CZARINA'S POV:
Umaga na at papunta na ako sa building namin, sigurado naman ako na marami na namang ipapagawa sakin ang secretary ni kuya, sabagay utos din naman ni kuya. Kahit ang aga ko pumasok at alam kong mapapagod lang ako sa araw na ito ay feeling ko parang ang sigla sigla ko, hindi ko alam kung bakit pero ang saya saya ko ngayon araw.
*blushing*
Malapit na kami sa building ng may tumawag sakin. Mas napangiti ako ng makita ko kung sino ang tumatawag sakin. Sinagot ko ito pero hindi ako nagsalita, nang hindi ako ang magsalita ay siya na ang nagsalita.
"Goodmorning miss beautiful." Sambit ng nasa kabilang linya. Napangiti ako.
"Bumabanat agad?" Natatawang sambit ko, natawa din siya.
"Hm..kinakamusta lang kita..masama ba 'yun?" Wika niya, natawa muli ako.
"Korni mo."
"Ano namang korni don? Hindi pa naman ako nag-jo-joke?" Takang sambit niya, mas lalo akong natawa. Pero sa loob loob ko kinikilig na ako. Alam kong walang korni sa sinabi niya, sadyang napapangiti at natatawa ako dahil sa presensya niya kahit nasa phone lang kami nag-uusap.
"Yung pagiging sweet mo," sagot ko. "Lalo na yung pagsasalita mo." Dagdag ko pa. Natawa siya.
"Kinikilig ka?" Sabi niya, mukhang nagblush pa ako. Hindi ako nakasagot agad dahil napangiti nalang ako ng hindi ko maintindihan. "She shuddered." Bulong niya sa kabilang linya, at rinig ko yun. Mukhang kinakausap niya yung sarili niya.
"I heard." Inis kunwaring sambit ko. Natigilan naman siya.
"You heard what?" Taka pang sabi niya kunwari kahit alam naman niya ang tinutukoy ko.
"Tsk!" Tampo ko kunwari.
"I'm just kidding..Im sorry." Paumanhin niya, napangiti ako.
Isa sa mga nagustuhan ko sa ugali ni ronny ay yung pagiging maginoo niya kahit sa ibang tao, kahit hindi niya kasalan siya pa talaga ang mag-so-sorry kaya nga siguro nagustuhan ko siya.
Oo gusto ko siya, bakit ba naman ako papayag na magpaligaw kung hindi ko siya gusto, diba.
Kagabi matapos magpaalam ni ronny kila mom,dad at kuya kasabay ng pagsasabi nito sa parents niya at sa akin ay puro tuksuhan ang nangyare sa amin, puro panunukso nila mom, dad, tito at tita, isama pa si kuya at ate Patricia, sabayan pa ng tawa ng magaling kong bestfriend, kaya hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko, o kung ano ang gagawin ko kagabi kase parang lahat ng kilos ko ay may meaning sa kanila. Samantalang si ronny ay nakangiti lang na nakaupo sa silya niya. Saming dalawa ako ang luge dahil si ronny halatang chill lang kahit tinutukso na kami. Buti nalang at mabilis din natapos ang dinner, pero kahit pala natapos ang dinner na yun, hindi pa rin pala ako pinaligtas kahit nasa byahe na kami at kahit pa nasa bahay na. Kaya ang ginawa ko nalang ay nagpalusot, na kunwaring pagod ako at gusto ko na magpahinga, kaya ayun nakawala din sa pang-aasar nila at panunukso.
Nakababa na ako sa kotse ay papunta na sa office ko, nagpaalam na rin si ronny kaya ibinaba ko na rin ang tawag, medyo may asaran lang kaming ginawa bago ko tuluyang ibaba ang tawag.
YOU ARE READING
we loved each other
Storie d'amoreThis story is about a woman that fall for a man that's so wealthy, handsome, and so kind of man. Paano kung sa umpisa ng lahat ay puro asaran at kulitan lang ang alam ng lahat (NILANG DALAWA?) na mauuwi sa crush? Like? And love? But one thing that...