CZARINA'S POV:
Maaga akong ginising ni mom para makapag-almusal, maaga din kase naming susunduin sila dad at kuya, palibhasa ayaw sa hospital ng evil brother ko baka daw mabaliw siya pero sa tingin ko baliw na talaga siya, kinakausap niya nga sarili niya nitong nakaraan e.
Nakapag-ayos na ako lahat lahat pero natutulala parin ako sa di ko malamang dahilan, siguro dahil kinakabahan din ako, or may something lang namagaganap ngayon araw? "Napaka-nega mo self, I HATE YOU NA.'
Hala nahahawa na yata ako kay kuya, hindi hindi, relax self...relax...
Paano ba naman ako mag-rerelax kung ako ang mag pre-present sa bago naming investor at higit sa lahat bigtime at kilala ang mga taong yun sa ibat ibang bansa hindi lang sa pilipinas.
"Hayst....." buntong-hininga ko.
"Lalim non, hija?" Nagulat pa ako sa pagkakasabi ni mom.
"M-mom naman...ba't nang'gugulat ka?" Gulat na sambit ko.
"Hindi kita ginugulat...kanina pa ako sa tabi mo...hija," tugon ni mom bago tumawa ng mahina, 'rinig ko kaya tawa mo mom' "ang lalim yata ng iniisip mo, czarina anak?" Tanong sakin ni mom, pagkatapos niyang tumawa.
'Ganon...ganon nalang diba?'
"Kinakabahan lang...po siguro...." nasambit ko nalang bago halikan siya sa pisngi at bago umupo.
Nakangiti lang akong tinignan ni mom, bago siya umupo, 'parang ang weird ni mom ngayon?' Tahimik lang kaming kumain ni mommy, hindi rin nagtagal ay natapos na kami at handa ng umalis.
Kahit sa byahe ay tahimik lang ako at ganon din si mom, nakakapanibago naman ito. Kadalasan kase makwento si mom sa lahat ng bagay, 'sabihin na nating madaldal si mom' ako na masamang anak, joke lang syempre, pero nakakapanibago ang awra ni mommy ngayon, medyo blooming din ngayon si mommy, sa sobra ko nang dami ng iniisip hindi ko na rin na itanong kung bakit kakaiba ngayon si mom.
Nakarating na kami sa hospital dito sa san lorenzo medical health center o sabihin na nating mas kilalang, SLMHC na pagmamay-ari ng kilalang doktor sa buong mundo, hindi lang itong ospital na uto ang pagmamay-ari ng doktor na iyon kundi napakarami pa, yung ang sabi ni dad, nakalimutan ko nga lang kung sino yung doktor nayun, 'lakas ko magkwento noh, di ko naman pala alam pangalan ng doktor na yun'
Anyway balik-ulit tayo, so papunta na kami ni mom sa kwarto ni kuya, at hanggang ngayon tahimik pa rin si mommy, as in walang kibo, nakangiti lang siya...yun lang?
'_' <---- itsuro KO habang tinitignan si mom.
AUTHOR NOTE: Mag-imagine ka nalang HAHAHAHAH wala namang kayo.
Nakarating na kami sa kwarto ni kuya kung saan siya na-confine kagabi at naabutan pa namin na nag-uusap si dad at kuya, TUNGKOL SAKIN.
"Trust your sister kasper, she can do it, and we already talked about that, last night, right?" Dad said with a serious tone of voice, at may nakikita na rin akong madilim na awra mula kay dad.
Halatang hindi ko na mabibiro si dad o mako-convince na magbago ang isip para sa presentation.
Hindi na nagsalita si kuya, nanahimik nalang siya at ganon din si dad, hanggang sa.... "Mag-aaway pa kayo'ng mag-ama dyan," basag ni mommy sa nabuong katahimikan. Nakangiti parin si mom.
"Ohh...hon nandito na pala kayo?" Biglang nagbago ang awra ni dad ng makita si mom, 'may something talaga.' Kanina lang sobrang dilim ng awra kanina, ngayon may rainbow na.
YOU ARE READING
we loved each other
RomanceThis story is about a woman that fall for a man that's so wealthy, handsome, and so kind of man. Paano kung sa umpisa ng lahat ay puro asaran at kulitan lang ang alam ng lahat (NILANG DALAWA?) na mauuwi sa crush? Like? And love? But one thing that...