*Nakatayo ako ngayon sa kawalan, lahat ng lingunan ko ay kulay puti lamang. At laking gulat ko nang may bata na kmulbit sa akin.
"Ikaw, ikaw na lamang po ang pag asa namin." Ang sabi nung bata na sobrang puti may kulay asul na mata matongos na ilong at mapulang labi.
"Where Am I?" Tanong ko dun sa bata pero di niya ako pinansin at tinuloy niya ang sinasabi niya.
"Ikaw na lamang po ang makapagliligtas sa amin." Sabi nung bata habang bakas sa mukha niya ang pag mamaka awa.
"Huh? Ano ba sinasabi mo? Nasaan ba ako?"Ma- uyam kong tanong sa kanya at tulad ng kanina di na naman niya ako pinansin.
"Ikaw na lang ang makakapag bigay ng kapayapaan sa amin." Ang sabi nung bata habang papalayo kami sa isa't isa.
Kahit malayo siya ay naririnig ko pa din ang boses niya at paulit ulit niyang sinasabi ang mga katagang "tulungan mo kami".
Nang hindi ko na siya matanaw ay bigla na lamang dumilim ang buong paligid at nawalan na din ako nang malay.*
"Anak gising ka na ba?" Isang pamilyar na boses ang gumising sa akin. Nang maimulat ko ang mata ko nakita ko si mama na may nag- aalalang mukha. Nandito ako ngayon sa kuwarto ko.
Isang panaginip lang pala yung nasaksihan ko.
Bigla na lamang akong naluha at automatic na napayakap kay mama. At agad akong tumayo pero hindi ko kaya.
"Anak kaya mo na ba tumayo?" Tanong ni mama at napailing naman ako.
Pero bakit? Anong nangyare sa akin? Bakit ako napilayan?
Ang huli ko lamang naalala ay may kung anong bumubulong sa akin, at tumakbo ako papakyat ng hagdan at natapilok ako.
OMG. This can't be happening.Tapos na birthday ni ate, sayang yung damit ko ang ganda pa naman.
Hinawakan naman ni mama ang mukha ko at iniharap sa kanya. "Don't worry, di naman daw ganon ka tindi yung nangyari sa iyo. A few weeks lang ay maaayos na din yan" Sabi naman ni mama at sabay ngiti.
"Thanks mom" Yan na lamang ang sinabi ko sa kanya.
Hinalikan niya naman ako sa noo sabay lumabas ng kuwarto.
I wonder, ano kaya ang meron dun sa bulong ng bulong kahapon at yung panaginip ko kanina. Kase feel ko isa lang pinaparating ng mga yun eh.
A few minuets later, na bored ako. Madaming libro dito sa kwarto ko na binili nina mama para sa akin pero pang display lang talaga sila.
Kaya I decide na gawin yung gawain ko sa tuwing na co- confiscate yung cellphone ko. Ano pa nga ba edi kuhanin ko sa pinag taguan at itakas ko,since tapos na naman birthday ni ate baka pwede ko na ding kuhanin yun, di naman nila binabago pinagtataguan nila ng phone ko kaya alam ko na at di naman nila nalalaman na kinukuha ko yung phone BWAHAHAHAHA.
Nang nasa kwarto na ako nila mama para kuhanin ang phone ko. bigla akong natapilok at shete andiyan na naman yung bulong. Hindi ko na lamang ito pinansin at kinuha ko na lang ang phone at bumalik sa kuwarto ko.
Natatakot man ako sa mga oras na ito, binalewala ko na lang ang takot na iyon, humiga na lamang ako sa kama at kinalikot ang phone ko and I click happily ever after.
Friday na ngayon, isang araw na nang makalipas ang birthday ni ate. Papunta kami ngayon sa museum kase nagyakag yung ate ko, hindi sana ako sasama pero pinilit ako ni papa.
Nandito na kami sa "National Museum Of The Philippines" at anlaki nung lugar as in.
Pagkapasok namin agad kumuha ng map sila ate at mama. at kumaripas sila ng takbo. Mahilig din kasi si mama sa mga museum at syempre si ate masyado siyang makaluma kaya gusto niya lagi alikan yung mga nangyari na.
Kami naman ni papa naiwan sa may entrance at para kaming istatwa duon na hindi gumagalaw.
"Anak? Sunod tayo kila mama at kila ate Krilyn mo." Sabi ni papa sa akin pero wala ako sa mood mag lakad kaya nag paiwan na lamang ako.
"Sige papa, sumunod ka na sa kanila, pupunta na lamang ako sa library." sabi ko nalamang kay papa at nag hiwalay na kami ng daan, pumunta siya kina mama at ako naman ay patungo sa library.
Since tinatamad ako mag lakad ay pumunta na lamang ako sa library naiwan ko kasi phone ko sa amin. Kahit wala akong hilig sa pag babasa, no choice ako haystt.
Pagkadating ko sa library pumili ako ng libro, at since mahilig ako sa science, yung "A Study of Sky by Dervert A. Dowe" at umupo a agad ako para mag basa.
mga 20 minuetes na ako nag babasa patapos pa lamang ako sa chapter 4 pa lamang ako which is about constellations. Nang pag kabuklat ko sa chapter 5 namangha ako sa nilalaman nito, it's all about the color of sky.
"Red sky at night, sailors delight.
When we see a red sky at night, this means that the setting sun is sending its light through a high concentration of dust particles. This usually indicates high pressure and stable air coming in from the west. The red sky signifies a forthcoming beautiful night, whereas a morning red sky signifies impending bad weather. And it also symbolize love, never ending love. The the light symbolize the love and the sun and moon symbolize the lover, when the sun is out there is the moon to give you light."
Pagka tapos ko sa chapter 5, iniangat ko ang ulo ko at iniikot, at nakita ko si ate Krilyn na siguradong hinahanap ako.
"Lylin, tara na daw mag 1:00 pm na, may pupuntahan pa daw sila mama at papa mamayang 3:00 pm." Sabi ni ate Krylin sa akin at sumunod na lamang ako dahil inantok ako sa pag babasa.
3:45 pm na ngayon wala sina mama at papa at si ate naman nasa kuwarto niya kasama mga barkada niya. Pa lowbat ang cellphone ko at tinatamad na naman ako. Kaya napag desisyonan kong pumunta sa mall para makita yung Benson Rollo na yon.
Sumakay ako ng taxi papunta sa mall, mura lang naman pamasahi.
"Mam saan po tayo?" Tanong nung driver
"Sa SM po kuya" Sagot ko naman at tumitig na lamang sa cellphone ko.
10 minuto na ay di pa din kami nakakarating sa mall, eh di naman kalayuan yon sa amin. Nang sumilip ako sa labas ay napansin ko na iba ang pinupuntahan namin.
KIKIDNAPIN NIYA BA AKO?!
Agad kong tiningnan yung mukha ng driver at laking gulat ko ng makita ko na mukha iyon ng isang bata.
"Who are you? Why do you bring me here?" Mangiyakngiyak kong tanong sa kanya.
"Relax lang po ate kumapit lang kayo ng mahigpit". Sagot nung bat ana nag di- drive na may robotic voice.
OH MY GOD, KABOSES NIYA YUNG BUMUBULONG SA AKIN.
"OMG, pakawalan mo na ako bibigay ko na lang lahat ng pera ko sa-" Di ko na natapos ang sinasabi ko ng tumigil kami sa isang maliit na espasyo at nakaharap kami sa pader.
Umatras yung taxi na sinasakyan namin at laking gulat ko ng may isang parang portal ang nag bukas dun sa pader.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla tinapakan nung bata yung gas, at humarurot ng mabilis yung kotse.
Napahawak na lamang ako sa kung saan at mamaya'y nawalan na lamang ng malay.
---------------------
[A/N: Hi guysh! thank you sa patuloy na pag babasa HAHAHA sorry sa mga typo at maling grammar.
Credits nga pala sa kinuhanan ko ng meaning ng red sky.
Please leave a COMMENT and VOTE before living. THANKYOU.]
![](https://img.wattpad.com/cover/225916006-288-k314743.jpg)
BINABASA MO ANG
Red Skies Over The Future
RomanceAng pagmamahal ay isa sa pinakamahalagang bagay sa ating mundo, may karapatan ka mag mahal at may karapatan ka din mag mahal. Ang bagay na ito ay ang makakapag bigay sa iyo ng lubos na saya. Ngunit paano kung ang taong mag bibigay sa iyo ng pagmamah...