Chapter Three

89 6 0
                                    

"Skye!?" Nagaalalang sigaw ni tita. Hindi na maipinta ang mukha niya ngayon. Agad niyang inusisa si Skye at sabay naming inalalayan upang makaupo sa sofa.


"What happened? Goodness! Bakit may saksak siya?!" Nag-aalalang tanong ni Tita. Dumating naman ang parents ni Skye and soon enough, horrified looks plastered in their faces.

"Son! What happened?" Natataranta ang Mommy ni Skye habang ang Daddy naman nito ay kunot ang noo na hinanap ang phone niya.

"We should call ambulance." Sabi ni Tito Lester. Tumingin naman ako dito at umiling.

"Kung mag-aantay pa po tayo ng ambulansya, Skye will probably die of blood loss." I almost rolled my eyes. Kung hindi ko lang napigilan. I mean, they should calm down. Hindi kusang gagaling ang mga sugat ni Skye dahil sa sobrang taranta nila.

Their face looked more horrified than it was already.

“Ang bibig mo, Heavenne!” Sita ni Tita. Nagpa-panic habang dina-dial ang numero ng family doctor namin.

“I’m calling our family doctor, she’s just near the residence.” Dinig kong sabi ni Tita.

Pero naiintindihan ko din naman. Anak ko ba naman, umuwi ng may saksak? Good thing nabalutan naman ng tela ang sugat. Bilib din ako sa lalaming ito. Dinaig ko pa ang pasan-pasan ang mundo sa bigat.

"Dear, what happened?" Pag-usisa sa'kin ng mommy ni Skye. Tumikhim ako. Nakita ko naman si Cloude na nakakuno't ang noo habang nakatingin saamin at nakahalukipkip.

Nang tumama ang kaniyang mata sa'kin ay binigyan niya ako ng mapag-akusang tingin. Kung wala lang talaga kami sa harapan ni tita at ng mga magulang ni Skye, pinakyuhan ko na siya.

"May humarang po kasi sa'kin na, uh, mga lalaki." I pursed my lips as I explain. "H-He helped me po."

Hindi nakatakas saakin ang sarcastic na ngisi ni kuya habang nakapameywang sa likuran. He's probably thinking that those men might be even more afraid of me and I didn't even need Skye's help.

Well, not to mention Ma'am pero wala ding silbi ang pagsulpot ng anak niyo. Ako parin ang halos nagpatumba. I just don’t get it. Judging by this man’s dominant aura, hindi ko talaga maintindihan e. Is it just a façade to mask his weakness? But he has a dangerous aura e aside from his dangerously handsome face.

Inayos ko ang telang pinantapal ko kanina sa saksak ni Skye. Sinamaan ako nito ng tingin nang mapadaing siya.

Kita mo 'to. Nagripuhan na nga, lakas pa magsuplado. Kung sa features naman, maiintindihan ko dahil intimidating talaga ang features ng magulang niya pero sa ugali? Saan ba siya pinaglihi ng mag-asawa?

"Here's the kit." Biglang sumulpot si Cloude na hindi ko napansin ang pag-alis kanina na may dalang kit at bottled minerals. I was about to thank all the saints na gumana ang utak niya pero ang tanga, first aid kit ang binitbit. Kukulangin ang mga kagamitan dun. May isa pa kasi akong kit at hindi naman minor injury ang natamo ni Skye. Bobo talaga.

"Akala ko naman gumana na 'yung utak mo." I rolled my eyes.

Inikutan din ako ng mata nito. "Treat his bruises as well, idiot."

"Idiot your face."

Mali din kasi itong kinuha niya dahil ang isang kit ang kumpleto sa gamit. Sa pagkakaalam ko ay wala na ding betadine sa kit na ito para sa cratches ni Skye.

Ibinaling ko ang tingin sa matatanda. "I'll bring Skye to my room po, I have things. Marunong po ako kahit papa’no."

Sinulyapan ko ang ina ni Skye na umiiyak at hawak ang kaniyang dibdib. Inaalalayan naman siya ng asawa. Despite having a calm demeanor, he failed to hide the trouble in his expression. Kahit sino naman na nasaksak ang anak ay ganiyan ang magiging reaksyon. Malas lang dahil saktong kararating pa nila rito.

She's The Gangster I Love | UNDER MAJOR REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon