Laylin's P.O.V
*Benson Rollo shared your post a few seconds ago
*Benson Rollo shared your post a few seconds ago
*Benson Rollo shared your post a few seconds ago
*Benson Rollo shared your post a few seconds ago
*Benson Rollo shared your post a few seconds ago
"ARGHHHH! WHAT THE HELL!" Malakas kong sigaw at palahaw dito sa kuwarto ko nang nakita ko ang notifications ko. Grabe ha, nag share siya ng post ko ng wala man lang react apaka kapal ng mukha niya.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at bumulagta ang galit na si mama. "Hoy ikaw Laylina, kung wala kang magawa pwede ba manahimik ka na lang hindi ka na nga tumutulong sa preparation ng birthday ng kapatid mo sumisigaw sigaw ka pa diyan."
I weirdly smile and I gave her a peace sign."Sorry ma, don't worry pupunta na ako sa baba para tumulong"
Hindi na ako nakipag argue kay mama kase alam kong pagod siya kaya napilitan na lang ako tulungan sila ni papa at nung mga kasama nila sa baba. Pag kaalis ni mama sa kuwarto agad naman akong nag ayos at bumaba.
I am Laylin Beltran, I am just 17 years old and I am an honor student and I graduated high school as a valedictorian. And yeah maarte akong nilalang at laki din ako sa layaw, gusto ko lahat ng hilingin ko ay ibibigay sa akin. And about my status? I am single, at di pa din ako nakaka move on kay Felix, kahit 5 months na kaming hiwalay, kaya lagi akong nag papalano on how to make his and his new girlfriend's life misirable, at mapile ako pag dating sa lalake at simple lang naman ang ideal guy ko. Yung may makapal na kilay, matangos na ilong, matangkad, mabait at maginoo.
Pag- kababa ko sa hagdan namin agad bumungad sa akin ang pagmumukha ng panget kong kapatid. Aasarin ko na sana siya kaso tinawag ako ni mama.
Birthday na niya bukas siya ang mas matanda sa akin kase mag 19 na siya bukas at pinag hahandaan namin yung birthday party niya. Di naman ako naiinggit konti lang pero okay lang naman, dahil pinangako ni papa sa akin na mas bongga daw ang debut ko kesa kay ate Krilyn.
Nang nasa kusina na ako I start to wrap shanghai since ito lang naman yung kaya kong gawin.
At dahil na bored ako kinuha ko yung phone ko sa taas para i- stalk yung Benson Rollo na yon. Pag kakuha ko ng phone ko ay bumaba na agad ako at ayan na naman si mama nakabungad yung galit niyang mukha.
"Ikaw ba talaga laylina hindi na mag titino? Diba pinag babalot kita ng shanghai? Tingnan mo kinain na ng pasaway mong aso yung binabalot mo?" Hell nah ang pasaway na asong yon
Agad akong pumunta sa kusina at tiningnan yung shanghai at nagulat ako ng bumulagta sa akin ang isang ngumunguyang aso agad ko siya binugaw at nakita ko siyang umakyat at pumunta sa kuwarto ko.
"Laylina halika dito saglit!" Sigaw ni mama dahilan naman para pumunta ako sa sala namin kung saan naka upo si mama.
"Alam mo na ang kasunod nito." Seryosong sabi ni mama at napa simangot naman ako sa kanya at binigay yung phone ko.
"Mama sorry na kase di na mauule-" Di ko na natapos yung sinasabi ko nang bigla siyang nag salita.
"You can not use your phone until the birthday party of your sister is over." Agad naman nanlaki ang mata ko at napatikad. Mag sasalita pa sana ako kaso tumalikod na si mama.
Now what? ano na gagawin ko? wala akong phone at di naman ako mahilig mag basa ng books. Na sa kuwarto ko ako ngayon habang nakahiga at nilalaro si gin ang aso ko.
At dahil bored ako tumayo ako sa pagka higa ko at iniwan si gin sa kuwarto. Agad akong tumakas sa bahay since may pera naman ako ay mag mamall na lang ako.
Pag- kadating ko sa mall agad ako pumunta sa The real tea at umorder ng wintermelon at umupo na agad. Habang umiinom ng milktea ay inalala ko ang mga kagagahang ginawa ko sa ex ko at sa girlfriend niya.
--flasback--
*4 weeks after me and Felix broke up, nang mabalitaan ko na may bago na si Felix agad kong ini- stalk yung babae at nalaman ko na Briana Herrera pala yung pangalan niya. And because I want to make their life miserable, I ask my friend to hack Briana's facebook account. And after that I posted many bad stuffs at Briana's facebook account.
*At dahil hindi pa din nagpapalit ng password si Felix I opened his account, and I am totally shocked by an unexpected event. Nag se- send ng nudes si Briana kay Felix. Kaya I make a dummy account sa twitter at ipinakalat ko lahat doon ang nudes ni Briana.
*At dahil di pa din ako nakokontento sa pangugulo sa kanila, Pinakulam ko si Felix at hindi ako nabigo bumukol ang tiyan niya at lumobo din ang mga daliri niya pero It also last for 3 days.
--end of flash back--
At dahil hindi pa din ako nakokonteto ay nag iisip pa ako ng madaming pakana para guluhin ang buhay nilang dalwa.
Pagkatapos ko mag milk tea ay pumunta ako sa National Book Store para tumingin ng libro. Pagdating ko sa NBS ay nag hanap hanap na ako ng libro pero wala akong makitang maganda, kaya naisipan ko na lang umalis.
Nang papalabas na ako sa mall, nagulat ako sa nakita ko. NANDITO SINA MAMA AT PAPA. Agad naman akong pumunta sa super market para mag- tago. At nang nakalampas na si mama at papa ay kumaripas ako ng takbo at may nabangga akong tao. May name plate siya sa may dibdib na part niya at nakita ko yung pangalan niya "Benson Rollo".
Kakausapin ko na sana siya kaso umalis na agad siya, grabe di man lang nag sorry.
At dahil sumakit ang tiyan ko sa milktea dahil madami dami akong nainom. Naglakad na lang ako.
Habang nag lalakad ay inaalala ko yung Benson Rollo sayang di ko nakita yung mukha niya kase naka face mask siya, nawala ang pag iimbistiga ko kay Benson nang may nararamdaman akong kakaiba. I felt watched. Hindi ko alam pero parang may kung ano ang nag maman man sa akin. Siguro ay muni muni ko lang iyon kaya di ko na pinansin.
Nang malapit na ako sa bahay Na fe- feel ko na naman yun feeling ko kanina, It's so strange parang may sumusunod sa akin kaya kumaripas na ako ng takbo kahit masakit yung tiyan ko.
Nang makarating ako sa amin dumeretso agad ako sa banyo at nag hilamos. Nang tumingin ako sa salmin, may nahagip ang mata ko na kulay asul na bagay at may bumulong sa akin na robotic na boses "ikaw ang pag asa namin".
"AHHHHHH MAMEEE HELPPP" Napasigaw ako sa takot at kumaripas ng takbo sa kuwarto ko. habang tumatakbo ako di pa din mawala yung nag sasalita at paulit ulit na sinasabing "ikaw ang pag- asa namin" Nang papa akyat na ako ng hagdan ay bigla akong natapilok at nag pagulong gulong sa hagdan.
Nang maramdaman kong tumigil na ako sa pag gulong narinig ko ang mga tao sa amin ay nag kakagulo sa nangyari sa akin at ng walang pakundangan ay nawalan na ako ng malay.
---------------------
[A/N: Hi guys pa VOTE and COMMENT naman po hihihi]
-matabang_baboy
BINABASA MO ANG
Red Skies Over The Future
RomanceAng pagmamahal ay isa sa pinakamahalagang bagay sa ating mundo, may karapatan ka mag mahal at may karapatan ka din mag mahal. Ang bagay na ito ay ang makakapag bigay sa iyo ng lubos na saya. Ngunit paano kung ang taong mag bibigay sa iyo ng pagmamah...