Chapter 7

1 0 0
                                    

Maaga akong nagising ngayon kaya maaga din akong pumunta sa school at halos wala pa talagang tao dito ngayon,mabibilang lang ang mga estudyanteng nandito ngayon.It's still 6:30 AM at kadalasan sa mga estudyante dito ay alas otso pa pumupunta. Sa bench muna ako dumiretso dahil siguradong ako kang talaga ang tao ngayon doon.

Malakas na simoy ng hangin at nagsasayawang mga puno ang bumungad sakin pagkapunta ko sa bench. Kaya favorite spot talaga namin to ni izabel kasi sobrang tahimik at makakapag -isip ka talaga dito.

Pagka-upo ko ay inilabas ko kaagad ang sketch pad ko, calligraphy pens at maliliit na mga pintura. And yes,I love doing arts,kumbaga stresse reliever ko ito at ginagawang pampalipas oras. Si izabel lang ang nakaka-alam na mahilig ako sa ganito at tuwing may arts competition dito sa school ay kinukumbinsi niya talaga ako na sumali pero tumatanggi ako. Hindi ako masyadong confident at nanainiwala ako na mas marami pa talagang magaling sakin sa klase.

Nagsimula na akong magsulat ng mga linya sa kanta at mga qoutes,sinulat ko agad ito sa parang pang calligraphy. Pagkatapos Kong maisulat yon ay sinimulan ko kaagad na disenyohan ito. Nag sketch din ako ng mga puno at bulaklak sa gilid para mas maging maganda.


"And all will be alright in time" kaagad Kong tinago ang sketch pad sa likuran pagkarinig ko non,nilingon ko kaagad ang nagsalita.


"Anong ginagawa mo dito?!" Para akong nahuli sa isang krimen dahil sa reaksyon ko. Para naman siyang nagtataka kung Bakit ako nagkakaganito.


"Di mo naman sinabi na magaling ka sa mga ganyan" ngumisi siya pagkasabi niya non at umupo sa harapan ko. Mas tinago ko pa ang sketch pad ko sa likuran para di niya talaga makita. Nahihiya ako. Kahit sinasabi ni izabel na maganda ang mga gawa ko hindi parin ako naniniwala. I'm afraid to be judged.


"Hindi ako magaling" seryoso Kong sabi sa kanya.


"Anong hindi?! Kakakita  ko pa nga at ang galing mo! You should show your talent to others! Hindi lahat ng Tao ay may ganyang talento" sabi niya habang mariiin na nakatutok sakin. Somehow,his words boost my confidence pero natatakot parin ako.


"Ayoko pa rin" maikling sagot ko


"Sinasayang mo lang yan. Hindi dapat tinatago ang galing sa isang talento,dapat ay ibinabahagi yan" hindi ko alam na kaya niya pa lang magsalita nang ganito.


"Natatakot ako" hindi ko alam kung bakit sinasabi ko sa kanya to.


"You're afraid of what?being judge? Wag mo nalang pansinin ang mga taong ganyan,inggit lang sila. Don't mind them and focus on your own passion. Their opinion will never matter. Just believe in yourself. " seryosong sabi niya na nagpakabog ng husto sa puso ko. Ang mga Mata niya ay tumititig sakin, sobrang lalim na para bang binabasa at inaalam kung ano ang iniisip ko. "Alam Kong kaya mo" yon lang ang huling sinabi niya bago ako iniwang mag-isa sa bench.


Hanggang sa pumasok ako sa first subject,ang mga sinabi pa rin ni Marco ang nanatili isipan ko. Lutang na lutang ako hanggang sa matapos ang lahat ng subject at lunch na.


"Halika na,zi" sabi ni izabel at hinila ako papuntang bench para mag lunch. Pagkalabas namin ay nagtagpo kami ni na Marco. May dalawang lalaki siyang kasama at alam Kong mga kaibigan niya yon kasi simula palang nalang klase ay silang tatlo na talaga ang palagi Kong nakikitang magkasama.


Kaagad namang nagtagpo ang mga Mata namin at seryoso niya akong tiningnan. Yumuko nalang ako at hinila si izabel at umalis na nang hindi siya tinitingnan.


"Ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni izabel at seryosong nakatingin sakin. She also looks worried. Ngumiti nalang ako.


"Oo naman" I said cheerfully to her para hindi na siya magtatanong pa.


We're silently eating when someone put their bags at the benches in front us. Sabay naman kaming napaangat ng tingin ni izabel and we were shocked when we saw Marco and his friends.


"What are you doing here?" Tanong ko na nagpatawa sa dalawang kaibigan niya.


"I told you,dude" nakangising sabi ni Marco sa mga kaibigan niya. Parehong gwapo din ang dalawang to at halatang maloko rin. Napairap nalang ako.


"Hi! I'm Lumiel Alvarex"nakangising pagpapakilala samin nitong lalaking maputi at singkit ang mga Mata. Sobrang halata na maloko. Kung Maputi si Marco ay mas maputi to mas matangkad nga lang si Marco sa kanila.


"Hi!I'm Mico Cabasag" itong isa naman ay mukhang easy going na Tao at carefree, pero mahahalata mo parin na seryoso. Moreno tong lalaking ito at bagay na bagay yon sa kanya.


Mukha silang mga college students dahil sa tangkad at body built nila.


"Uhm,hello?" Sabay naming sabi ni izabel na nagpatawa sa kanilang tatlo. Seriously?kanina pa to sila.


" Is it okay if we join?" Tanong samin ni lumiel. Nagkatinginan naman kaagad kami ni izabel.
Hello? As if we have a choice.


"Sure" umupo kaagad sila pagka sabi namin non. Inilabas kaagad nila ang mga pagkaing dala nila na galing pa ata sa isang mamahaling restaurant dahil sa tatak nito sa lalagyan. Sanaol mayaman.

"Magka grade lang tayo pero hindi ko kayo masyadong nakikita,mukhang allergic kayong dalawa sa tao. " sabi ni mico samin,ngumiti lang kami. "Kuha kayo,oh" Dagdag pa niya at inilahad samin ang pagkaing dala nila.


"Sige lang" sagot naman ni izabel


"Sa kabilang section kasi sila" sabi ni Marco kaya napatingin kami sa kanya. Tumango nalang kami ni izabel at hindi na nagsalita pa. Tahimik lang kami ni izabel habang kumakain at minsan ay sumasagot din pag tinatanong nila kami. Sobrang ingay nila dahilan kung bakit ay ang mga napapadaang estudyante ay napapahinto at tumitingin sa gawi namin. Nagtataka siguro sila kung Bakit kasama namin to.


"Hoy! Si Michelle hinahanap ka samin kahapon!" Biglang sabi ni lumiel at binato si Marco ng papel.
Napalingon naman si Marco saamin pagkarinig niya non.


"What?magkasa lang kami kahapon!" Sagot naman ni Marco. So Michelle pala ang pangalan non.


"Oo!pero iniwan mo!gago,lagot ka don. May pa iyak-iyak pang nalalaman sa harap ko para sabihin ko lang kung nasaan ka" natatawang sabi ni lumiel. Boys,tss.


"Sinabi mo naman kung nasan ako? Sobrang clingy non!ayoko na sakanya!" Wow,parang damit lang. Kung ayaw na huhubadin kaagad. Ang galing.


"Syempre hindi no! Kailangan ko ba sinabi sa mga babae mo kung nasan ka?"


"The best ka talaga dude" sabi ni Marco sabay tapik sa balikat ni lumiel at nakipag high five.


"Mga gago talaga kayo. Tinitikman niyo tapos pagtataguan niyo" biglang sabi ni mico.


"Tama" biglang sabi ko kaya napatakip kaagad ako sa bibig ko. Gosh! Biglang nag init ang pisngi ko dahil sa sinabi ko. Nakita ko naman silang natatawa dahil sa biglaang pagsagot ko.


"Okay lang yan,zi" natatawang sabi ni lumiel kaya mas lalong nag init ang pisngi ko. Napatingin naman ako kay Marco at mukhang aliw na aliw habang nakatingin sakin. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stars in the night sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon