galing sa block ninyo ang makakapareha nyo. At mas lalong hindi galing sa same course ninyo. Meron akong hawak na ibang course at kayo-kayo na ang bahala sa pairings ninyo. Maliwanag?" nakangising sabi ni Miss Suarez kaya madami pa ring nagrereklamo.
"Guys! Isipin nyo na lang, chance nyo na ito para magkaroon ng kaibigan sa kabilang courses! That's all! See you next time!" sabi ni Miss at nagpaalam na.
Napaisip naman ako sa sinabi ni Miss. Sino naman kaya ang makakapareho ko sa kabilang course? Eh wala naman akong kakilala doon.
Bigla kong naalala ang naging examination namin noon sa Junior Investigator. Kase ayon kay Janus noon, hawak ni Miss Suarez lahat ng nandoon eh. Baka pwede kong makuha kay Janus o kay Rambo na lang ang list ng nag-exam para makapamili ng makakasama.
Palabas na ako ng room nang tumunog ang phone ko. Agad ko namang tinignan ang screen ng phone ko at si Nathan pala ang tumatawag.
"Oh?" sagot ko na lang
"May partner ka na ba sa research ni Miss Suarez?" tanong ni Nathan.
"Wala pa nga eh. Wala naman akong kakilala sa ibang kurso kaya on the way na ako ngayon Student Services para kunin sana yung list ng kasama nag-exam noon bilang JI. Mamimili na lang siguro ako sa kanila." sagot ko.
"Tsk!" sagot lang nya sa kabilang linya.
"Ano na naman ba?" irita kong tanong.
"Pagkakataon na natin ito para makalapit kay Juancho Magdaleno! Bakit ka pa maghahanap ng ibang kasama? Ano pa't naging magkasama tayo sa kaso kung hindi tayo magsasama sa research na ito?" napatampal naman ako ng noo sa narinig. Oo nga pala, bakit nawala sa isip ko si Nathan?
"Oh sige! Pag-usapan natin yung gagawin nating research." sabi ko na lang.
"Bukas." tipid nyang sagot saka binabaan na ako.
Bastos talaga eh ano?
- - - - -
Kinabukasan, lumiban muna kami sa klase ni Nathan para makausap si sir Juancho Magdaleno. Kahit papano ay makahingi man lang kami ng kahit ilang araw para sa research namin, at para na rin sa scopolamine case namin.
Napagplanuhan kase naming si sir Juancho Magdaleno na lang ang subject namin sa project para maimbestigahan na din naman sya at the same time.
Heto na nga kami sa harap ng office nya. Kakatok pa sana ako pero may tumikhim sa likod namin.
"Anong kailangan nila?" tanong ng isang middle-aged na babae.
"Kakausapin po sana namin si sir Juancho Magdaleno." sagot ko.
"Bakit? Anong kailangan nyo sa kanya? Hindi sya pwedeng maistorbo ng kahit sino ngayon. May trabaho sya ngayon sa loob." medyo seryosong sabi nung babae.
"Para po sana sa project namin." sagot ko.
"Research ba yan?" tanong nung babae.
"Opo." mangha kong sagot.
"Naku, may nakauna na sa inyo eh. Maaga silang dumating dito kanina at saktong wala pang ginagawa si sir Magdaleno. Sya mismo ang nakausap nila." sagot nung babae kaya bumagsak ang balikat namin.
"Sino po ba kayo?" tanong naman ni Nathan.
"Ako si Katrina Jimenez. Secretary ni sir Juancho." sagot ni ma'am Katrina.
"Pwede po bang kayo na lang ang kukunin naming subject?" tanong ko. At least, may access pa rin kami kay Juancho Magdaleno kung sakali.
"Naku, meron na ding nakakuha sa akin eh. Halos kasunod lang ng kay sir Juancho kanina. Sorry." sabi ulit na ma'am kaya tuluyan nang bumagsak lahat ng pag-asa ko.
"Pwede ko po bang malaman kung sino po yung mga nakakuha kay sir Juancho?" tanong ni Nathan
"Hindi ko sure yung pangalan eh. Apelyido lang nila ang alam ko kase miyembro sila ng basketball team. Nakapagtataka ngang magkasama sila kase galing sila sa magkaibang team. Romano at Guevarra ang mga apelyido nila." nagulat naman kami pareho ni Nathan sa narinig. Si Sean at si Russell? Magkasama???
"Yung sa inyo po, sino po ang nakakuha sa inyo?" tanong ko naman habang pinipilit maging normal ang boses.
"Yung kasalukuyang president ng Student Services. Si Rambo Tan. At hindi ako masyadong pamilyar sa kasama nya. Basta Danny ang pangalan nya." nanlaki naman ang mata ko si sagot ni ma'am.
Si Rambo! Kasamahan pala namin sa Who Done It club ang nakatapak na sa teritoryo ni Magdaleno. Kahit hindi man kami makakapasok, at least may bridge of information pa rin kami.
Isa pa! Si Danny! Kung sinuswerte ka nga naman! Si Danny na naging espiya namin minsan!
Humanda ka na ngayon, Juancho Magdaleno! Hindi man kami mismo ni Nathan ang makakaharap mo, sisiguraduhin ko pa rin ang ikababagsak mo!
BINABASA MO ANG
The Watchlist: Who Done It
Mystery / ThrillerValencia University is one of the biggest universities in the country. Its beautiful image will be ruined when series of crimes happened. Troy and Nathan, different students, will meet in a university club named Who Done It Club where chosen student...