Chapter Twelve

73 4 0
                                    

I yawned.

Puro tagged pictures lang ang nakikita ko sa account ni Skye at hindi pa siya kasama sa iba.


He's so mysterious...

I decided to shut my phone. Hindi kalakasang basta ko nalang itong inihagis.

Naka-airplane mode naman.

Chos. Carpeted ang sahig kaya hindi naman magka-crack ang screen.

Mariin akong pumikit at hinilot ang sintido.

It's getting bored inside my room. Nagmamakaawa ang aking mga mata na makakita ng magandang tanawin sa labas ng bahay.

Tumayo ako at nagbihis ng damit na susuotin. Nag-high waisted jeans ang ako at V-neck top.

Pag-bukas ko ng pinto ay may nakita akong di ko mapaliwanag na nilalang.

"Kuya, ano ba 'yan. Hobby mo ba bugbugin pinto ko?" Reklamo ko dito. "Anyway. Anong kailangan mo?"

"Pahiram ako power bank, Diev." Naglahad ito ng palad saakin.

I crossed my arms. Binigyan ko siya ng Say-the-magic-word look. Alam ko kung gaano kataas ang pride ni kuya at lalagpas pa ito sa pinakamataas na building ng pilipinas. Hindi ko nga alam kung ano ang pinaninindigan no'n e.

I saw the hesitation in his face. "Wag nalang. Meron naman si tita."

I shrugged. "Okay."

Pinaningkitan ko pa ang likod ni kuya na naglalakad palayo. Ano kayang meron doon?

Hindi na ako nagmake-up.

Nagpaalam ako kila tita at pinayagan din naman ako. Pagdating ko, as expectedly, sobrang daming tao.

Dumiretso ako sa isang ice cream stall. Dito ako palagi bumibili dahil masarap.

May topings siya na sprinkles tapos meron pang stick-o na may ibat ibang flavors at marami pa. Topings overload.

Humanap ako ng puwesto na walang gaanong tao. Well as if naman may mahahanap ako. Doon nalang ako sa mesa na wala gaanong naka-upo sa tables malapit.

Katabi ito ng puno at may lilim din.

Nilapag ko ang ice cream ko saglit at tsaka umayos ng upo. Excited na excited kong ginamit yung kutsara para dumakot ng ice cream nang may biglang umagaw nun sakin at mabilis pa sa alas kwatrong kumuha sa ice cream ko.

Napaawang ang bibig ko. Ang laki. Ng. Bawas.

Inangat ko ang tingin sa pangahas. Pilit ko nalang na pinipigilang manapak dahil sa inis at sama ng loob.

Pwede naman niyang sabihin na, Hi, pwede patikim? Pero, tang ina.

Ang ganda pa ng ngiti niya. "Paborito mo rin?"

Umamba pa siyang kukuha pero hinampas ko ang kamay niya at binatukan bago samaan ng tingin.

"Wala ka bang pera? Bumili ka kaya ng sa'yo?" My brows are still furrowed. Isang maling galaw niya ay hindi ako magaatubiling ihagis sakanya 'yung disposable fork na hawak ko.

Umismid ako sakanya bago chineck ang cellphone ko. Nagv-vibrate kasi ito. When I opened my facebook app ay dagsa ang notifications. Bihira lang naman ako mag-post at madalas ay puro tagged post lang din dahil hindi naman ako mahilig kumuha ng litrato ngunit marami pa rin akong reactors gaya ng mga kaibigan ko.

Dale Xander is with Heavenne Imperial
13 mins. 🌏

Kunin niyo na bestfriend ko. Mine sa interesado.
(//Php. 1M//) now Php. 500
SALE!!

She's The Gangster I Love | UNDER MAJOR REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon