Chapter 5

6 0 0
                                    

"Bakit di ka pa natutulog?" napalingon kaagad ako sa harapan pagkarinig ko non. Nandon na naman siya sa veranda ng kwarto niya at walang pang itaas na damit. Hindi ba siya nilalamig?

"Kasi hindi pa ako inaantok?" Patanong kong sagot kaya inikutan niya ako ng Mata. Cute.

"Tss,pilosopo mo" tinawanan ko nalang siya. Anong pilosopo don?

"Ikaw,bakit di ka pa natutulog?" Tanong ko din sa kanya. Pareho kaming dalawa ngayon na nakatayo at magkaharap. Sobrang tahimik na din dito ngayon kasa alas onse na ng gabi at paniguradong tulog na ang iba.

"May hinihintay pa ako" si diane kaya ang hinintay niya?

"Ah sige, papasok na ako" ngumiti muna ako sa kanya bago tumalikod at pumasok sa kwarto ko. Bakit niya kaya hinihintay si diane? Girlfriend niya ba ang babaeng yon? Dahil naghalikan na naman sila eh so baka nga girlfriend niya talaga yon. Bahala nga sila sa buhay nila matutulog nalang ako.

****

Kinabukasan ay maaga akong umalis sa bahay at pumasok. Nag usap kasi kami ni izabel kahapon bago umuwi na sa cafeteria na kami ng school kakain ng breakfast  para magawa namin ang activity na hindi namin natapos kahapon .

"Bel!" tawag ko sa kanya pagkakita kong pababa na siya sa sasakyan nila. Kaagad naman siyang lumingon at tumakbo papunta sakin.

"Goodmorning, zia!" She cheerfully greeted me.

"Morning din bel" nakangiting sagot ko sakanya.

Dumiretso agad kami sa cafeteria at umupo na sa pangdalawahang lamesa lang. Pagkatapos naming iwan ang mga bag ay pumila na kaagad kami. Mabuti nalang at walang tao masyado dito ngayon dahil maaga pa talaga.

"Tapusin na kaagad natin pagkatapos nating kumain para libre na tayo whole day" sabi ni izabel pagka upo namin. Tumango naman kaagad ako,para matapos na rin kaagad yon at wala na kaming aalahanin pa.

Nag uusap kaming dalawa habang kumakain ng biglang bumukas ang pinto ng cafeteria. Nakaharap ako don kaya kitang kita ko talaga kung sino ang pumapasok.

"Si Marco, bel!" sabi ko sabay tapik sa balikat niya.

"Hah?saan?" Sabi niya habang lumilingon sa paligid.

"Yun oh" tinuro ko gamit ang nguso ko. May kaakbay siyang babae at hindi si diane yon,iba.
"Bakit di si diane ang kasama niya?" Dagdag Kong Tanong habang nakatingin parin sa kanila. Pumipila na sila ngayon at nakatalikod samin kaya di nila kami nahahalata. May ibang mga estudyante ding nakatingin sa kanila dito.

"Ganyan talaga. Hindi naman siya nagtatagal sa isang babae lang. Sa isang linggo isang babae tapos sa susunod isa na naman." Walang ganang sagot niya sakin,na para bang sanay na sanay na siya na makita si Marco na ganyan.

"Talaga?" tumango naman kaagad siya. Grabe naman yon!isa per week? Uubusin niya ba ang lahat ng babae dito?

"Okay lang sa mga babae dito na hanggang isang linggo lang sila?" Tanong ko

"Sa mga nagiging girlfriend niya,okay lang. Basta makasama lang siya kahit isang linggo mababaliw na ang mga yon. Ang iba naman ay iiyak iyak pag iniwan na niya.Nag aaway pa nga minsan ang mga babae dito dahil sa kanya." Tumango nalang ako at hindi na nagsalita. Nagpatuloy nalang kaming kumain pero minsan ay sinusulyap sulyapan si Marco. May pasubo subo pang nalalaman ang babae sa kanya tapos nasasarapan pa talaga siya. At yong kamay niya ay nasa hita ng babae .

"Halika na,bel" sabi ko at kinukuha ang mga gamit namin sa lamesa. Tumayo naman kaagad siya .

Dumiretso naman kaagad kami sa bench para tapusin yong activity tutal maaga pa naman at mamaya pa ang klase.

Tahimik lang naming tinatapos yon ng may naglapag ng double sided tape sa bench na inuupuan namin. Sabay naman kaagad kaming napaangat ng tingin ni izabel.

Kaagad na bumungad samin ang mapaglarong ngisi samin ni Marco. Bat nandito siya? Asan yong kasama niya kanina?

"Anong ginagawa mo dito?" kunot noo Kong Tanong sa kanya.

"Sungit mo talaga" natatawang sagot niya sakin sabay upo sa tabi ko kaya umusog kaagad ako. Mahirap na.

"Gagamitin namin to,ah." Sabay angat ni izabel sa  double sided tape na dala ni Marco kanina.
"Naubos na kasi yong amin" Dagdag niya pa.

"Sure,para naman talaga yan dito. Para may maitulong narin "

"Buti naisipan mong tumulong" bulong ko kaya napatingin naman  kaagad si izabel sakin at mahinang tumawa.

"Hoy,nagtanong kaya si diane kahapon kung anong pwedeng itulong namin pero sabi niyo sasabihan niyo lang kami!" depensa niya agad.

"Nakakahiya naman kasi pong istorbohin kayo sa paglalambingan niyo kaya wag nalang" sagot ko at inikutan siya ng Mata.

"Okay,sorry na" sabi niya sabay taas sa ng kamay niya. "Hindi talaga ako mananalo sayo" bulong niya sakin. Ngayon ko lang napansin na sobrang lapit na niya pala sakin. Titig na titig siya sakin ngayon kaya kaagad naman akong napaiwas ng tingin. Kinakabahan na ako.

Buti nalang hindi napansin ni izabel yon dahil busy parin siya sa ginagawa namin. Hindi ko nalang siya pinapansin kahit panay ang kausap at kalabit niya sakin sa gilid minsan din ay bulong ng bulong siya sakin. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa lalaking to.

"Salamat at tapos narin " sabi ni izabel at kaagad naman kaming nagligpit ng mga gamit namin. Dumiretso na kaagad kami sa classroom dahil malapit naring magsimula ang klase.

Pagkarating namin sa classroom ay kaagad na pinagtitinginan kami,siguro ay nagtataka sila kung Bakit kasabay namin si Marco. Pwede ring siya lang talaga ang tinitingnan. Sumalubong kaagad samin si diane na namumugto ang Mata at halatang galing sa iyak.

"Let's talk,Marco. Please" she pleaded with teary eyes. Nagkabit balikat nalang ako at dumiretso na sa upuan kasama si izabel.

"Class is already starting, diane.  Mamaya nalang" narinig Kong sagot ni Marco sa likuran namin.

"Bakit kasama mo si elle kanina?" Pagpapatuloy ni diane. Naririnig namin dito dahil nasa likuran lang naman sila at medyo malakas din ang boses.
Si izabel sa gilid ay parang walang naririnig at may sariling mundo.

"Mamaya nalang sabi" I can already sense the frustration in his voice.

"Just answer me,Marco!" Pagalit na sagot ni diane. Halata na rin sa boses niya na naiiyak na siya.

"We're over okay?sinabi ko na sayo yan kagabi pa."

"Just give me a damn reason!"

"Ayoko na,okay? Klaro naman satin sa umpisa palang diba kung ano lang tayo diba? Bakit nagtatanong ka pa ngayon? Stop crying,diane. You can find someone else. " yon lang ang huling sinabi niya bago lumabas sa classroom. Naririnig naman kaagad namin ang mahinang paghikbi ni diane sa likuran namin. Nagkatinginan nalang kaming dalawa ni izabel.

"Asshole" she mouthed.

Stars in the night sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon