Felicity POV
Maaga kong nagising siguro dahil na rin sa kaba 8 pa naman ang klase ko at 6:30 pa lang kaya mahaba pa ang oras ko pero nagbihis na din ako ng uniform balak ko kasing mauna na para di ko makasabay sa mga estudyante mamaya.
Maganda ang uniform nila dito para ngang pang ibang bansa eh meron syang white polo na nasa loob at patungan ng kulay itim na long sleeve sa kanang dibdib naman neto na kalagay ung logo ang school may neck tie din na itim ung palda kulay itim din na may dalawang highlight na white sa dulo hanggang gitna ng tuhod ko naman un pero ang ikli pa din para sakin nilugay ko naman ung buhok ko naglagay ng konting puldo at lip balm di naman kasi ako nag mamake-up eh si Yumi lang ang madalas na nag lalagay sakin pag may pupuntahan kaming party or gatherings.
Dinalhan ako ulit ni Ate Sammy ng breakfast kanina at katatapos ko lang kumain kaya lumabas na ko ng dorm saka dumiretso sa office ni Tita Alona sabi nya kasi may ibibigay daw sya sakin, pagdating ko roon ay naabutan ko nanaman na nagkakape sya tingin ko favorite nya ang coffee.
"Good Morning po Tita"
"Oh good morning iha ang aga mo ah halika maupo ka kaumain ka na ba?"
Tumango naman ako agad sa kanya "Opo kumain na po ako bago pumunta dito"
"Good sya nga pala eto ung ibibigay ko sayo" sabi nya sabay abot sakin ng tatlong susi na may iba't ibang kulay ng tali sa mga butas neto.
"Para saan po ito?"
Uminom muna sya bago nya ko sinagot "Oh iyan ba kung color white na susi is for your locker nasa schedule mo na din nakalagay kung anong number ang locker mo ung blue naman is for your dorm ang last is the red one is for the office since minsan lumalabas ako ng school dahil sa iba't ibang meeting and seminar na ina-attenand ko"
"Ah ganoon po ba sige po Tita salamat po dito"
"And after your class is dito ka sa office para mag-work but only one hour lang kada weekdays but pag weekends syempre whole day ka bat don't worry it's up to you pa din naman yun saka tutulungan pa din naman kita kaya hindi ka matatambakan ng trabaho"
"Sige po"
"And ever last week of the month pinapayagan namen ang mga student na lumabas nga school para umuwi sa family nila"
Tumango naman ko may mga ilang binilin pa sya sakin bago ko nagpaalam at pumunta na sa room. Peeo bago ko lumabas ng office nya ay tinawag nya ko.
"Felicity" napaharap naman ako sa kanya
"Po?"
"Good Luck"
Good luck para saan? Ah siguro kasi dahil first day ko.
"Sige po tita salamat po" saka ko tuluyan nag lumabas.
Mukang hindi naman pala ganoon kahirap ang magpatakbo ng school eh saka magandang practice na din to kahit papano.
Bumaba ako dun sa hagdan na dating dinaan ko nung una kong pumunta dito saka dineretso ung daan papuntang classroom alam ko na kasi kung saan ung room ko dahil tinuro na un ni Tita nung nilibot nya ko dito at tulad ng inaasahan wala pang kahit isang estudyate akong nakikita dahil nga sobrang aga pa meron pang isang oras bago ang start ng klase.
Habang naglalakad ay nililibot ko ung paningin ko sa paligid napakaganda ng school na to halata mo sa bawat building na hindi basta basta ang school gaano kaya kayaman ang mga estudyanteng nag-aaral dito nalimutan ko kasing itanong kay Tita kung bakit ang higpit sa school na to eh siguro mamaya na lang pag punta ko ulit sa office.
Napatingin naman ako sa kaliwa ko nandun ung basketball court at sobrang laki nun sa tabi naman nun ang auditorium sa kanan ko naman ay isang paglalawak lawak na field na parang pang olympics ung dating merong ung track na kung saan tumatakbo ung mag athlete's.
Hanggang sa makarating ako sa room ko nasa second floor yun room 210 daw ang number ng room ko na nakalagay sa schedule ko na binigay ni Tita may nakalagay din dun mga mga pangalan ng classmate ko pero di ko pa binabasa dahil di ko pa din naman sila kilala.
Ang mga classroom dito ay merong anim na building na hanggang third floor at merong pitong classroom sa bawat floor nakapalibot ito sa bawat gilid ng malawak na field nasa gitna ung building kung saan ung room namen sa gitna naman ng field ay ang canteen habang sa kabilang gilid na katapat ng building namen ay ung faculty na hanggang second floor lang.
Nang nasa tapat na ko ng room ko ay binuksan ko na un at nagulat ako sa nakita ko.
Grabe totoo nga ang kasabihang 'Don't judge the book by it's cover'
Paano ba naman kung anong ginanda ng school sa labas un namang kalat sa loob sobrang daming basura sa loob ng room ang daming plastic, papel at alikabok.
Ano ba naman to hindi ba naglilinis ang mga tauhan dito sa school bago magumpisa ang klase. Napailing na lang ako mukang may isa na agad akong problema ah.
Nilapag ko muna ung bag ko dun sa gusto kong upuan sa forth row sya first set katapat dun sa teacher para marinig ko ng maayos ung turo pag nagstart na pero bago un pinunasan ko muna ung upuan at mesa dahil maalikabok nga saka ko nag pulot ng kalat nilagay ko lahat un sa pinaka dulong room para di makita ng teacher and student ipapakuha ko na lang sa taga-linis mamaya habang ung mga upuan at mesa naman ay winalisan ko lang ng konti para mawala ung alikabok binuksan ko na din ung pinto para mawala agad aircon pa naman ung room.
Nang matapos ako ay naghugas na ko ng kamay gamit ung dala kong alcohol then pinagpag ko ung uniform ko nakakahiya naman kung mangamoy alikabok ako kaya nagpabango na din ako matapos un ay umupo na ko sa pwesto ko at nilabas ko ung phone ko saka nagtext kay Yumi.
'Hey'
Sent
7:50 na kaya sure akong malapit ng dumating ung mga classmate ko, napatingin naman ako phone ko ng tumunog un si Yumi pala nag reply na.
'Hey you too, Ano musta first day may na meet ka na ba?'
'Wala pa di pa kasi sila dumarating eh ikaw saan ka nasa school ka na ba?'
'Nope next next week pa ko papasok'
Next next week?
'Bakit?'
Inantay ko pa syang magreply pero wala ba baka may ginagawa na sya pero bakit next next week pa sya papasok delay ba ang pasukan nila ngayon?
Mag iiwan pa sana ko ng message kay Yumi ng may narinig akong ingay na papalapit dito kaya tinago ko na ung phone at umayos ng upo hanggang palakas na ng palakas ung ingay nila ibig sabihin malapit na sila gosh mas lalo kong kinakabahan.
Napatingin ako sa pinto ng makita kong may mga lalaking pumasok marami sila siguro mga 12 or 13 nagtatawanan silang lahat hanggang sa napansin ako nung nasa unahang lalaki na mukang americano dahil ang puti nya at halata mong may lahi talaga dahil ang gwapo nya din napahinto sya sa paglalakad kaya lahat nung nasa likod nya napahinto din at napatingin sakin.
Lahat sila ay parang nagulat napakurap naman ko at biglang na conscious hindi ko natingnan ung muka ko kanina baka kay alikabok ako sa muka.
Humarap naman ako sa kanila "Hi?" sabi ko saka ngumiti at tinaas ng konti ung kamay ko para kumaway sa kanila.
Ilang segundo pa ang lumipas hanggang sa unang nakabawi ung lalaking mukang americano nagulat ako ng sumigaw sya bigla.
"ANAK NG--- BAKIT MAY BABAE DITO?"
Huh ano daw?
BINABASA MO ANG
Huxley Academy
ActionDahil sa kagustuhang may mapatunayan sa kanyang ama napilitan si Felicity Zion Sandoval na lumipat ng school na isa sa pagmamay- ari ng pamilya nya. Nung una akala nya ay magiging maayos at madali lang ang lahat, pero sa pagtapak palang nya sa eskw...