CZARINA'S POV:Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Masakit rin ang ulo ko, parang mabibiyak. Gusto ko pa matulog!!!! Kahit gusto ko matulog ulit wala ako magawa dahil bukod sa sakit ng ulo ko ngayon, kinakatok na ako ni kuya. Istorbo talaga.
Unti unti akong bumangon kahit nakapikit parin ang mga mata ko. Gusto ko matulog. Nakarinig na naman ako ng sunod sunod na katok sa pinto ng kwarto ko. Ahhhhhhh nakakainis.
Minulat ko yung mata ko at unti unting tumayo mula sa higaan ko. Pumunta agad ako sa pinto upang pagbuksan yung Istorbo.
"Ano yun..." naiinis ako sa kaharap ko. "Aray!!!" Reklamo ko dahil sumasakit parin yung ulo ko.
"Tsk! Yan napapala mo." Aba pinagalitan pa ako, e siya nga yung namilit jan kagabi na uminom ako. Nakakaasar talaga.
Isasara ko sana yung pinto para makatulog ulit ako kaso hinarangan naman niya yung pinto. "Ano ba kase yun...gusto ko pa matulog." Naiinis na angil ko sa kaniya. "Aray ko...." reklamo ko ulit. Pinitik niya kase yung noo ko. "Ang sakit sakit na nga ng ulo ko, mamimitik ka pa." Masama ang tingin ko sa kaniya habang sinasabi yun pero ang evil brother ko nakangiti pa. "Ano?" tanong ko ulit.
"Do what I told to you, get it?" Nakakainis talaga. Mang-iistorbo para lang don. Tumingin ako sa kaniya ng masama at tumawa lang siya na parang ewan. Teka ano ba yung sinabi niya? Hindi ko matandaan. Tatanungin ko sana si kuya kaso nakaalis na siya.
Sinara ko yung pinto at dali daling pumunta sa banyo upang maligo. Masakit pa rin ang ulo ko, naparami yata yung inom ko kagabi. Paano ba naman nakakahiya kase kwenento pa nila kuya yung nangyare sa SVLM corporation. Yung nabangga ko si marco Saludja eh hindi ko naman alam na siya yung tinutukoy ni kuya na maging target niya for new investor e.
Ang higit pa na nakakahiya ay yung hindi man lang ako pinagtanggol ni ronny. Nakakainis. Ilang beses ko na ba nasabi yung nakakainis? Matapos ikwento nila kuya yung nangyare tawa ng tawa sila julia at ang iba. Lalo na si jin ang lakas ng tawa niya.
Sabi nila ganon daw talaga si marco, yung tipong may gulo na nakapoker face pa rin. Tsaka hindi naman daw talaga magsosorry yun kung wala siyang kasalanan. Goshh ako ba talaga may kasalanan kung bakit ako natumba? Kakainis. After non sa kahihiyan ay uminom ako ng beer. Lalo na si kuya todo bigay sakin ng alak, syempre ako naman todo din kuha. Ayun lasing. Matapos yun ay hindi ko na alam yung mga nangyare hanggang sa nandito na ako sa bahay at masakit yung ulo.
Nag-asikaso na ako ng mga gamit ko bago bumaba upang kumain. Sa pagbaba ko ay nakita ko si mom na kausap si kuya, tumingin sakin si mom at ganon din si kuya. Nginitian ako ni mom at hinalikan sa pisngi.
"How's your sleep hija?" Bungad na tanong sakin. Ngumiti lang ako. "You need medicine or anything hija?" Sunod na tanong nito. Umiling lang ako.
YOU ARE READING
we loved each other
RomanceThis story is about a woman that fall for a man that's so wealthy, handsome, and so kind of man. Paano kung sa umpisa ng lahat ay puro asaran at kulitan lang ang alam ng lahat (NILANG DALAWA?) na mauuwi sa crush? Like? And love? But one thing that...