Stay with you
Napabuga muna ako sa hangin bago pumasok sa library. Ayaw ko sanang pumunta dito dahil sa nangyari kahapon pero gusto kong magbasa ngayon.
Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang isang babae. Hindi ko pa nakikita ang kanyang mukha dahil nakatalikod siya.
"I'm waiting for you for ages. Rem, nasaan na iyung sinasabi ni mommy na ba-" naputol ang kanyang sinasabi at napakunot ang noo. Matalim niya akong tinignan at ngumisi.
"Well, well. Hello, miss. Mind if you tell me your name?" Sumandal siya sa lamesa at ipinatong ang kamay doon. Nangatog ang tuhod ko dahil sa tingin niya.
"I'm Jaliyah Castillano po, ma'am." Napalunok ako dahil hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Jaliyah? What are you doing here? I'm sorry to say but you cannot enter this room." She looked at me from head to foot like she's checking me out. She then rolled her eyes.
Napanganga ako. I cannot enter here? Paano ang trabaho ko? Ilang araw palang ako dito pero papalayasin na ako agad?
Magsasalita na sana ako nang may humila sa akin paloob.
"She's with me." Napataas ang kilay ng babae at biglang umaliwalas ang kanyang mukha dahil sa sinabi ni Rem.
"Ah, I didn't know! Oh my gosh!" Nagulat ako dahil tumawa siya nang malakas. Tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako. Nalilito kong tinignan si Rem na nakangiti lang.
"Omg! Nice to meet you, Lea! Your nickname is malayo kasi to you real name! I was so masungit tuloy." She pouted. Ngunit nawala iyun nang kinausap siya ni Rem.
"Why are you here, ate?" Tumingin sa kanya 'yung babae.
"Is it masama? I'm not here for you, dumb ass. I'm here for Lea. Kaya let's go na bebe." Hinila niya ang kamay ko para makalabas na kami ng library. Oh no! Magbabasa ako ngayon!
Pilit kong alisin ang kamay ko kaya mas hinigpitan niya ang pagkakahawak para hindi ako makawala.
Bakit ba ako laging nahihila sa pamamahay na 'to?
"I appreciate if you'll willingly come with me." Wala na akong nagawa kundi sumama.
Nakarating kami sa kwarto niya. Sobrang laki 'nun kaya wala akong ginawa kundi maglibot ng tingin.
"Maganda?" Napatango ako dahil sa sinabi niya.
"It's kind of lonely here though. Upo ka," tinuro niya ang sofa kaya umupo ako doon. Tumabi siya sa akin at biglang nagsalita.
"Do you like my brother Rem?" Napanganga ako dahil sa tanong niya. Hindi siya tumingin sa akin kaya isinarado ko agad ang bunganga ko.
Hatdog.
"Hey, did you hear me? Do you like him?" Siguro ay dapat hindi ako magsinungaling sa kanya. Nakakatakot masyado ang kanyang aura.
"I do not like him but I also do not, not like him. I just find him attractive, I guess?" Napanguso ako dahil 'yun naman ang totoo.
"Oh, but there still a possibility that you'll like him, 'diba?" Ngayon ay nakatingin na siya sa akin. Kitang-kita ko sa kanyang mata ang pagsusumamo.
"I think so? Lahat naman ay may posibilidad. Kung magustuhan ko po siya, ay 'edi magustuhan ko siya." Wala naman akong magagawa kung ganoon ang mangyari.
"That's all I want to hear. I'm sorry if I dragged you here. Thank you!" Bigla siya tumayo kaya napatayo na rin ako.
Sinamahan niya akong makalabas ng kwarto. Ngumiti siya sa akin at agad isinarado ang pinto.
BINABASA MO ANG
I Love You, Romeo
RomanceWill we be able to stay in love even with the odds? - Jaliyah Castillano Jaliyah Castillano is an orphan, so she's working to provide for herself. Everything was fine until she met Remington Madriaga, her employer's son. 05/19/2020