SIMULA

133 10 0
                                    

Simula

Hindi ko akalaing sobrang iba ang mundo dito sa Manila bukod sa samut saring polusyon na nalalanghap mo mula sa mga sasakyan at ibang mga gusali ay makikita mo rin kung gaano ka modernalisado ang buhay dito

I've never been far from my place but I wanna see how the real life is ayokong sa bawat galaw ko ay may mga taong nakatigtig lagi sayo

Ayokong makulong sa mundong hindi ko matamasa ang salitang kalayaan dahil sa mapanghusgang mga taong nakapalibot sa pamilya ko

"Ma'am sukli po" sabi sakin ng tinderang pinagbilhan ko ng tubig

Kahit gaano kadami ang mga naglalakihang mga gusali ay diko maiwasang mapagkumpara ang CASA ILENA sa Manila maliit lang na bayan ito sa Cebu pero makikita mo rito kung gaano kalinis at kaganda ang mga tanawin mula rito at di mapagkakailang sariwa ang hangin sa probinsya habang salungat naman nito ang sa Manila.

hindi ko alam kung saan ako magpapalipas ng gabi gayong kakarampot nalang ang natitirang pera sa wallet ko

Siguro maghahanap muna ako ng malapit na hotel na matutuluyan kahit ngayong gabi lang at bukas na ako lalarga at maghahanap ng trabaho dahil diko alam kung ilang araw o linggo nalang ang itatagal ng natitirang 7 thousand at iilang barya sa wallet ko

Tinignan ko ang kulay kahel na langit na syang tanda na kailangan ko na talagang maghanap ng matutuluyan

I have my Important papers with me
Siguro hindi naman ako makikilala rito gayong sobrang layo ng Cebu sa Manila.

"Ahm. Ate? May alam po ba kayong malapit na hotel dito? " Tanong ko sa tinderang pinagbilhan ko kanina

Ahh oo meron sakay kalang ng tricycle dyan sa kanto tapos sabihin mo sa IMPRESSA

"Sige ate maraming salamat po! "

Mabilis kong pinasadahan ang buong lugar at di makapaniwalang nagawa ko ring makapaglakad ng walang taong nakasunod sa aking likuran
Patuloy parin ang paglakad ko papunta sa sinabi ng ale kanina malayo layo rin mula dito ang mga tricycle na sasakyan papuntang hotel na aking tutuluyan naisip ko tuloy kung ano ng mangayayari sakin bukas gayong 1st year college lang ang aking natapos dahil sa pag alis ko sa probinsyang pinamamalagian ko noon I took fashion designing since yun naman ang hilig ko tutol noong una si daddy sa desisyon ko pero kalaunan ay pumayag din dahil sa papuring binigay ng mga mayayaman nyang katransakyon sa negosyo . pansin nila ang pagiging maalaga ko sa katawan at kung paano ko pagtagpi- tagpiin at ipag match ang mga sinusuot ko mapa sa bahay man o mga ibat ibang okasyon I usually wear fancy and expensive clothes minsan naman ay ako na mismo ang gumagawa noon dahil sa mga napagaralan ko dahil narin sa kurso kong iyon ay diko maiiwasang matuto narin sa pag aayos ng aking sarili kilala ang mga nasa kursong fashion designing sa pagaayos sa mga sarili not only on how they dress but also on how they make themselves look stunning in front of the other people.

Isang malaking buntong hininga ang aking pinakawalan dahil maaring mahirapan ako sa pagkuha ng trabaho gayong di ako nakapagtapos ng kolehiyo at di rin ganun karami ang makukuhang trabaho dahil napakahirap mag hanap ng trabahong nakapatungkol sa kursong kinuha ko

Akala ko'y napakadali lang ng lahat
na kapag nakapunta na ako ng Manila ay okay na lahat pero mukhang nakaligtaan ko kung ano ang buhay na haharapin ko gayong diko pwedeng gamitin ang mga cards ko dahil baka yun pa ang maging mitsya upang mapadali ang paghahanap ng mga pamilya ko.

Tanaw ko na mula rito ang mga nakahilerang tricycle at nagsimula ng pumara ng isa mula sa kinaroroonan ko dumating at lumapit naman agad sakin iyon at tinanong kung saan ang tungo ko.

"Manong sa malapit na hotel lang po" .

"Sa Impressa ba ineng? ", Si kuya

"opo manong" , sagot ko

"Sige ineng , bago ka lang ba sa manila?"

sabay pasada sa isang maleta at sa LV hand bag ko.

marahan akong tumango at ipinasok ang gamit ko tinulungan naman ako ni manong na ilagay sa likod ang maleta ko at sya na mismo ang nagtali upang hindi malaglag ang mga gamit ko.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay may nakita na akong signage na nagsasabing nandito na ako mabilis na inihinto ni manong ang tricycle at sinimulan ng kalasin ang tali sa maleta ko mabilis kong iniabot sakanya ang limang daang piso at nakitang napakamot si manong sa perang inaabot ko

"Nako ineng singkwenta pesos lang wala ka bang barya dyan? Mura lang naman ang papunta dito dahil napakalapit lang "

Nabigla ako sa sinabi ni manong dahil sobra sobra na pala ang ibinibigay kong pera kanina

"Ah pasensya napo akala kopo kase tama lang ang perang iaabot ko mabilis akong kumuha ng isang daan sa wallet ko at iniabot ko iyon ,
ito po manong sainyo nalang po yung sukli "

"Nako iha wala yun! Sabay tawa sakin ni manong . anak mayaman ka siguro pansin ko kase yung pagkabigla mo nung sinabi kong singkwenta pesos lang ang dapat bayaran nako iha mag ingat ka at buti na lang sakin ka sumakay dahil napakaraming tuso dito sa manila at kung iba ang pinag abutan mo nako baka pinagsamantalaan nya ang pagkakataon at tanggapin yang perang inaabot mo , oh sige na ineng mauna nako maraming salamat sa tip"

Sabay halakhak ni kuya.

Mabilis akong naglakad papaloob sa hotel na tutuluyan ko

Isang ngiti ang sumalubong sakin ng receptionist kaya agad akong nagtanong.

"Ahm. Isang room po yung pinaka mura lang sana"

WHEN YOU FALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon