Rich 2:

225 9 3
                                    

Rich 2:

I'm now sitting on the branch of the tree here in the park. Lagi ko 'tong ginagawa kapag gusto kong mag-isip-isip. Ang peaceful kasi ng scenery dito , nakakak-relax. Lalo na kapag nakikita mo ang mga masasayang pamilyang naglalaro sa ilalim ng sikat ng araw. Dito sa park na ito, kakaunti ang mga magkasintahang nag-P-PDA na karaniwang makikita mo sa isang park, dito kasi ay puro pamilya na masayang nagkukulitan at naglalaro habang nagpi-picnic.

Looking at those happy families give me happiness and also.... sadness. Di ko alam kung bakit ako natutuwa kapag nakikita ko sila. Basta , hindi ko maipaliwanag yung saya ko.

Nalulungkot naman ako kasi nakakainggit sila. Kasi in my 16 years of existence, di ko nararanasan na makiplaro sa mga parents ko, yung picnic, yung playground, yung slide, yung swing... yung maglaro sa ulan at sa ilalim ng sikat ng araw kasama sila... ang mama at papa ko.

It was my 6th birthday noong namatay sila. I thought that it was the best birhtday ever but that accident happened.

Gusto sana ni Old Man na mag organize ng isang marangya at magarang party pero di ko ito sinangayunan. Sa halip ay hiling ko lang noon ay makasama ang parents ko at makipag bonding sa kanila sa park at maranasan ang nararanasan ng isang karaniwang bata na kagaya ko.

All of my life, I was trained to be a lady. Kung paano maging isang magaling na business woman. Lagi akong tinaruan kung paano ang dapat na pagkilos, pagkain, paggalaw. Kulang na nga lang at pati paghinga ko, ituro na rin nila kung papaano. Ayaw sa aking makipag laro ng mga kaklase ko noon dahil sa tingin nila, mas mataas ako sa kanila at natatakot sila sa akin dahil isa akong Santinel.

Kaya naman noong nag birthday ako, ang wish ko ay makapaglaro at makasama ang pamilya ko. Ang luckily, pinayagan naman ako nina mama at papa. Sobrang saya ko noon, nakabihis na ako at ready na sana ang lahat sa pagpunta namin sa park pero...sabi nila mama at papa ay may emergency meeting daw sila at mabilis lang naman daw. Biglaan daw kasi ang pagpunta ng mga investors sa bansa at kailangan daw nilang i-close ang deal na 'yon dahil sa malaking pera ang pwede nilang ipasok sa company namin.

Sabi nila ay mabilis lang naman daw so pumayag na ako. But after 30 minutes biglang may tumawag kay Old Man. Sabi noong tumawag kay Old Man ay naaksidente daw sila mama at papa. Nawalan daw ng break ang sinasakyan nila at tumama daw sila sa isang truck. Tumilapon at nahulog sa dagat ang kotseng sinasakyan nila.

I feel so useless in that time. I was young and I can't do anything for them. Gusto kong sumama sa paghahanp sa kanila mama at papa but my lolo doesn't allowed me. After a few days ay na-recover ang bangkay nila. I don't know kung dapat ba akong matuwa dahil sa nahanap na sila o dapat akong malungkot dahil sa nahanap sila na wala ng buhay.

Simula noon naging introvert na ako. Laging gustong mapag-isa at ayaw sa tao. Kahit kay Old Man ay naging malamig ang pakikitungo ko, wala na akong pinagkatiwalaan noon dahil ang sabi-sabi, sinadya at binalak daw na dispatsahin sila mama at papa at inside job daw ang nangyari. Pinaimbistigahan lahat ng katulong, driver at mga taong pinaka pinagkakatiwalaan at nakakapasok ng mansion namin. At napag-alaman na ang gumawa at nagplano noon ay walang iba kundi si Kuya Domeng, ang buddy at driver ni papa.

May galit pala ang pamilya noon sa amin. Sinisisi nila kami kung bakit nalugi ang business nila kaya hindi nila napagamot ang asawa niya sa cancer. Pero napagalaman na kaya naman pala nalugi ag business nila dahil masyado siyang sugarol.

That time, the sweet and always smiling Alexandra is gone. Napalitan na ng galit at coldness ang pagmamahal na makikita mo sa mata ko. Simula noon nag-aral na ako ng iba't-ibang martial arts so that I can protect myself mula sa mga taong traidor at mapang-abuso. So that no one can harm me like what they did to my parents.

Ayyyyshhh ~~ enough for that thoughts. Di pala ako nagpunta rito para isipin ang mga ganyang bagay. Nandito ako ngayon para isipin kung tatanggapin ko a nag offer ni Old Man sa akin.

Ayoko sanang tanggapin ang gusto ni Old Man pero alam kong ako lang ang may kakayanan na pigilan ang kalokohan ng mga elites. Pero I don't want to study in that school. But do I have any choice, kapag tinanggap ko ang mission ko, that means na pumapayag na ako na mag-aral dun and that's a big NO.

Pero kung totoo ngang talagang pahirap ng pahira ang pangaapi sa mga scholars, then I have to see it in my own eyes.

Agad akong sumakay sa aking bag at tinungo ang mansion namin.

.

.

.

.

.

.

Now, I'm here sa tapat ng mansion ni Old Man. Kumatok ako at agad naman akong pinagbuksan ni Kuya Berdie. Short for Bernadino.

"Hi ma'am Alex ^_^" -kuya Berdie

"I want to talk to Old Man" ako. Alam niya ang pag trato ko kay Old Man kaya no problem, alam na ni kuya Berdie yun. I can trust him, di pa kasi ako nabubuhay ay nag ta-trabaho na siya kay lolo kaya isa siya sa kakaunting listahan ng taong pinagkakatiwalaan ko.

"Okay ma'am !" sabi niya

"Sir, gusto daw po kayo makausap ni ma'am!" -kuya Berdie. Tsss -_- magkalapit na nga lang sila, nag sisigawan pa.

" Si apoooooo ?!? Waaaahhh~ Papasukin mo yung apo ko! " excited na sigaw ni Old Man. Tsss~ Isa pa 'to, pasalamat siya at lolo ko siya kundi pinutulan ko na siya ng dila... pero syempre joke lang yun nohh. Hihi

At pumasok na ako, narinig ko naman yung sigawan nila eh so di na ako naghintay pa ng signal.

" HI APOOOOO~~" di ko na naman kailangang sabihin kung sino yan diba?? tsss..

" Call Drake. Tell him that I'm going to visit CA... At wag nilang subukan mag prepare sa pagpunta ko.. I want it to be surprise * evil grin"-ako

Exciting to~ hahahaha! Ano kayang maaabutan ko sa pagpunta ko sa CA? I'm sure that their faces would look so priceless..

------------------------------------------------------------------------------

Hala ~~ Pupunta daw si Alex sa Ca ~~ O__O Ano kayang mangayayri? Abangan^_^

I'm Rich (MinShin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon