Chapter 7

6K 296 14
                                    

***

CLARA

Sinara ko na ang pinto ng sasakyan ni Haze. Bright is with us. Sumama na siya sa amin dahil sabi nga ni Haze ay tulungan namin siya.

Nakasandal si Haze sa sasakyan habang ako ay tahimik lang at nakahalukipkip. Hanggang sa binasag ko na ang katahimikan.

"How are we going to help him?" I asked. Kung ako nga, e, walang nagawa no'ng una para tulungan siya pero heto, we're at it again.

Alam ko naman na may paraan pa ako, but that's not included in my choices kasi hindi pwede. Pero may iba pa bang paraan?

"Ikaw? Ano sa tingin mo? How can we help him?" balik na tanong sa akin ni Haze. Napabuntong ako at naglakad papasok sa loob ng bahay. Haze followed.

Mabilis akong umupo sa sofa at napaisip.

"Wala akong ibang maisip na paraan sa ngayon. I tried last time. Wala akong alam so hininto ko na lang," malungkot kong sabi. Bigla namang pumasok sa isipan ko ulit na what if gamitin ko na 'yong mga gamit ni Lola? I shook my head in contemplation.

"Family niya? Bahay nila? School na huling pinasukan niya? Wala?"

Napatitig ako sa seryosong mukha ni Haze and I slowly nodded. Sa mga binanggit niya, I couldn't get a hold of any information about it.

Tahimik siya na umupo. Napalingon naman ako kay Bright na kapapasok lang. I smiled halfway bago ko ginawi ulit kay Haze ang pansin.

Tahimik lang kami. Tanging paghinga ko lang ang naririnig ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at napahilot ako sa sentido ko. Paano kapag ginamit ko 'yong mga kagamitan ni Lola? Will it really help us?

Tumayo ako nagpabalik-balik sa paglalakad habang nasa malalim na pag-iisip hanggang sa makapagdesisyon na ako. Mabilis na tumakbo ako paakyat. Tinawag pa ako ni Haze but I didn't listen and just went in front of my Lolo and Lola's room. Huminto ako at napatitig sa pinto. Walang sabi-sabi ay binuksan ko ito. Bumungad agad sa akin ang tahimik na kwarto.

Bumungad sa akin ang nakaayos na puting kama. Napadako ang mga mata ko sa bedside table. Nakapatong doon ang litrato nina Lola at Lolo at syempre, nang litrato namin.

A huge cabinet is placed in front of her bed. An antique cabinet. Nakabuhayhay din ang puting kurtina sa pintuan palabas sa veranda, tinatangay ng hangin. Napabaling naman ako sa orasan at mga picture frames na nakasabit sa ibabaw ng kama niya.

Umupo ako sa paanan ng kama at bigla na lang akong nakaramdam ng pagka-miss. But I am also happy kasi I was able to make good memories with her habang nandito pa siya. Sila ni Lolo.

Tumayo ako at lumapit sa cabinet. Alam kong dito nakatago ang mga gamit ni Lola. Gusto ko sana siyang kausapin pero hindi ko naman alam paano kasi sa tingin ko, umakyat na ang kaluluwa ni Lola sa langit at sa tingin ko'y magkasama na sila ni Lolo.

Unti-unti kong binuksan iyon at tumambad sa akin ang mga damit ni Lola at Lolo. Sinuyod ko ang loob ng cabinet hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang dalawang box sa baba.

I bent down at agad kong hinila iyon. Sa takip ng box, may nakasulat na bawal galawin. Nangiti ako kasi pamilyar sa akin ang guhit kamay which is kay Lola.

Umupo ako sa sahig at mabilis na inalis ang takip. Tumambad sa akin ang mga maalikabok na mga lumang libro.

Bigla ko namang naalala 'yong time kung saan ginagamit pa ni lola ang mga 'to. Nagkukwento kasi si Lola sa amin no'ng buhay pa siya. And palagi kaming excited tuwing nagkukwento siya ng mga experiences niya.

Tinabi ko ang nabuksan kong box at kinuha ang isa pang box. Mabilis ko itong binuksan at mga maliliit na box agad ang tumambad sa akin sa loob. Naka-arrange ito. Magkakaiba ang kulay ng kahon. Iniingatan talaga masyado ni Lola 'tong mga 'to.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon