Chapter 1

8.1K 157 29
                                    

PIRSA ACADEMY



DISCLAIMER: This story is a fiction. I apologize for the wrong grammar and some offensive words. I will try my best to edit this story so that you will understand it well.



Enjoy reading!











********


Presko...


Mahangin...


Maaliwalas...


Mapayapa...


Masakit...



Masakit. Masakit? "Aray, putik!" Kinuha ko agad ang langgam na nasa paanan ko at saka tinapon. "Masakit ha awit ka,"




Kasalukuyan akong naka-upo sa pinag tatambayan kong puno ng Acacia dito sa gubat. Dito ako madalas nagpapalipas ng oras sa t'wing naalala ko ang lolo at lola ko.



"Lolo.. lola, miss ko na po kayo, masaya po ba riyan? " Saad ko habang nakatingin sa langit.



Natawa ako nang mapansing may namumuong luha na naman sa aking mga mata.



"Ano ba 'yan. Hindi ka pa ba titigil?" Sabi ko, kausap ang sarili. Madalas ko nang kinakausap ang sarili ko. Nababaliw na ata ako. Natawa ako ng sarkastiko.


Namatay ang lolo't lola ko nang dahil sa mga Semon na lumusob rito upang sakupin ang aming lugar. Ang aming teritoryo.



"Ash? Sabi na nga ba eh, nandito ka." Pinunasan ko agad ang luha ko bago humarap sa kaniya. Hindi na'ko nagulat nang dumating siya. Lagi naman siyang narito upang sirain ang araw ko. Bwisit!



"Ay, hindi. Ilusyon mo lang ako, oo." Ngumiti ako sa kaniya ng sarkastiko. Inambahan niya naman agad ako ng suntok kaya natawa ako ng malala.



"Napaka, tss!" Tugon nya. Tumabi siya sa'kin at inakbayan ako at tumingin sa'kin.



"Namimiss mo na naman ba sila?" Tanong ni Jaz. Tumingin ako sa kaniya at nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.


Pirsa AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon