Chapter 3:The School

0 0 0
                                    

Felicity POV

Almost 2 months na din simula nung sinabi sakin nila papa na lilipat ako ng school at nalaman na sa Huxley Academy ako lilipat.

Grabe talagang hanggang ngayon hindi ko pa din ma-isip na ang school na pinaguusapan ng halos buong Pilipinas dahil sa pagiging misteryoso ay kami pala ang may-ari. Alam ko naman na mayaman kami dahil madalas lumalabas sa T.V, Newspaper and Magazine sila Lolo pero di ko alam na higit pa pala dun.

Pero kahit na ganoon hindi ako pinapayagan nila mama na makita o mabalita sa kahit anong media, hindi naman dahil sa tinatago ako o ano siguro for protection na lang din dahil sa nangyari noon.

Sa ngayon ay nandito kami ni Yumi sa mall para mamili ng mga gamit namen ilang notebook, ballpen, etc.  at kung tinatanong nyo kung anong nangyari nung araw na nalaman namen na sa Huxley ako mag-aaral epic.

Dahil kung ako shock mas malala si Yumi kulang na lang bugbugin nya ko sa kakapilit na alam ko daw na kami ang may-ari ng school na un. Hindi nga ko makapagsalita sa kakadaldal nya eh.

"Fe wag mo kong kakalimutan ah, lagi ka susulat sakin pag may nangaway sayo dun sabihin mo agad sakin para maresbakan ko wag mo ring kakalimutan na mahal na mahal kita at sana kahit saan ka man mapunta andito lang ako tandaan mo yan at---"

*PAK*

"ARAY ano ba nag dadrama ko dito makabatok ka naman eh" sabi nya habang hinihimas ung ulo na at nag pout.

"Para ka kasing sira jan eh kung ano anong pinagsasabi mo para namang pupunta ko sa ibang bansa saka anong sulat eh may cellphone naman tayo"

Sumimangot naman sya saka nag papapadyak.

"Eh kasi naman eh ok lang naman na lumipat ka ng school kaya lang bakit naman kailangan naka dorm ka pa."

Yes tama kayo ng basa mag do-dorm nga ko, ayoko din naman kaya lang required daw kasi un sa lahat ng students.

"Required nga kasi" sabi ko habang nilalagay na sa counter ung mga pinamili namen. Tinulungan naman nya ko sa paglalagay.

"Eh kayo naman may-ari diba pweding exempted ka?"

Umiling naman ako sa kanya.

"7,250 po lahat ma,am" sabi nung cashier saka ko sya inabutan  7,300.

"Keep the change, salamat" sabi ko saka kinuha ung mga pinamili namen ganoon din si Yumi.

"Hindi pwedi Yumi magtataka ang mga student kung bakit ganoon saka hindi nila alam na kami ang may-ari nung school" naglakad naman kami palabas ng national book store saka pumunta sa isang Ice cream shop.

"Eh bakit ba kasi ayaw mong ipaalam? Ayaw mo ung ikaw ang princess sa school na un" sabi nya sakin habang tinataas- taas ung kilay nya.

"Kahit pa sabihin ko hindi rin mangyayari un diba nga sabi ni papa walang special treatment na mangyayari, saka ayoko lang naman na dahil sa papagiging anak ng may-ari kaya sila mabait sakin gusto ko rin naman na magkaroon ng kaibigan dun na alam nilang ako lang yun hindi dahil sa anak ako nila papa"

"Oh well sabagay pero basta ah pag may nang away sayo dun sabihin mo sakin bubugbugin ko un"

Napatawa naman ako sa kanya "Kaya ko din naman silang bugbugin noh"

"Alam ko naman un pero kilala kita hindi ka naman basta lumalaban"

Sabay kaming lumapit sa counter at nag order Cookies and Cream sakin sa kanya naman Black Forest nasanay na kami na laging iba ung flavor ng ice cream namen parehas kasi kami ng ugali na tikman un ice cream ng isa't isa.

Huxley AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon