Prologue

100 4 5
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved to frauiiipops ©️ 2020

* * *

Ang sakit... ang sakit na talaga.

Gusto kong umiyak pero ni isang butil ng luha ang gustong lumabas.

Ginawa ko naman ang lahat ah pero ba't hindi pa rin nawawala iyong sakit?

Masakit eh...

Ang sakit na ng tiyan ko!

Kanina pa itong tumutunog dahil sa gutom. Pwede bang mag fast forward to lunch break? Pwede ba?

I took a glance at my wristwatch. 11:00 a.m.

"Thirty minutes. Thirty minutes nalang, Bleu, and you'll finally get to eat lunch. Kapit ka lang dyan," wika ko nang mahina sa aking sarili habang nakapikit ang mga mata.

The one thing I can do whenever I find myself in situations like this—hungry and impatient—was to talk myself out of it. This way, I can calm my nerves and my raging stomach.

Tinitiis ko lang naman ito dahil sa dalawang rason. Una, ongoing pa ang klase namin sa Gen Bio kaya bawal kaming lumabas para bumili ng pagkain. Same rule applies to all subjects kaya hindi nga ako nakakabili ng snacks. Wala rin kaming break time on Mondays. Pangalawa, last period na rin namin 'to for this morning kaya pagkatapos, didiretso na agad ako sa cafeteria and I'll make sure to treat myself with all of my favorite food na naroroon. ALL of it. Lasagna, blueberry cheesecake, ube milkshake—

Naputol ako sa pag-eenumerate ng mga paborito kong pagkain nang maramdaman ko ang mahinang pag tapik sa aking balikat.

I fluttered my eyes open to see who it was and to my surprise, it was the one and only Alexis de Castro, ang basketball team captain at ang siya ring nakaupo sa harap ko.

May inabot siyang folded ½ crosswise paper bago napatingin sa taong nasa harapan niya. Napadako naman ang atensyon ko sa babaeng naroroon. She was facing the board na para bang nakikinig talaga ito kay Ma'am Gonzalo pero sa totoo, bored na ito kaya nagpadala ng sulat.

"Uhm, Ro-rosetta asked me to give it to you."

Akmang kukunin ko ang papel nang mapatigil ako. Naagaw ang aking atensyon sa namumulang tenga ni Alexis nang mabanggit nito si Rosie.

Hmm, someone's got a crush. I mentally smirked at the thought. Obvi naman eh. May nabasa kasi akong article noon na natural na namumula ang tenga ng isang tao o ang pisngi kung ito ay nakakaramdam ng extreme emotions tulad ng kilig o hiya.

I reached for the paper and pursed my lips to hide the smile forming on my face. "Got a crush on my best friend, huh?"

Alam kong nagitla si Alexis sa tanong na iyon dahil bigla na lamang siyang nasamid sa sariling niyang laway at nagpakawala ng magkasunod na ubo. Mukhang malakas rin iyon dahil nakuha namin ang atensyon ng lahat, pati na rin iyong subject teacher namin.

Nakatutok sa banda namin si Ma'am Gonzalo habang nakataas ang isang kilay nito. Nagsusulat pala siya sa blackboard ng terms at napahinto ito nang marinig niya ang pag-ubo ni Alexis.

Shoot, kinakabahan ako. Okay lang naman si Ma'am pero hindi niya gusto na may nag-uusap habang siya'y nagdi-discuss sa harapan. Lagot kami rito kung sakali kami ay mahuli.

Paper AirplaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon