Anghel ng Buhay Ko

13 0 0
                                    

Di masamang umibig, ito'y para sa lahat. Walang tayong pinipili, dahil tayo'y tapat. Puso'y tumitibok, wala siyang sinisipat. Hindi ba't may kasabihang, pag-ibig ay bulag. Kakalungkot isipin, na mayroong mga kwentong pag-ibig na nararanasan tayo kung saan ang taong ating mahal gustuhin man niya, natin, at nang kahit na sino ay hindi pwedeng manatili hanggang dulo.

Walang tamang edad para masabing bawal at pwede kanang umibig. Sa aking pananaw ay nasa tao na lamang ito kung hahayaang mag-dulot ng mga negatibong resulta ng dahil sa mga bagay na ginawa niya. Kung minsan naman ay nagiging mali sa mata ng iba dahil lang din sa mga pamahiin at paniniwala ng mas nakatatanda. Gayon pa man, mayroon din akong paniniwala na ako ang may hawak ng buhay ko at gagawin ko ano man ang gusto ko basta wala akong tinatapakan na tao.

Dinig na dinig ang malakas na ingay ng banda malayo pa lamang kami ni Cess, sya ang aking kasama. Pagpasok namin ng basketball court ay agad kaming naghanap ng pwestong mauupuan ngunit sa kamalas-malasan ay puno na ang lahat ng silya kaya naman nanatili na lamang kaming nakatayo sa bandang likuran kung saan may mangilan-ngilan din kaming kakilala. Ngayong araw ang bisperas ng piyesta sa aming barangay at bukod sa banda ay may gaganaping Ms. Gay na pagbibidahan ng mga kalahok na nagmula sa iba't-ibang lugar. Ilang mensahe pa ang binigay ng mayor, konsehal at di ko na kilalang mga persona at pagpapakilala ng mga hurado ang lumipas bago nagsimula ang patimpalak. Maya-maya pa ay lumapit samin ang ilang mga lalaki. Kinakausap si Cess ng iba at ako naman ay dedma, hindi naalis sa pinapanood ang mga mata. Hanggang sa lumapit sakin si Echo, kalalaking tao pero ang iingay. "Hi, Ara" wika nito sabay akbay. "Tigilan mo nga ko, lumayo ka dito" sabi ko naman sabay tanggal ng kamay nya sa pagkakaakbay. Si Echo ay matagal ko nang kaibigan at magkatapat lang ang aming mga bahay. Kilala ko siyang maloko at totoong maingay pero napakatalentado at hindi rin maiaalis na may itsura ito kaya madaming babae ang nagogoyo. "Ayun si Risse, tulungan mo ako, pagseselosin lang naman natin" pangungulit pa nya. "Bakit naman ako? Andyan si Cess sya nalang" tanggi ko. "Bakit din ako? Ara, kilala nyan na kababata ko si Echo" wika naman ni Cess. "Ang dami nyo kasing arte, pabreak break pa magkakabalikan din naman" asik ko na tinawanan lang ni Cess. "Dali na kasi, tatabi lang naman ako sayo dito e, babalikan kita pagkatapos ng sayaw namin. Manood ka ah! Babalik ako" wika nya at tinalikuran ako. "Bahala ka sa buhay mo, idadamay mo pa ako" sigaw ko na alam ko namang narinig nya din kaya ngingisi-ngisi syang tumakbo pabalik sa mga kasama nya. Niyaya ako ni Cess habang inaasar at napagpasyahang pumunta muna sa labas at kumain ng sari-saring street foods na nakita namin kanina. Sakto namang pagpasok namin ay sasayaw na sila Echo. Hindi ko maipagkakaila na magaling siyang sumayaw, nahagip ng mata ko si Risse na halatang kay Echo lang din naman nakatutok ang paningin. Matapos ang sayaw, ilang minuto pa ay di ko alam na seseryosohin talaga ni Echo ang mga sinabi nya. Agad syang lumapit saken at nangulit na pilit pinapangatawanan ang kalokohan. At doon nagsimula ang aming kwento.

Kinabukasan, hindi ko inaasahan na magiging ganoon parin ang trato sakin ni Echo. Hindi sobra pero ang sweet niya. Halos buong araw kaming magkakasama ng barkada. Nagsimulang mabuo ang barkada namin noong naging grupo kaming sumali sa liga ng volleyball. Naiilang na ako dahil hindi normal to para sakin, isa pa ay inaasar ako ng mga kasama namin. Hindi pa nakontento ang loko, nagpakuha pa ng ilang litrato namin para mailagay nya daw sa peysbuk. Kinagabihan, nagpaalam na ko sa kanila dahil pupunta ang aming pamilya sa bahay nila tita, kapatid ng papa ko. Pero bago pa man ako makapasok ng gate ay tinawag ako ni Echo, lumingon ako at hinintay lang ang sasabihin nya, "Gusto kong totohanin na ang lahat. Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo" wika nya, iniwan akong tulala at hindi makapaniwala.

Lumipas pa ang ilang araw at ganoon nga ang nangyari. Lunes hanggang biyernes ay hindi pumapalya si Echo sa pagbibigay ng pagkain tuwing recess. Minsan pa ay hihintayin nya ako sa labas ng gate o di kaya naman ay susunduin sa bahay para sabay kaming pumasok at minsan nama'y hihintayin pang matapos ang klase ko para sabay kaming umuwi. Tuwing sabado ng madaling araw ay may jogging kami kasama ang barkada, nakasanayan na namin noong nageensayo para sa liga. Tuwing linggo naman ay susunduin nya ako sa bahay para magsimba. Nakasanayan nya na rin na sunduin ko sa computer shop kapag malapit nang gumabi. Minsan naman sabay kaming gumagawa ng takdang aralin. Kapag may pagkakataon ay isinasama ko din sya sa mga gala ko. Korni man, pero mas pinipili nyang hatiin ang kendi para lang maibigay sakin ang kalahati kaysa bumili ng panibago. Tatambay sya sa bahay at doon maggigitara at kakanta. Kahit pagtingala lang sa langit para panoorin ang mga bituin ay ginagawa namin sapagkat alam nyang makakapagpasaya sakin.

Love Is EverywhereWhere stories live. Discover now