Prologue

2.8K 113 40
                                    

#JAJTheReunion

5:00 PM. Naglabas ako ng isang mahabang buntong hininga. Sigurado na ba talaga ako? May choice pa ba akong umurong? Hay! Bahala na! Nandito naman na din ako.


Tinahak ko ang kahabaan ng catwalk papaloob sa hardin ng Conchas. Ang laki na ng pinagbago. Mula sa mga halaman, brick tiles, tanaw na tanaw na din ang malawak na karagatan mula dito. Maski mga bench at upuan, iniba na din.


Matama lang akong nagmamasid, nagbabakasakaling makita ko yung taong dahilan kung bakit ako pumunta dito, nang may tumawag sakin mula sa likuran.


"Reese?" Agad naman akong napalingon. "Reese, oh my god! Finally, you came! We thought, hindi ka na ulit namin makikita. Ilang taon na ba? 5? 6?" sabi ni Alana as she pulled me to a hug. She never aged.


"Actually, 8 years." I smiled. Nakatingin ito saakin ng deretso sa mata, and I know what that look is about.


"How are you, Reese?", halos pabulong nitong tanong saakin.


Her question echoed in my head.


Nagsisisi parin ako, I wanted to say. Pero.. "I'm fine now, I guess. Life was.. a little too much for me. Pero I'm just blessed na ang daming opportunities na dumating and maybe because of those, I had a will to live again. Other than that, wala namang nagbago." Alana tapped my shoulder.


"I'm proud of you." biglang sabi nito na nagpakirot sa puso ko. Iba rin talaga kung yung mga tunay na tao na yung nagsasabi nang mga salitang yan.


"Mareese!" biglang may napasigaw sa gawing kanan namin ni Alana. Oo nga pala, I almost forgot we are in a reunion party. I waved my hand to them at nagsimulang maglakad papalapit sa table nila.


Khloe was the first one to approach me when we finally reached their table. Siya din yung tumawag sakin kanina lang. Around the table was, Johann, Khloe's husband, na nakaupo next to her. Sa tabi naman ni Johann nakaupo si Rufus, Alana's fiancé. Across him, is Camilla and her husband, si Elisander.


I can't help but smile to see them all again, after 8 long years. Grabe. Wala silang itinanda ni katiting. They look like college teens.


"Grabe 'tong si Miss Rivera. Magpapakita lang kapag gusto!" biglang asar ni Elisander. I smiled shyly.


"Ano ba kayo! Thank her nga kasi nasingit pa niya tayo sa sched niya." dagdag naman ni Khloe.


"Oo nga naman, Reese. Kala nga namin sa magazine ka nalang namin makikita. Or magrereplay nalang kami ng mga interviews mo sa YouTube. Super model slash business owner, Miss Mareese Franzcine Rivera!" saka pumalakpak si Camilla na sinabayan naman ng lahat.


Natawa nalang ako. "Ano ba? Did you invite me here para may asarin kayo magdamag?"


"Nakakahiya din naman kasi yung mga suot namin ano!", asik ni Khloe, dahilan para mapatingin ako sa suot nila, tapos sa suot ko. Just then I realized, my outfit was... out of place.

Juliet and Juliet [GLT 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon