Rich 3: Card

216 9 2
                                    

Rich 3:

Nasa loob na ako ngayon ng kotse ko papunta sa Celestine Academy. Everyone is looking at my car. Grabe ha, head turner a kotse ko, mana sa may ari sa kanya. My car is 2005 MAYBACH EXELERO at kabibili ko lang nito last month, dagdag siya sa mga babies ko. Hihi ^.^ Actually kay tanda ko siya binili, di na kasi ata ito available sa market eh.

"Ma'am nandito na po tayo sa CA!" - magiliw na sabi ni kuya Berdie. Siya ang pinag-drive ko papuntang CA. Meron kasing sakit yung driver ko at nasakabilang sasakyan naman yung mga Body Guards ko. Yep, may mga BG ako for my protection, ayoko ko nga sana because I know that can defend myself pero sadyang mapilit si Old Man. Tss.. -_-

Kung tinatanong niyo kung bakit Celestine Academy ang ipinangalan sa school na ito. Well, this school is named after my Grandmother in my father side -- Celestine Laxamana-Santinel. Bale sa lola ko na asawa ni Old Man. Natapos ang pagpapagawa nito at eksaktong binuksan noong kasal nila Old Man at ni Lola. Skip na natin ang topic na yan. Haahah~ nakakatamad magkwento saka tinatamad mag type is author. XD

Hayyys~ nandito na pala kami. Ang tagal bago ko nabisita ulit ang paaralang ito ahh. Hindi na ulit ako nakabisita rito simula noong nangyari yung kalokohan at pambu-bulling ginawa nila sa akin. This school brings back a lot of memories ... sad memories to be exact. Hayyyy~ Ayoko ng alalahanin ang mga bagay na iyon.

Huminto kami sa main building ng CA, sa may college department. Meron din kasi ditong high school at elementary pero walang kinder.

I scanned the building using my eyes, marami na itong pinagbago. Mas lalo pa itong gumanda and I think nadagdaggan ito ng floors.

"Ma'am , di pa ba tayo bababa?" kuya Berdie

"Wait lang naman~ Excited ka masyado!" pangtataray ko sa kanya

"Sorry naman po ma'am, eh naiihi na po kasi ako eh. Sasabog na po ~ Baka po maihian ko po yung kotse ----" bago pa niya masabi yun ay tinulak ko na siya palabas. Ihian na niya lahat wag lang kotse ko nohhh~ No way ~

Nakasoot lang ako ng isang simple ngunit eleganteng black dress at tinernuhan ng white killer heels. Nagpaayos pa ako sa dating stylist ni mama dati. Huminga ako ng malalim , I think ready na ako. Humanda sila sa pagbisita ko *evil grin.

Sinuot ko na ang maskara ko na lagi kong sout. Di kasi nila kilala ang mukha ko at ang buong pangalan ko para sa proteksyon ko. Para maiwasan ang kidnap at kung anu-ano pang masasamang pwedeng mangyari sa akin. Pabor naman sa akin yun kasi pwede akong makapamili sa mall at makapunta ng park na parang isang normal na tao nang hindi inaalala ang kaligtasan ko anytime.

Pinagbuksan na ako ng body guard ko. Wala na si Kuya Berdie, siguro umihi na siya. Pero malawak itong CA, baka maligaw yun. Pero sige na nga, hayaan ko na lang muna Tsss. -_-

Chest out, stomach in, Chin up. Turo sa akin yan ni mama. I'm walking with pride and confidence. I have to look intimidating and powerful dahil isa akong Santinel. Kapag Santinel ka, dapat makikita sa aura mo na dapat ka nilang sundin 'cause your higher than them.

I'm now walking sa entrance ng building and andaming estudyante kasi break nila ngayon. Pero noong nakita nila kung sino ako at natandaan nila kung sino ang guamagamit ng maskarang suot ko, agad silang nag bow lahat sa akin. parang may humahawi sa daraanan ko, kulang nalang ay latagan nila ako ng red carpet eh. Ano pa bang aasahan ko? Apo ako ng lolo ko eh kaya ganyan na lang ang paggalang nila sa akin. Tsss..

May narinig din akong mga bulungbulungan sa paligid. Pssh, mayayaman at elegante DAW eh wala namang mga breeding. Parang mga bubuyog, bulong ng bulong eh ang lalakas naman.

"Oh my goshh~ Look girlss! Diba siya yung apo ni Sir Arthur.!" -girl 1

"O to the M to the G~~~ Bakit kaya siya nagpunta rito?" -girl2

"Uyyy pare chicks oh~~ Sexy~" -boy 1 Ang maniac neto hah! Saka anong tingin nito sakin sisiw? Anong akala niya kay mama? Inahin?

I just ignore them kahit ang sarap nilang kalbuhin! Joke lang. syempre may breeding ako nuh! Di ko naman gagawin yun. ang bait-bait ko kaya XDD

I just went inside the elevator. Sumama sa akin ang dalawa kong body guard at yung iba ay pinaiwan ko na lang sa baba. Pinidot ko yung 6th floor button . Nasa sixth floor kasi yung cafeteria ay nanduun and I guess na mayroong show na nagaganap doon. You'll find out later kung ano yung sinasabi ko.

*ting!

Tumunod na yung elevator hudyat para malamang nasa 6th floor na kami.

Agad akong tumungo sa canteen kasama ang mga BG ko. Sumilip muna ako. Yung iba ay nakapila pa lang samantalang yung iba ay kumakain na.

Eto yung main canteen kaya sobrang daming pagkain. Pwede nitong daigin ang isang 5 star restaurant. Everyday ay iba't-ibang putahi na specialty ng iba't-ibang bansa ang inihahain dito. Kaya naman everyday ay para ka na ring nakalibot all around the world. And you don't need to worry about the payments, Libre ang lahat ng pagkain dito. You just need to show the card na napapatunay na estudyante ka rito. Wala na kasing ID sa CA, yung card which is tinatawag na Celestine Card lang ang nagsisilbing ID ng mga estudyante.

At yung card na yun ay may iba't-ibang kulay based sa katayuan ng mga estudyante na isa sa pinakatinututulan ko.

THE BLUE CARD: Ito ay mga card ng mga anak ng kilalang tao lalo na sa politika at sa idustriya.

THE GOLD CARD: Ito ang mga card ng mga famous students. Famous, as in kilala sa buong mundo. Mga artista, dancer, singer at marami pang iba.

THE WHITE CARD: Ito ang card ng mga middle rich students. Ito ay mga anak ng mga shareholders ng mga naglalakihang kumpanya. Kahit mga middle rich student lang sila, mga big time rin ang mga yan.

THE BLACK CARD: Ito ang pinakamataas na card kaya hindi binabangga ang mga taong may hawak ng ganitong card. Ito ay ang mga estudyanteng tagapagmana ng mga malalaking kumpanya, anak ng presidente at royalties galing sa iba't-ibang bansa.

Ang blue at gold card ay magkapantay lang. Ang white card ang mas mataas sa kanila at ang black card naman ang pinakamataas. Sa description ng mga taong may hawak ng iba't-ibang card, talagang mahahalata mo na na pinagsama-sama ang mga kilalang tao dito sa eskwelahan na ito pero mayroon ding naiiba.

Ang may hawak ng RED CARD. Ang mga may hawak nito ay yung mga scholars na galing sa mga mahihirap na pamilya. At para maging isang scholar, kailangan ay talgang matalino ka, yung talinong nakakabaliw at nakakasabog ng utak. Ubod kasi ng hirap ang entrance exam dito sa school.

Yep, may mage-exam ka pa bago ka makapasok dito. Hindi naman pwedeng basta may pera ka lang ay makakapag-aral ka na dito. No way~ At para maging scholar ka rito, kailangan mo munang maka 90% sa exam. Masyado bang mababa ang average sa inyo. Pwes lest see, baka kapag kayo ang nag exam, baka sumabog ang utak ninyo. Joke ~ At kailangan mo manlang makakuha ng 50% para makapasok ka rito kapag magbabayad ka. Kahit maka50% ka lang ay okay na, ganun kahirap ang exam dito.

At ang masaklap, ang mga henyong estudyante rito ay pinahihirapan ng mga upper class students. Kapag may Red Card ka ay pagti-tripan ka nila. Ayaw kasi nilang nakakasalamuha ang mga mas mababa sa kanila. Para sa kanila, nakakababa ng pride yun. Kung bakit? Dahil malalaki ang ulo nila. Tsss..

They will everything para mabura at mawala ang red card. Red card na hawak hawak ng mga scholars. Bu-bullyhin kanila hanggang sa umalis ka. Mga out of this world na panti-trip ang aabutin mo kapag scholar ka. Ganun sila kasasama.


And I think may show nanaman ngayon, may pinagti-tripan nanaman sila.

I'm Rich (MinShin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon