Felicity POV
Kinabukasan ay maaga kong nagising pero parang di nga ko nakatulog sa kakaisip eh hanggang ngayon kinakabahan pa din ako baka kasi galit na naman si papa.
Di kaya nakita nya ung mga drawing ko sa room, last time kasi na nahuli nya ko sinunog nya lahat ng drawing ko kaya todo tago talaga ko kaya sana naman hindi.
Tulog pa rin si Yumi ng bumaba ako para kumain naabutan ko dun sila Nanay Rosa na naghahanda ng pagkain kasama ung iba nameng katulong.
"Gising ka na pala iha, halika kumain ka na nag handa ko ng paborito mong bacon at fried rice with egg" umupo naman ako saka nagsimulang mag sandok ng pagkain.
"Salamat po Nay Rosa" ngiting sabi ko saka sumubo, ang sarap talagang magluto ni Nanay pero syempre mas masarap magluto si mama.
"Sabi pala ng papa mo aantayin ka nya sa office nya kaya bilisan mo jan dahil mukang importante ata ang sasabihin sayo" naalala ko nanaman un.
"Tingin nyo Nay ano po kaya ung sasabihin ni papa sakin?"
"Naku iha hindi ko alam, bakit may ginawa ka bang kasalanan?" Umiling naman ako agad.
Binilisan ko naman ang pagkain ko saka ko pumunta sa Library ng nasa pinto na ko may narinig ako nag uusap mukang nasa loob din si mama and lolo nag stay muna ko sa labas at pinakinggan ung pinaguusapan nila.
'Tsismosang bata'
'Manahimik ka nga jan brain'
Tinapat ko ung tenga sa pinto hanggang sa narinig ko si mama.
'Bakit ba kasi sya pa?'
'Wala naman tayo magagawa isa pa kailangan nyang matuto lalo na malapit na din naman un'
'Pero baka mapahamak lang sya dun, alam nyo naman ang lugar na un'
'Kaya nya un, saka malakas naman sya ano silbi mg pagtuturo natin sa kanya'
'Kung nandito lang sana si Felix'
Nang marinig ko yun ay bigla kong mapalayo sa pinto at natigilan nagbabadya ng tumulo ang luha ko pero pinigilan ko saka ko hininga ng malalim at kinalma ko ang sarili ko saka ko kumatok
"Pasok"
Sumilip muna ko saka pumasok nakita ko na nakaupo si papa sa dulo nasa kanan naman si mama at nasa kaliwa si lolo.
"Halika rito iha maupo at may sasabihin kami sayo" sabi ni lolo habang tinatap ung upuan sa tabi nya kaya umupo ako dun.
May inabot na isang folder sakin si papa kaya kinuha ko un.
"Iyan ang bago mo school jan ka na papasok sa susunod na school year mo."
Natigilan ako sa sinabi ni papa, lilipat ako ng school? Bakit?
"P-pero bakit po maayos naman po ung school ko ngayon eh saka gusto ko po dun"
Hinawakan naman ni lolo ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Apo ang school na yan ay pagmamay-ari ng pamilya natin gusto namen na ikaw ang mamahala nyan kaya kailangan mong lumipat" mamahala? Pero bakit ang bilis naman.
"Pero hindi pa naman po ako tapos mag aral s-saka baka di ko po kayanin" napayuko naman ko habang sinasabi un
"Kaya ka nga namen ililipat dun para mapagaral mo na kung pano magpatakbo ng negosyo tapos sasabihin mo hindi mo kaya?" Mas lalo kong napayuko ng marinig ko si papa.
Galit na sya alam ko pero pinipigil lang nya
"H-hindi naman p-po un ang ibig kong s-sabihin kaya lang---"
"Enough no more explanation you will study there and that's final"
Tumango naman ako bilang pagsangayon
"Pag pasok mo sa school na yan ay pagsasabayin mo ang pag aaral pati na din ang pamamahala, all teachers there are know your identity pero hindi ibig sabihin nun ay magpepetiks ka na lang sa pagaaral dahil sinabihan ko na sila na hindi ka bibigyan ng special treatment and for student ia-announce un pagpasok mo para makilala ka nila, may tanong ka pa ba?" Sabi ni papa sakin.
"Wala naman po"
"Good kung wala ka ng sasabihin at itatanong you may leave may pag uusapan pa kami"
"Ahm... Papa may isang request lang po sana ko kung pwedi?"
"What it is?"
"Kung pwedi lang po sana wag na po natin ipaalam sa mga student ang tungkol sakin"
"Why?"
"Ah kasi po ayoko lang po sana na mailang sila sakin" Tumango naman si papa sa sinabi ko.
"Kung yan ang gusto mo fine, meron pa ba?"
"Wala na po un lang sige po aalis na po ako"
Tumayo na ko at naglakad papuntang pinto habang dala ung folder na bigay ni papa, sa taas ko na lang to babasahin. Nang makalabas ako ng pinto ay napasandal ako dito dahil feeling ko babagsak na lang ako anytime.
Umakyat na lang ako sa room ko, pagdating ko roon ay nakita ko si Yumi na mukang kalalabas lang ng banyo naupo naman ako sa kama at agad naman itong lumapit sakin.
"Oh ano, anong sabi? Pinagalitan ka ba?" Tanong nya sakin habang nakahawak sa dalawa kong balikat, umiling naman ako.
"Hindi, pero may pinapagawa sya sakin."
"Pinapagawa? Ano naman un? Pinapagawa ka ng time machine? Maging presidente ng pilipinas? Magtayong ng building ng ikaw lang mag-isa? Ano?"
Natawa naman ako sa sinabi nya.
"Baliw hindi, bakit naman ipapagawa ni papa yan"
"Hmp malay mo naman mo, pero ano nga un?"
Inabot ko naman sa kanya ung folder na hawak ko.
"Lilipat daw ako ng school sabi ni papa, isa sa mga pagmamay-ari namen para i-manage"
Nanlaki naman agad ung mata nya kahit kelan talaga tong babaeng to napaka-OA
"ANO? Lilipat ka bakit ka naman pumayag saka imamanage mo ung school eh di ka pa naman tapos mag-aral ah ano un pagsasabayin mo?"
Tumango naman ako sa kanya.
"Grabe eh mas malala pa pala ung pinapagawa sayo ng papa mo sa mga sinabi ko kanina eh"
Nahiga naman ako sa kama at tumingin sa kisame habang si Yumi ay binuksan naman ung folder.
"Tingin mo Yumi kakayanin ko kaya un?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig pa din ako sa kisame, pero ilang segundo na ang lumipas di pa din ako sinasagot ni Yumi kaya napatingin ako sa kanya.
Nakita ko sya na nakatulala dun sa folder na hawak nya.
"Hoy Yumi kinakausap kita bat naging statue ka na jan ha?"
"Fe"
"Oh bakit ba un para ka nanamang baliw jan"
"Diba sabi mo lilipat ka sa school na pagmamay-ari nyo?"
Huh? Ano daw ano bang nagyayari sa babaeng to
"Oo nga, bakit ba?"
Inabot naman nya sakin ung folder at mukang seryoso sya kaya napatingin naman ako dun sa folder.
'Huxley Academy'
Loading......
Loading.............
Loading..................
Loading......................
Huxley? Academy?
O_O!
HUXLEY ACADEMY!? OMG
BINABASA MO ANG
Huxley Academy
ActionDahil sa kagustuhang may mapatunayan sa kanyang ama napilitan si Felicity Zion Sandoval na lumipat ng school na isa sa pagmamay- ari ng pamilya nya. Nung una akala nya ay magiging maayos at madali lang ang lahat, pero sa pagtapak palang nya sa eskw...