Felicity POV
"ANAK NG---BAKIT MAY BABAE DITO?"
Nagulat ako nung sumigaw ung lalaking mukang amerikano. Saka ano daw bakit may babae dito bakit bawal ba ang babae dito?
Ah siguro may gagawain sila tapos akala nila wala pang tao siguro aalis muna ko.
"Ah hehehe sorry sige aalis muna ko" tumayo na ko sa upuan pero nung kukunin ko na ung bag ko ng may nag salita.
"What the f*ck happen here?" Napalingon naman ako dun sa mga lalaki na bigla na lang nahawi sa magkabilang gilid at mula sa may pinto may lalaking dumaan sa gitna nila sya siguro ung nagsalita.
Naka kunot ang noo nya at parang galit na galit, nagulat naman ako nung bigla sya lumingon sakin at tiningnan ako ng masama.
'Hala nakakatakot'
Nakakatakot ung aura nya feeling ko tuloy may nakikita kong dark aura na naka palibot sa kanya katulad nung kay Goku napaatras naman ako nung bigla syang naglakad papunta sakin at napahawak dun sa lamesa ko. Hanggang sa nasa harap ko sya dun ko nakita ng maayos ung itsura nya matangos ung ilong nya, kulay light blue naman ung mata nya at ang ganda habang yung buhok naman nya ay hindi mahaba pero di rin maikli sakto na magulo pero bumagay sa kanya napansin ko din na kulay gray yung buhok nya.
'Teka bawal yan ah'
"A girl?" Nabalik naman ako sa nangyayari nung nagsalita si kuya gray hair pinasadahan naman nya ko ng tingin mula ulo hanggang paa kaya napayuko ako.
"Tell me little kitty what are you doing here?"
"H-ha? A-ah a-no kasi d-dito ung r-room ko k-kaya---"
Bigla naman sya ngumisi dahil sa sinabi nanlaki ung mata kong nag bigla nyang ilapit ung muka nya sakin kaya mas lalo kong napaatras nakasandal na ko ngayon dito sa table ko.
"That not my question little kitty, my question is what are you doing here.....in our school"
"Ah d-dito ko nag-aaral" pagkasabi ko nun ay bigla naman umalis sa harap ko si kuyang gray hair at umupo dun sa chair ng teacher at pinatong ung dalawa nyang paa sa table.
"At pano naman nangyari un?" Napatingin ako sa isang lalaki na katabi nung mukang amerikano "Walang pweding pumasok dito ng basta basta lang"
"Eneroll ako ng parents ko dito two months ago pa."
"Enroll? Miss walang nagyayaring enrollment dito kaya imposible yang sinasabi mo" sabi naman nung mukang amerikano. Ano walang enrollment dito kaya ba walang nakakapasok dito tulad ng sabi ni Yumi saka meron bang school na walang nagyayaraing enrollment? Paano naga-apply ang mga student dito kung ganoon?
"Pero totoo ang sinasabi ko dala ko nga ung enrollment form ko kung gusto nyo tingnan nyo" sabi ko sabay abot nung folder na naglalaman din ng schedule ko at iba pa inabot naman nila yun at tiningnan pagkatapos ay kunot noo nila kong tiningnan ulit.
"But...this is imposible?"
"Bakit naman imposible?"
"You don't need to know" napalingon naman ako ulit kay gray hair nung magsalita sya. Tumayo naman sya saka umupo sa second row sa harap at nagsisunuran sa kanya ung ibang mga lalaki habang ung mukang amerikano naman ay inabot sakin ung folder ko at kinuha ko naman un.
"Hindi namen alam kung paanong ang isang babaeng katulad mo ay nakapasok dito pero kung ako sayo miss habang maaga umalis ka na ng school na to"
Isang babaeng katulad ko?
"Pero hindi ako pweding umalis dito dahil dito nga ko mag-aaral"
"Hindi nga pwedi dahil walang babae sa school na to"
'Walang babae sa school na to'
'Walang babae sa school na to'
'Walang babae sa school na to'
'Walang babae sa school na to'
Nag- echo bigla sakin ung huli nyang sinabi, walang babae dito?...... Sa school?
Mag sasalita pa sana ko ng may isang pamilyar na lalaki ang pumasok agad namang umupo ung mukang amerikano at nagsi-ayos naman ng upo ung iba maliban kay gray hair na nakataas pa din ang paa sa mesa.
"Good morning hmm mukang konti pa lang kayo ah" sabi nung bagong pasok at napatingin naman sya sakin akala ko magugulat sya na nandito ko pero ang loko ngumiti lang.
"Good morning Miss Sandoval" sabi nya na sobrang lawak ng ngiti sakin ang hinayupak.
"Sir kilala mo sya?" Tanong nung isang lalaki na kanina pa nakatingin sakin mukang chik boy.
Sir?
"Syempre naman sya ang bago nyong classmate"
"Pero sir pano nangyari yun?"
"Hay wag nyo ng alamin ganoon talaga ang mundo maraming nagyayaring kakaiba na hindi maipaliwanag diba Miss Sandoval?" Sabi nya sabay harap sakin at nakangiti pa din.
Sandali parang di ko yata keri to eh pumikit muna ko sandala saka himinga ng malalim at nag-isip una walang enrollan dito sa school which is sobrang kakaiba pangalawa walang babae sa school normal un lalo na kung boys school to pero ang kakaiba bakit ako pinasok nila papa dito at pangatlo paanong nandito si Kuya Ryker ba ung mga pahiwatig nila lolo sakin pati ung 'good luck' ni Tita Alona kanina?
Pagdilat ko ay muka agad ni kuya ang nakita ko na nakangiti pa din sakin kaya tiningnan ko sya ng masama at lumapit ako sa kanya bigla naman syang umatras hanggang sa mapasandal sya sa board.
"A-ahm Miss Sandoval?"
" ANONG MISS SANDOVAL....IKAW" Sigaw ko sa kanya saka ko sya hinawakan sa tenga at hinila palabas ng room nakita ko naman na napasingha ung mga lalaki at halatang gulat na gulat sa ginawa ko kay kuya.
"A-ah aray----aray t-teka miss---ouch dahan---aray dahan"
Hinila ko sya hanggang sa dulo ng building at walang tao binitiwan ko naman ung tenga nya at agad nyang hinawakan yun nakita ko pang namula un pero bagay sa kanya un.
" Aray naman insan ang sakit nun ah kailangan talaga pingutin si poging ako" yes tama kayo ng basa sa kasamaang palad pinsan ko ang makulit na to.
"Heh ikaw kuya ah magsabi ka nga ng totoo ano bang nagyayari dito ah bakit ganoon na lang sila makapagreact sa pagpasok ko dito? at talaga bang wang babae sa school na to? Ikaw anong ginagawa mo dito? Kelan ka pa nandito ha? Saka---"
"Wait wait awat muna isa isa lang tambak na eh, una syempre magugulat talaga sila dahil ngayon lang sila nakakita ng maganda" hinampas ko naman sya at tiningnan ng masama "Aray to naman eh oo na wala talagang babae sa school na to kaya talaga nagulat sila at kung paano naman ako nandito syempre teacher ako dito pinasok ako ng lolo mo nakatapos naman ako ng Engineer kaya nagtuturo ako rito teka ng wala bang sinabi sayo ang lolo ko about dito?"
Umiling naman ako kaya napailing din sya "Hay kahit kelan talaga kung wala syang sinabi ibig sabihin bawal ko rin sabihin kaya galingan mo baby girl ah"
"Anong bawal sabihin at anong galingan ang pinagsasasabi mo jan ah ano un"
Tumawa lang to ng tumawa saka ko inakbayan at naglakad pabalik sa room.
"Basta pero wag kang mag-alala hindi naman kita papabayaan dito okay? Miss President" tss kahit kelan talaga pasaway.
Nang makabalik kami sa room ay marami ng tao at tulad nung una nagulat ung mga bagong dating ng makita ko pero si kuya pinatayo ako sa harap at pinakilala sa harap at ngayon nakaupo na ko sa upuan ko pero ung totoo ang ackward dito sa pwesto ko pano ba naman sa buong forth row ako lang ang nakaupo ung first to third row ung mga naunang dumating kanina habang ung fifth to seventh row ung mga kararating lang
Ano to wave ni Moises?
Mukang mas mahirap pa pala to sa inaasahan ko naku naman.
BINABASA MO ANG
Huxley Academy
ActionDahil sa kagustuhang may mapatunayan sa kanyang ama napilitan si Felicity Zion Sandoval na lumipat ng school na isa sa pagmamay- ari ng pamilya nya. Nung una akala nya ay magiging maayos at madali lang ang lahat, pero sa pagtapak palang nya sa eskw...