"Zia baby,baba na agad pagkatapos mo dyan para makakain ka na"napangiti at napalingon naman kaagad ako sa pintuan pagkarinig ko sa malambing na boses ni mama.Siguradong napadaan lang siya dito sa kwarto ko para sabihin yon.Nakita Kong nakadungaw lang ang ulo niya sa pintuan para masilip ako.
Inaayos ko pa kasi tong uniform ko dahil sobrang iksi nitong palda nila na siguro pag yumuko ako ay makikitaan kaagad ako.
"Susunod na po ako,mama.Inaayos ko pa po kasi tong palda kasi sobrang iksi,mama" sagot ko habang nakaharap parin sa salamin.
"Sakto lang naman sayo,anak.Ang ganda mo ngang tingnan sa bagong uniform mo" sabi niya habang lumalapit sakin.Nakangiti din siya habang nakatingin sakin sa salamin.
Napangiti naman kaagad ako sa sinabi niya.Wala na siguro talaga akong magagawa dito dahil nasa handbook din talaga na dapat ganito kaiski ang palda.
"Sige po,mama.Susunod na po ako sa inyo sa baba"hinaplos niya muna ang ma alon kong buhok bago lumabas.
Isang tingin pa sa salamin ang iginawad ko sa aking sarili bago ako bumaba.Naabutan ko naman kaagad ang mga magulang ko na nag uusap habang hinihintay ako.
"Goodmorning, baby"nakangiting bungad sakin ni papa habang papalapit ako sa kanila.
"Goodmorning din,po"hinalikan ko kaagad silang dalawa sa pisngi at naupo na.
Naguusap lang silang dalawa habang kumakain kami at nakikinig lang ako.Tungkol sa business ang pinag uusapan nila at wala talaga akong kaalam alam don.Pag may tinatanong at pinapayo din naman sila sakin tungkol sa school ay nakikinig talaga ako at sumasagot.
Pagkatapos naming kumain ay hinatid kaagad nila ako sa labas kung saan naghihintay ang driver namin na maghahatid sakin.
"Kaya yan,baby!" My mother cheered me up. Alam kasi nilang mahiyain ako tapos di ko pa kakilala ang mga estudyante doon.
Ngumiti lang ako sa kanila at pilit na pinalalakas ang loob ko. I know that I can do this!
"I'll go ahead na po" sabi ko at hinalikan sila sa pisngi.
"Take care, anak" daddy said while patting my head. Sinabihan niya rin ang driver ko na mag ingat sa pagmamaneho at hindi magmadali dahil maaga pa naman .
Nagpaalam pa ulit ako sa kanila at pumasok na sa sasakyan na naghihintay saakin.
"Goodmorning po,manong"bati ko sa driver namin.
"Goodmorning din, ma'am " tumango lamang ako at ngumiti bilang sagot sa kanya.
Tahimik lang ako buong byahe at pinagmamasdan lang ang mga naglalakihang building sa labas.Marami na rin ang mga sasakyan na aking nakikita na sobrang layo sa isang mapayapa at mapunong lugar na kinalakihan ko.
Ilang minuto lang at nakarating na ako sa bagong unibersisad na papasukan ko.Hindi na ako nagpahatid sa loob at maglalakad nalang ako para naman maging pamilyar ako sa mga madadaanan ko.Inihinto nalang ni manong sa gilid ang sasakyan at pinagbuksan ako.
"Mag ingat po kayo,ma'am " ngumiti naman ako sa kanya.
"Maraming salamat po sa paghatid,manong.Tatawagan nalang po kita pag magpapasundo na po ako" tumango naman siya sakin at nagpaalam na. Tiningnan ko muna ang mga sasakyang naglalabas pasok sa unibersidad na ito at dumidiretso sa parking lot nitong university.
Halatang mayayaman ang mga estudyante dito.
Sinalubong kaagad ako ni kuyang guard na nagbabantay at hinanap ang I.D ko.Sinabi ko naman sa kanya na bagong estudyante ako at hindi pa ito na release. Pinapasok niya naman ako kaagad pagkasabi ko non.
BINABASA MO ANG
Stars in the night sky
RomanceI want peace and he doesn't bring peace. But I'm ready to embrace everything as long as I'm with him.