Care about me
Pagod akong bumalik sa kwarto at agad humilantad sa higaan. Ang alam ko ay alas-nuebe kami kakain ng hapunan.
"Si bebe Rem lang pala kumain kagabi kasi wala yung buong pamilya dito. Kung alam ko lang ay nakisabay na rin ako!" Tatawa-tawang humiga si Trisha sa sarili niyang kama. Napaupo ako nang may naalala.
"Hoy! 'Di mo man lang sinabi na sobrang gwapo ni Rem! At saka ba't may iniinom siyang gamot? Stress reliever?" Agad niya akong tinignan at umupo.
"Ay 'di mo alam? May siya sakit sa puso kaya hindi masyadong dinadala ng magulang niya sa mga parties. Baka mahimatay nalang si baby Rem ko." Niyakap niya ang kanyang unan at tila iniisip na si Rem iyun.
"Baby Rem? Jowa mo ba siya?" Tanong ko sa kanya. Kinakain ako ng kuryusidad ko.
"Hindi! Paano ko naman 'yun jojowain? Masungit! Baby Rem, kasi baby ko siya pero hindi niya lang alam~" kinanta niya iyun. Kinanta!
"Oh, okay then." Ngumuso ako. May jowa na kaya 'yun? Marami sigurong nagkakandarapa sa kanyan dahil sobrang gwapo niyo.
Tinawag kami aling Linda upang kumain. Nang nasa hapagkainan na kami ay nagulat ako na dalawampu't isang katulong ang nagtratrabaho dito. Kasama na kami ni Trisha 'don.
Nakikipagkilala sila akin dahil ako ang bagong salta. Mabait naman sila pero may isang katulong na tila ayaw sa akin. Her name is Rose.
"Rose, kamusta ang iyung pag-aaral?" Tanong ni aling Linda sa kanya.
"Okay lang naman po, mataas naman ang aking grado." Tumingin muna siya sa akin bago siya ngumisi.
Tumingin tuloy ako kay Trisha na abalang kumakain at nagtanong. "May problema ba sa akin?" Habang tinuturo ang sarili.
"Huh? Wala namang namang proble-" pinutol niya ang sinasabi at tinignan ang lalaking nasa unahan. "Good evening po, sir Remington." Nagulat ako sa kanyang boses kaya napatingin ako dito.
"Good evening." Tipid niyang bati pabalik kay Trisha. Napangiti ang kaibigan ko at ramdam ko ang nangingisay niyang kaluluwa. Sino ba naman hindi? Ikaw ba naman batiin ng isang Adonis.
"Good evening po, sir Rem." Ngiting-ngiting pagbati ni Rose kay Remington.
"Yup, good evening." Bati niya ulit habang nakatingin sa pagkain ko.
Wait. Sa pagkain ko ba? Ayaw kong mag-assume pero sa akin ata siya nakatingin? Pinilig ko ang aking ulo para mawala ang pagiging assumera ko. Itinuloy ko nalang ang aking pagkain.
Binati rin siya ng mga kasama ko.
"Ay, Rem! Ngayon ka lang ulit bumaba sa kwarto mo pagkatapos ng hapunan! Kumakain na kami. Gutom ka ba? Halika, at ipaghahain kita." Tanong sa kanya ni aling Linda.
Aling Linda, ako nalang po ang ihain niyo.
Natawa ako sa sarili kong iniisip.
"Hindi na po, may gusto lang akong tignan." Kumuha siya ng baso sa counter table at nilagyan ng tubig. Umalis na siya pagkatapos. Weird.
Napabaling naman ako sa katabi kong masayang kumakain.
"Anong gagawin mo mamaya?" Bulong ko kay Trisha. Hindi pa kasi ako sanay sa bahay na 'to. Baka mamaya may social gathering pala tapos 'di ako informed.
"Baka mag-aaral ako. Wala naman akong trabaho bukas. Ikaw?" Napatango nalang ako.
"Baka magbasa ako."
Nagligpit kami ng pinagkainan at pumasok sa mga sarili naming silid. Magbabasa nalang siguro ng mga libro.
Kinaumagahan ay wala akong magawa. Wala naman kasi akong trabaho ngayon. Pagkagising ko ng alas-siyete ay nag-aaral na si Trisha.
BINABASA MO ANG
I Love You, Romeo
RomanceWill we be able to stay in love even with the odds? - Jaliyah Castillano Jaliyah Castillano is an orphan, so she's working to provide for herself. Everything was fine until she met Remington Madriaga, her employer's son. 05/19/2020