Lies
Tulala parin ako dahil hindi pa ako makapaniwalang muntik nakong mapahamak
Patuloy lang ang pagpapakawala ko ng buntong hininga dahil sobrang bigat parin sa pakiramdam ang nangyari kanina
Pano pag di sya dumating kanina?
Pano na lang ako?I thought being far from my place gave me some freedom but here? Maybe yes I am free but I'm not sure if I'm safe and still not sure If I can endure being alone here in Manila lalo pat wala pakong nahahanap na trabaho
Tumingin ako sa labas at napagtantong nakarating na kami sa harap hotel.
Bubuksan ko na sana ang pintuan pero nakita ko syang umikot mula sa driver seat at pinagbuksan ako ng pinto inalalayan nya ako sa pagbaba kahit na kaya ko pa naman , medyo masakit parin ang aking tagiliran hindi naman ito gaanong kalalalim at tumigil narin ito sa pagdugo pero dama ko parin ang hapdi nito saaking katawan
"Ahh thankyou", I said
Maraan nya akong tinignan at inalalayan sa paglalakad nasa kanang balikat nya ang kamay ko habang ang kanyang kamay naman ay nasa kabilang parte ng bewang ko
"Kaya ko naman , pupunta na lang ako sa room ko at nang magamot ko na din ito... maraming salamat pala kanina".
Tinignan kong muli sya para makita ang ekspresyon ng kanyang mukha ,I can't deny it he's really handsome.
"No" , he said
"Sumama ka sakin ako na ang gagamot sa sugat mo", patuloy nya.
"H-hindi na po, masyado ko napong naabala yung oras nyo pasensya napo at maraming salamat".
Tutuloy na sana ako papuntang kwarto ko pero nagsalita muli sya
"I insist! Ako na ang gagamot sumama ka sakin I have my first aid kit on my suite hindi morin magagamot ng maayos yan dahil nasa tagiliran mo yung hiwa masasaktan ka lang pag pinagpilitan mo dahil mababanat yang sugat mo sa tagiliran, let's go" sabay hila sa kamay ko
Pumasok na kami ng lift at mabilisan nyang pinindot ang 6th floor
nagtaka lang ako dahil noong una namin pagkikita ay nakita kong nagmula sya sa 2nd floor at paanong naging 6th floor ang suite nya.
Siguro doon ang floor ng girlfriend nya? I guess?
Tumunog na ang lift hudyat na nasa tamang palapag na kami nauna syang naglakad saakin at sinundan ko na lang sya tumigil sya sa tapat ng isang pintuan at ini-swipe and card
Bumukas iyon at pumasok na rin ako kasunod nya ewan ko ba
But I feel safe when I'm with him
This is the first time I met him but I feel safe with himI scanned the whole room
At sobrang laki nito triple ang laki kumpara sa kwarto na nirentahan ko kitang kita ko din na kumpleto ang mga gamit may sofa isang queensize bed at iba pang mga gamit ang makikita moumupo kana muna doon , sabay turo nya sa sofa , I'll just get the first Aid kit
Sinunod ko naman sya
Umupo nako sa sofa at hinintay ang kanyang pagbalik
Papalapit na sya sakin daladala ang kit na may lamang alcohol , betadine ,cotton at bandage