Chapter 13

4.9K 246 17
                                    

***

BRIGHT

Nakatitig lang ako kina Haze at Clara na nag-uusap. Nandito kami ngayon sa kwarto niya kasi pupunta na naman kami ulit sa bahay namin to talk to my parents, hopefully.

Halos lagpas isang buwan na rin simula nang makilala ko sina Haze at Clara at ngayon, we're near to finding the truth about myself. Ang katotohanan na matagal ko ng gustong malaman. Kung tutuusin, dapat alam ko, e. Kaso, hindi ko alam kung bakit wala man lang akong matandaan o maalala sa mga nangyari sa buhay ko. Normal ba talaga ang ganito?

"Magiging okay ka naman, 'di ba?" tanong ni Clara. Haze stared at the necklace. Nasa palad niya iyon. He gazed up and meet Clara's eyes. "I'm sure I'll be fine."

Itinaas na niya ang kuwintas at marahang isinuot. Bigla namang may kumatok sa pinto kaya nabaling ang pansin namin doon. Mabilis na pinuntahan ni Clara iyon at binuksan at niluwa nito si Carl.

"Ate, gusto ka makausap ni Mama," sabi ng kapatid niya. Clara looked at us and excused herself.

Naiwan kami ni Haze sa kwarto. Hinawakan niya ang kuwintas na nasa leeg at mariing pinagmasdan 'yon.

"Nandito ka ba, Bright?" he called.

I smiled at him. Sinuyod nito ang buong kwarto para hanapin ako. "Oo. Nandito ako," sagot ko kahit hindi niya naririnig.

Huminto siya sa ginagawa at saka bumuntong. Marahan niyang sinara ang kanyang mga mata and I saw how his mouth mumbled something. Nanatili naman ako sa kinauupuan at nakatitig sa kanya. Mas ngumiti pa ako nang makita ang pagkunot ng noo at pagtagpo ng mga kilay niya.

"Cute."

Mabilis akong napailing matapos marealize ang sinabi. Ano ba ang pinag-iisip ko? Umiling ulit ako. Okay lang naman 'yon. Bakit? Bawal na bang magsabi ng cute sa kapwa ko lalaki?

Tinuon ko na lang ulit ang pansin sa kanya at hindi na pinansin ang iniisip. Marahan niyang minulat ang kanyang mga mata.

"Bright?" tawag niya.

Unti-unti siyang gumalaw kasi nakatingin siya kabilang side. Umikot siya para hanapin ako hanggang sa huminto siya and our gaze suddenly met each other. Kumurap siya at matagal na tumitig sa akin. Awkward akong ngumiti.

"B—Bakit?" tanong ko na nang nakatitig lang talaga siya sa akin. Hindi siya sumagot at bigla na lang napahawak sa kanyang ulo. Mabilis akong dumalo. Napaluhod siya sa sahig habang hawak-hawak pa rin ang kanyang ulo.

"Haze!" tawag ko. Mabilis na nilgay ko ang ulo niya sa kandungan ko bago pa man ito bumagsak sa sahig.

"O—Okay ka lang ba?"

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kanya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatigil ako sa ginagawa. Nagulat pa ako dahil nahawakan niya ako but I didn't mind it.

"B—Bright?" mahinang tawag niya.

Humigpit ang kapit niya sa kamay ko. And that moment, alam ko na sa sarili ko. Alam ko na sa sarili ko na may nagbago. Alam kong may nag-iba sa pagtingin ko sa kanya.

The door opened kaya napunta ang tingin ko roon.

"What happened?!" Clara asked hysterically. Nag-aalala.

"Hindi ko alam. Bigla na lang siyang nahimatay after staring at me for minutes," paliwanag ko kay Clara na nakahawak na ngayon sa kamay ni Bright.

Inalalayan ko siya para maitayo si Haze at maihiha sa kama. Nang maayos nang naihiga si Haze, Clara sat near him and planted a kiss on his forehead.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon