"she's here..." gulat na gulat na sabi ni Anon at mautal-utal pa siya. Natatawa naman ako sa ekspresyon ng mgs mukha nila. Para silang nakakakita ng kalabaw na lumilipad.
So sila pala yung mga lalaking leader at pasimuno ng mga kalokohan sa paaralang ito. Sila pala ang Kings of Kings . Pangalan pa lang ng grupo nila, ang hangin na. Psshh. Hari ng mga hari? King of Monkeys siguro, nagkamali lang ng tawag.
At yung mga estudyante naman ay parang nagulat dahil nautal ang isang myembro ng hari nila kuno. Sabagay, 'she's here' lang di pa masabi ng maayos with mouth open open pa. 8D Ganyan ba talaga ang epekto ko sa kanila? Siguro ganyan talaga kapag maganda. Hihihi~
Tumigil sila sa pagbato ng mga pagkain sa scholar at dahan dahang lumingon. Talagang literal na slow motion.
At noong nakita nila ang dyosang tulad ko na nasa harap nila. At first na shocked sila. Napaayos sila ng tayo at saka nag bow.
Geh. Ganun talaga sila nagulat na nandito ako. Ngayon lang kasi sila nakakita ng dyosa -_- Chos~ Baba-baba rin kais ng bundok kapag may time. XD
Sabagay, ako nga siguro ang huling tao na bibisita rito. Pero dahil kay Old Man, napilitan akong i-check kung humihinga pa ba ang mga scholar dito. Kinokonsensya ako eh at lalo pa akong kokonsensyahin na hindi sila tulungan ngayong napanood ko ang show nila kanina sa red table. At alam kong hindi pa iyon ang pinaka grabeng ginagawa nila sa mga scholar.
Dahan dahan akong naglakad patungo sa kanila. Sinadya kong patunugin ang heels ko sa tiles.
Hindi naman sila makagalaw sa kinatatayuan nila. Na-tuod na ata. Baka mapasukan naman ang bibig nila ng langaw dahil karamihan sa kanila ay nakanganga. Pero hindi ako concerned sa kanila hah~ Concerned ako sa langaw.
"Diba ikaw ang tagapagmana ng Santinel Clan? At saka ikaw yung apo ng may-ari ng school diba?" tanong noong isa. Siya siguro yung Dave. Huwag na kayong magtaka kung bakit ko sila kilala. Pano ko naman makakalimutan ang mga unggoy na ito? Eh andaming atraso sakin ng mga 'yan. Phss.
Dahan-dahan akong tumango.
"Bakit ka nadito..?" Tanong ng leader ng mga unggoy. Kilala niyo naman siguro kung sino. Pshh.. si Xander.
Iyan agad ang bungad na tanong niya sa akin noong naka recover na siya sa shockness niya.
Wala manlang bang welcome? Sabagay, naalala ko na wala nga pala siyang breeding kaya ganyan ang asta niya. Tsss.
"Bakit? Masama ba?" Tanong ko. Ang sarap talgang asarin ng unggoy na ito.
" The last time I check, ayaw na ayaw mo sa school na ito. Himala ata at nagpunta ka rito." -Unggoy este- Xander
" Eh sa nagbago ang isip ko eh. Saka by the way, nag e-exist parin pala ang table na ito" puna ko sa red table
" Of course. Because this is my territory and they are obeying me." mapaklang sabi niya. Pfftt--bang layo ng sagot niya..
" Wow ahhh! Ilang hours mo na-construct ang sentence mong 'yan? Ang laki na ng development moh huh? Pero alam mo, ang bitter mo. Para kang batang kalye na takot maagawan ng teritoryo niyang pinagkukuwanan ng kalakal at pagkaing tira-tira..." ako. Laftrip naman ang ekspresyon ng mukha niya. Parang nataate na ewan.
"What did you sa--- bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay pinigilan ko na siya. Isinubo ko sa kanyan ang burger na nasa table nila.
" Tumigil ka nga kakasigaw. Are you gay? Pero by the way ulit, ano namang ginawa ng isang ito ngayon at siya naman ang panibago mong best friend? *Note the sarcasms " turo ko sa scholar.
BINABASA MO ANG
I'm Rich (MinShin)
HumorSa mundo nila na puro pera at kapangyarihan lang ang mahalaga, mahanap kaya nila ang tunay nilang kasiyahan?