Chapter 1

24.2K 576 91
                                    

CHAPTER 1

CLARA

"Sasama ka sa akin, Carl?" tanong ko kay Carl na prenteng nakaupo sa sofa pagkababa ko galing sa taas. Nag-angat siya ng tingin at tumango saka mabilis na tumakbo sa kwarto niya. Siguro'y magbibihis. Umupo muna ako sa sofa at nagkalikot saglit sa cellphone.

Nang makababa na si Carl, tumayo na rin ako at nauna nang lumabas. Tumingala ako at napansin ko ang pagdidilim ng langit. Sana huwag umulan.

Medyo matagal na rin kaming hindi nakabisita sa puntod nina Lola at Lolo. Alam kong bukas pa ang undas pero mas mabuti nang maaga kami para hindi siksikan sa loob. Sa ngayon, kami lang ng kapatid ko ang nandito sa bahay. Both my parents are working abroad tapos 'yong mga grandparents ko naman ay pareho ng patay.

"Ate, may tanong ako," biglang bulalas ni Carl.

"Ano 'yon?" sagot ko habang nakatingin pa rin sa daan.

"Nakakita ka na ba ng multo?"

Nagulat ako sa tanong niya kaya napalingon ako. Pero nang seryoso lang ang kanyang mukha ay natawa ako.

"Bakit mo naman natanong?"

He shrugged and averted his eyes outside the window. "Wala lang. Gusto ko lang malaman. I just remember Lola told me before na nakakakita ka raw ng multo." Napatango ako sa naging sagot niya.

Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong niya dahil nakarating na kami sa destinasyon namin—sa sementeryo kung saan nakalibing 'yong grandparents ko.

"Ikaw na magdala nitong bulaklak," utos ko sa kanya pagkababa ng sasakyan. Nauna naman ako dala ang dalawang box ng hopia. May mangilan-ngilan ding tao na gaya namin, maagang bumisita para makaiwas sa siksikan bukas.

'Yong grandparents ko sa father's side ay nasa probinsiya while 'yong sa mother's side ko lang ang nandito sa Manila na mabibisita namin kapag may pagkakataon. Pero kapag pumupunta naman kami sa probinsiya, bumibisita rin naman kami sa puntod nila para siyempre kumustahin sila.

Pagkarating namin sa puntod nina Lola at Lolo, napangiti agad ako pagkabasa ng pangalan nilang nakaukit sa lapida.

"Ilapag mo na 'yang mga bulaklak, Carl," sabi ko.

Kumuha ako ng dalawang kandila at sinindihan 'yon bago nilapag sa ibabaw ng lapida.

"Kumusta na kayo, 'La at 'Lo? Okay lang naman siguro kayo riyan, 'di ba?" nakangiti kong sambit. It always feels good talking to them as if they're still alive. They may be gone, but in my heart, it feels like they're still alive. Their presence is always there.

Kinuha ko ang dalang hopia at nilapag din iyon. "Ito nga pala, hopia. Alam kong paborito ninyong dalawa 'to." Tumawa ako. Para na siguro akong baliw rito.

"Miss na miss ko na kayo, 'Lo, 'La," I mumbled sadly.

I remember the days. Close na close kasi ako kina Lola at Lolo kaya hindi ko maiwasang hindi maging emotional. Miss na miss ko lang talaga sila.

"Sorry rin kung minsanan na lang kaming makabisita. Huwag kayong mag-alala, kapag may time ulit kami, bibisitahin namin kayo."

Hinaplos ko ang lapida nilang dalawa habang suot ang malawak na ngiti sa labi.

"Mauuna na po kami, 'Lo, 'La. Sa susunod ulit," galak kong paalam at tumayo. Nilingon ko naman si Carl na nakatingin na sa akin. Ngumiti ako sa kanya.

"Kanina ka pa? Tara na?"

Hindi siya sumagot at tumango lang. Bago kami umalis sa lugar, nilibot ko muna ang kabuuan ng sementeryo. May mga iilang kaluluwa akong nakikita which is normal na sa akin. I mean, sanay na ako kasi halos araw-araw ko rin silang nakikita.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon