Chapter Nine

71 7 0
                                    

Woah. Ang ganda dito!

Bumangon ako nang mapansin kong nakaputing bestida pala ako na kaagad kong ipinagtakha.

Agad kong inilibot ang paningin ko sa paligid ng kwarto at nang may nakita akong salamin. Nagkakamot ng ulo akong lumapit.

Hindi ko maiwasang mapanganga nang makita ko ang sarili kong repleksyon.

I was wearing a white beautiful dress. Sumasayad ito sa aking paa. Ang lakas ko makaprinsesa sa suot na ito. Napansin kong may makintab sa buhok ko - glitters ba 'to? Kaagad kong pinagpagpag ang buhok ko dahil ayokong mabulag ng wala sa oras ngunit ayaw naman maalis.

Pota, baka ginlue ni kuya? Pero bakit naman ako nakasuot ng ganito!?

Off shoulder sweetheart dress na may slit sa kanang parte ito. Maluwang ang strap sa braso ko. Medyo mahaba naaman ng kaunti ang tela sa likod. Pakiramdam ko ay matatapilok pa ako kung maapakan. Fit masyado ang banda sa beywang ko na may mga bulaklak na maliliit. Mula sa top ng dress ay mayroong maputlang kulay ginto na nagfefade habang pababa hanggang sa beywang ko.

Inilapit ko pa ang mukha sa salamin. Natigil ako nang mapagtantong gold ito. Gold!

Para tuloy akong diyosa na may ginintuang kwarto.

Natigilan ako sa mga papuri mga naunang iniisip nang may mapagtantong bagay.

Patay na ba 'ko?! Pota, hindi pwede! Hindi pa 'ko nagkakaboyfriend ah?

Inilibot ko muli ang mata ko sa paligid at minus one million ako sa langit kung itatanggi kong maganda ito. Is this the sign? Baka isa talaga ako sa mga demigods at kinuha nila ako tapos pag-aaralin sa isang academy na puro mga demigods din tapos doon ko na mahahanap ang soon to be boyfriend ko? May vampires din ba sa lugar na 'to?

Bumusangot ako at nagsimulang tahakin ang isang malaking pinto na sa tingin ko ay exit. Hindi ko maintindihan kung bakit parang sanay na sanay ako sa suot kong dress. Kung sa normal na araw lang ito ay baka kanina pa ako padapa-dapa.

Jeez, this is more than I expected. Kung ano ang ganda sa kwarto na pinanggalingan ko ay triple dito. I'm probably dreaming.

Hindi na ako nahirapan hanapin ang hagdan - hindi lang siya ordinaryong hagdan dahil enggrande siya. We're rich but not this kind of rich na tila kaya ng bilhin ng may-ari nito ang buong mundo.

At! May diyamante sa edge ng rails ng hagdan! Mayroon din akong nakitang frames kung saan tila ginawang design lang ang piraso ng iba't ibang klase ng mga diamante.

Pinanatili ko ang normal na expression ngunit alerto parin ako sa paligid. Nang makababa ako sa hagdan na ay may sumalubong saaking lalaki. Nangunot ang noo ko.

"Good morning, your highness." He greeted before bowing his head. Bahagya akong napaatras ng nakaawang ang bibig.

Huh?

"W-what?" I was caught of guard. Kung nagjojoke ito, babarilin ko talaga siya. Hindi mafia ang parents ko but I consider myself na anak ng mafia boss.

This guy gave me a small smile before offering his hands. Nangunot lalo ang noo ako pero agad ko din napagtanto na, katulad sa mga fairytale, kapag aalalayan ka ay ganito. May butler! Pero hindi ko ito tinanggap. Hindi naman ako lumpo.

Binawi nito ang kamay niya at tumalikod saakin. "Follow me, Your Majesty."

Hindi na ako nagatubiling sumunod. Pota, nakakaintriga ha. Malala pa 'to sa chismis nila Izelle.

Tumigil kami sa tapat ng isang malaking pinto na tila purong ginto. Nakawin ko kaya 'to tapos ibenta ko? Pang-dagdag sa bank account.

Hindi pa ako nakaka-get over ay bumukas na ng kusa ang pinto nang walang kahit sinong nagbukas. What the? Advance technology na din ba dito?!

She's The Gangster I Love | UNDER MAJOR REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon