Nag-bago na ang Mundo

3 0 0
                                    

Isang malaking pagbabago
Pagbabago na hindi inaasam ng kahit na sino
Ano nga bang nangyayari?
Binabalot ng masasalimuot na pangyayari?
Ang ating bansa maging ang buong mundo
Hindi mawari kung dapat bang matuwa o manlumo

Paano na ang mga etudyante?
Ang mga modyul ay hindi nakakatulong upang sila'y maging kampante
Sadyang nakakaapekto, maging sa iba't-ibang uri ng trabaho at pamumuhay ng bawat tao
Kailan nga ba matatapos ito? Marami nang buhay ang naisakripisyo

Wala tayong magagawa kundi ang mag-hintay
Mag-hintay at mag-isip ng mga positibong bagay
Isang pagkakataon upang maglaan ng maraming oras sa pamilya
Na noon ay hindi mo lubos maibigay sapagkat abala upang kumita ng pera
Ang mga kabataan nama'y gala pagkatapos ng eskwela

Sa muling paglabas ay sariwang hangin ang malalanghap dahil sa kawalan ng biyahe
Sa pananatiling buhay sa tingin ko dun palang tayo ay lubha nang masuwerte
Hindi man ito ang pamamaraang gusto natin para sa pagbabago
Ang mahalaga hindi lahat ng naidulot nito ay negatibo

Pagkakaisa ng mga mamamayan, maging ng pamahalaan ang kailangan
Upang ang pandemyang ito ay agad na mawakasan
Wag kakalimutang manalangin at mag-tiwala sa maykapal
Dahil ang lahat ng ito ay hindi habambuhay na magtatagal
Sabay sabay tayong manabik sa balitang tayo ay malaya na sapagkat ang pandemya ay tapos na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Is EverywhereWhere stories live. Discover now