CHAD'S POV~KRING~KRING~KRING~
Minulat ko ang aking mga mata at agad akong bumangon para patayin ang alarm clock ko."Hayyyyy"inat ko.
"Good morning broken king"pagkagising at pagkagising ko palang ay dumako na ako sa CR para maligo at magtootbrush.Maaga akong gumising para sa summer vacation naming magkakaibigan.Si Richard ang nagyaya samin.Sa laguna daw kami magbabakasyon.Mahigit 2 month kami don.
Habang naliligo ako,pumasok bigla sa isip ko si Sam.Sa twing naaalala ko ang mga masasamang sinabi nya nang araw ng anniversary namin.Na wawalan agad ako ng ganang kumilos.
Nasasaktan,nanlulumo,naluluha at pinanghihinaan ng loob.~FLASHBACK~
Masaya akong namili ngayon sa mall ng flowers at chocolate para sa pinaka minamahal kong babae.First Anniversary kase namin ngayon.
Isusurpresa ko sya,nagtatampo kase sakin yun,ang kulit-kulit ko daw kaseMagugustuhan mo kaya to baby? Sana magustuhan mo. Happy First anniversary baby.
Habang naglalakad ako sa mall,nadaanan ko ang isang malaking salamin. napahinto ako duon at tumitig sa aking sarili.
Ang pogi-pogi mo ngayon.Hahahaha.Paniguradong patay na patay nanaman sakin si Sam pagnakita ako nito.
"Miss na kita"
Para akong baliw na sinisipat ang buo kong katawan at ngingisi-ngisi sa salamin.
Pano ko ba dapat sabihin sa kanya to?
"Happy anniversary to you baby.flowers for you.wait there's more,here is your favorite chocolate baby."ang panget!!!baduy!
Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin parin sa salamin.Ngumiti nanaman ako sa salamin at muling nag practice ng sasabihin ko kay Sam
"Hi baby,happy anniversary.here's your chocolate and flowers.I miss you so much baby,I love you."napaka bakla ko naman kung ganun?aishhh!bahala nanga mamaya!
kinuha ko ang telepono ko sa bulsa at dinial ang number ni Sam.pero hindi nya sinasagot,nakatatlong tawag na ako pero wala parin.Nilagay ko nalang uli ito sa bulsa ko.Inis akong umalis nalang dun at nagpatuloy sa paglalakad.May mga nakakasalubong pa akong mga babae na tumitingin sakin at biglang ngingiti,ginantihan ko naman ito ng tipid na ngiti.Pero habang naglalakad ako nagulat pa ako ng makita ko si Sam na
masayang-masaya habang nakikipag usap sa isang lalaki.Parang bigla nanaman akong kinabahan at nanghina.Parang alam ko na to ah?
Baka naman kaibigan lang nya yun chad.wag kang praning!
Kinuha ko uli ang cellphone ko at tinext sya.Gustuhin ko mang tawagan sya at tanungin ko kung nasan sya ay
natatakot ako sa maaari nyang isagot.~❤️Baby❤️~
To:Hi baby,happy first anniversary^_^
Message sent.Tiningnan ko sya at napangiti ako ng makitang tingnan nya yun,pero agad ding nawala ang ngiti ko,ng isinilid nya agad yun sa bulsa nya.
Agad akong pumunta sa kanilang dalawa at ngingiti-ngiting itinago ang flowers at chocolate sa likuran ko at tinawag si Sam.
