EPILOGUE

23 1 0
                                    

Lumipad ang apat ng lumipad pa-itaas . Animo'y mga bulak na nakalutang sa ere ang mga ulap . Napakalamig ng hangin dito .

Natigilan sila Fritz at Trix ng biglang bumitaw sina Mantus at Mania sa kanila . "Bakit ? Hindi kayo sasama ?" malungkot na tanong ni Fritz .

"Hindi kami pwede sa itaas .. Hindi kami -- " hindi na natapos ang pagsasalita ni Mania ng yakapin sya ni Fritz .

Naluluha na yumakap si Trix kay Mantus . Ayaw nyang mawala ito . Pero parehong naka-isip sina Trix at Fritz nang ideya . Hinigpitan nila ang kanilang yakap sa dalawa . Kapwa nila tinanggal ang mga bagay na pumipigil sa kanilang mga kapangyarihan at animo'y mga jet na mabilis na lumipad pa-itaas .

Hindi makapalag ang magkapatid . Wala ng pakialam ang dalawa kung hindi sila patawarin ng mga anghel sa itaas . Wala silang pakialam kung maipadala sila sa kung saan dahil sa paglabag sa batas ng mga ito . Ang mahalaga ay ang makasama nila ang kanilang minamahal .

Nakarating ang apat sa tarangkahan . Ang tarangkahan ng kalangitan . Tumingin ang magkapatid na sina Fritz at Trix sa kanilang mga katipan na may luha sa mga mata . Alam nila ang mangyayari pag nagkamali sila .

Kapwa nila pinikit ang kanilang mga mata at itinapat ang kanilang mga kamay sa kanilang dibdib . Kasabay nito ang paglabas ng animo'y bola ng ispiritu mula dito . Ang ORB OF LIFE , ANG KEYS .. Ang mga susi para sa kaligtasan at kapahamakan ng mundo . Inialay nila ang mga iyon sa tarangkahan .

At animo'y hinigop ng tarangkahan ang mga iyon . Kasabay ng pagkawalan ng malay ng dalawa .

Oo .. Nailigtas nga ang mundo .. Pero maililigtas ba ang dalawang ito ?

[ A.N : Salamat po sa pagbabasa ng book two ng TSN.  Dahil dyan , I will offer you a special volume . Kilalanin ang Clovers sa TSN : The Clovers . ]

The Gates (The Guardians #2) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now